You are on page 1of 3

MULTO

Ang piyesang ito ay para sa mga feelings sa nabuo, pero nawala ring bigla sa dulo

Hoy, naalala mo pa ba?

Mga usapan nating dalawa na

Umaabot pa tayo hanggang alas quatro ng umaga diba?

Nagtatawanan, nagkukuwentuhan ng iba’t iba?

Naglalabasan ng sama ng loob sa isa’t isa

Hanggang sa bumanat ka ng kakaiba, “teka” sabi mo

Paghinto mo ng usapan nating dalawa “may sasabihin lamang ako sayo, at sana’y wag kang
mabibigla”

“nagugustuhan na ata kita”

Nagulat ako ng bahagya

Biglang tumahimik ang kapaligiran ko, ako’y nanlamig dahil sa narinig ko mula sa kabilang linya

Nagtanong ako sayo kung “Seryoso ka ba talaga?” tanong ko sayo yan ng walang pag
aalinlangan

Na parang naninigurado sa kung totoo ba talaga ang iyong nararamdaman

Kinalimutan ko muna ang gabing iyon

Dahil alam kong nabigla ka sa nasabi mo

Pero patuloy pa ring umiikot ang salitang “nagugustuhan na ata kita” sa isipan ko.

Lumipas ang araw, buwan, at taon lagi na tayong nagkakausap

Nasanay na rin ako sa tabi mo, naging komportable tayo sa isa’t isa hanggang sa …..

Lagi na tayong nagtatawanan, nagbabatuhan ng maatatamis na salita

Nag lalabas ng sama ng loob sa isa’t isa, hanggang sa may nabanggit na rin ako na kakaiba
Tila’y bumaliktad na ang mundo, iba na ata ang nararamdaman ko para sayo dahil ata to sinabi
mo

“teka” sabi ko, pag tigil ko naman sa usapan nating dalawa may sasabihin din ako sayo at wag
ka sanang mabibigla “nagugustuhan na rin ata kita”

Tila ba’y nagulat ka sa bigla kong pagsasalita

Dahil sa hindi ko malaman ang damdamin ko sayo’y nag-iiba na

Nahuhulog na yata ako ng tuluyan at sa sobrang tuwa’y nabanggit ko na.

Ilang buwan ko rin kasing pinag isipan ‘to kung sasabihin ko ba o ikikimkim ko.

Pero heto na, tinodo ko na, pero bigla kang tumahimik tila’y walang imik dahil sa pag amin ko

akala ko pa naman magiging Masaya tayong dalawa

Pagkatapos ng araw na yon, hindi ka na lang nagparamdam bigla

May nagging problema ba? Sabihin mo naman sa’kin dahil ako’y naguguluhan na

May nagawa ba akong mali? Sabihin mo na sa’kin dahil ako’y nalilito na

Nalulungkot ako tuwing gabi, dahil nasanay na ako sa’yong tabi

Bigla ka na lang nawala sa aking piling

Paulit ulit na pumapasok sa aking isipan, kung ano ba ang nagawang kamalian

Hala, oo nga pala. Umamin na nga pala ako. Dapat hindi ko muna ginawa

Dapat pala hindi ko muna binanggit ang salitang “nagugustuhan na rin ata kita”

Pero salamat sayo ha, kahit sa kakarampot na oras ipinaramdam mo

Kung gaano ako kahalaga sayo, pero dahil sa pag kawala mo. Nasira ulit ako.

Pilit kong ibabangon ang sarili ko sa biglang pagkawala mo

Pilit kong isasalba ang sarili ko sa kalungkutang nararamdaman ko dahil sayo

Hindi mo naman agad sinabi na, bumalik na pala ang dati mo

Naging panakip butas lang pala ako hanggang sa mabuo kita at bumalik na siya sayo.
At heto ako ngayon, naiwan sa ere at nasira nanaman dahil sayo.

Paalam, Ginoo.

You might also like