You are on page 1of 2

Hashtag Enkawnter

Alas kwatro ng hapon, ito ang oras na kung may pagpipilian lamang ako ay
hindi ko nanasahin na lumabas at mag-byahe ng ganitong oras. Alas kwatro ng
hapon, ito ang oras na madaming estudyante sa labas, madami na naming kumpol
ng mga mag aaral ang naghaharutan na animoy kanila ang daan. Ngunit normal na
sa akin ang ganitong senaryo, na may makakasabay ka sa jeep na walang ginawa
kundi magkwentuhan ng mga mga bagay na sila lang ang nagkakaunawaan
kasabay ang malulutong na tawanan. Normal na din na sa ganitong oras, may mga
bata akong nakakasabay kasama ang kanilang mga sundo galing sa paaralan,
minsan ang mga ate nila, o ang kuya o ang tatay, ngunit madalas ay mga nanay ang
sumusundo sa kanila, na parang sila din ang pumapasok dahil halos magkakakilala
na bawat magulang. Ngunit may isang bata na nakaagaw ng aking atensyon ng
hapong iyon. Nasa kasalungat ko syang posisyon at kapwa nasa dulo kami ng jeep
na iyon, malayo ang kanyang tingin, malalim at tila malungkot ang iniisip. Hawak
hawak nya sa kanyang maliit na palad ang kanyang lumang pitaka at kilik ang
isang piraso ng papel na napapayid ng hangin, at sa aking pakiwari ay wala syang
kasama. Habang nakatitig ako sa kanya ay gusto kong paalahanan sya na kumapit
ng maiigi at baka mahulog siya, ngunit bago ko pa masabi ang mga katagang iyon
ay may narinig akong bulong. “Mabuti at pumasok pa din ang batang iyan, balita
ko ay nakaburol ngayon ang kanyang ama”. Bigla akong natigilan at nahabag sa
batang aking nasa harapan. Ngunit puno ako ng pag tataka at madami akong
tanong sa aking isipan, nasaan kaya ang kanyang ina, bakit sya hinahayaan na
mag-isa sa gitna ng kalungkutan.

Biglang tumigil ang jeep na aming sinasakyan sa sunod na paaralan,


sumakay ang isang pamilyar na babae na sa pakiwari ko ay Nakita ko na noon.
Tumabi siya sa batang nasa aking harapan, at binati ito na siyang nakapag-patigil
sa bulong-bulongan sa loob ng sasakyan. “Mabuti at nakasabay kita ngayon anak”,
bati niya sa bata kasabay ang isang matipid na ngiti sa kanyang labi. Ipinakita ng
bata sa kanyang ina ang isang papel na kanina pa niyang kilik, isang larawan ng
isang bata at matandang manggagamot. Sa pag silip ng ina sa larawan ay ang
pagtulo ng luha na sa wari ko ay kanina pa nilang pinipigil. “gaya ng kanyang
ama”, isang bulong ang nagpamulat sa akin sa katotohanan.

Alas kwatro ng hapon, ito ang oras na kung may pagpipilian lamang ako ay
hindi ko nanasahin na lumabas at mag-byahe ng ganitong oras.

You might also like