You are on page 1of 7

“Kawangis na Nitso”

ni: Alleigh Anne Kielle A. Adalin

Tanghaling tapat, katirikan ng araw nang ako kasama ng aking pamilya ay umalis ng bahay upang
magtungo sa sementeryo noong Undas.

Kami ay masasayang nagkekwentuhan habang nakaupo at ginagamit ang aming mga oras para
makasama kahit sandali ang aking tatay. Hanggang sa pumasok sa isip ko na puntahan ang nitso ng
ama ng aking kaibigan. Kaya naman ako ay nagpasama sa aking pinsan at hinanap na namin kung
nasaan ang nitso nito sa sementeryo na ang tanging alam ko lamang ay ngalan, apelyido, at kulay
nito. At sa paghahanap namin, nakatagpo kami ng kulay asul na nitso at saktong sakto sa pangalan
na gaya ng pagkakaalam ko. Gaya ng nakasanayan ko, ako ay nagtirik ng kandila at nagdasal para
sa kaluluwa ng aking tito, at umalis pagkatapos ng ilan lamang na sandali.

Nang kahapunan, kami ay nagkita kita ng aking mga kaibigan at nagkasundo na pumunta sa nitso
ng bawat mga mahal namin sa buhay. Una kaming nagpunta sa nitso ng ama ng aking kaibigan at
lubos ang pagtataka ko dahil hindi ito ang nitso na napuntahan ko. Kinuwento ko ito sa mga
kaibigan ko at doon ay humagalpak sila kakatawa habang ako naman ay tila nakalunok ng bato at
hindi na makaimik dahil maling nitso pala ang tinirikan at dinasalan ko, na hanggang ngayon ay
hindi ako makapaniwala dahil gitnang inisyal lamang ang pinagkaiba ng dalawang nitso na ito.
"Kathang Isip"
ni: Lorenz Ralph I. Mendoza

Isang araw, ako ay maagang gumising at naghanda para pumasok sa paaralan. Ako ay
sumakay sa jeep upang nang madali upang makapasok sa silid-aralan nang maaga.

Pagkarating ko ay nandoon na ang aking kaibigan na gumagamit ng kanyang


cellphone sapagkat hindi pa dumadating ang aming guro upang magklase. Agad ko
syang binati at kami ay nagkwentuhan. Puno ng tawa at halakhak ang aming
kwentuhan. At sa hindi inaasang pangyayari, bigla kong nasabi ang aming sikreto nang
may sapat na malakas upang marinig ng buong klase. Ako, ang aking kaibigan at ang
buong klase ay nagulat sa aking binitawang salita na aming kay tagal nang itinatago.

Agad akong tumayo at tatakbo na sana paalis ng silid-aralan dahil sa hiya. Ngunit
ang kamalasan ay hindi maalis alis sa aking katawan at ako ay nadapa. Pagkadapa ko
ay bigla akong nagising sa pagyugyog sa akin ng aking ina. Ito pala ay isang panaginip
lamang. Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan nang ako'y magising

You might also like