You are on page 1of 2

Ako ng matapos ang Tayo

Isinulat ni : TJ I. Camporedondo
Unang araw ng wala ka, iniisip na magiging ayos din ang lahat.
Inisip ko na ginawa ko lang namn ito para sa ika bubuti nating dalawa,
ginawa namn natin ang lahat, pinag laban, pinilit, sinubukang ayusin
lahat upang maayos natin ang relasyon natin, pero di talaga tayo ang
para sa isa't isa. Umalis tayo ng walang panghihinayang sapagkat
satingin ko nagawa naman natin ang lahat upang maayos natin ang tayo,
pero di talaga, di talaga maayos. Akala ko magiging ok din ako, akala ko
magiging ok din ang lahat.

Makalipas ang isang linngo, doon na tumulo ang aking mga luha,
mga masasayang alaala nating dalawa, mga pagsisisi sa mga bagay na
nagawa ko sayo, at panghihinayang sa maaaring naging kinakabukasan
ko ng kasama ka. Naiisip ko din palagi ang kalagayan mo, kasi alam ko
ng mahal na mahal mo din ako, ikaw ang nag pumilit talaga na wag
tapusin, pero ako na mabilis napagod ang sumuko, ang tumapos sa
pangarap na maging tayo hanggang dulo, na binuo nating magkasama
nung unang araw tayo ay mag umibig na sa isa't isa.

Lumaban ako, pero mas pinag laban mo ang


tayo. Kaya noong matapos ang lahat, alam ko din
na ikaw ang pinaka nasaktan sa ating dalawa.
Inisip ko pa na para sa ikakabuti nating dalawa,
pero ngayon, lagi ko ng iniisip na tama ba talaga
tong ginawa ko, kahit na alam ko na ikaw ang
pinaka nag dudusa sa ginawa ko?.
Malapit na mag isang buwan na wala ka, pero ito parin ako, lagi kang
iniisip, gabi gabi umiiyak kakaisip na bakit dinalang ako naging mas mabuti
para sayo, naging mas matatag para mailaban ang sana ay masayang tayo,
mga pag sisi sa mga maling nagawa ko sayo at ang alaala na alam ko na
paulit ulit ka ding nasasaktan sa nangyari sa atin. Kinakain ako ng aking
konsensya sa tuwing maiisip ko na naiyak ka palagi, di kumakain,
pinanghihinaan ng loob dahil sa mga nagawa ko sayo. Pasensya na, pasensya
sa lahat ng nagawa ko sayo. Araw araw akong humihingi ng tawad sa mga
maling nagawa ko sayo. Umiiyak kakaisip na nasasaktan ka araw araw dahil
sa nagawa ko sayo, pasensya kana. Ang akin lang hinihiling ay ang pag
hilom mo sa sugat na aking dinulot, ok na sa akin kahit di na ako umayos,
ang akin lang gusto ay ikaw ay maghilom, at sana, ay makuha mo din ang
mga bagay na nararapat sa iyo matapos ang lahat ng nagawa ko sayong mali.
Palagi kita naalala, palagi kitang naiisip, palagi kitang na mi-miss, oh ang
aking tangi.

At ito ang kwento


ko ng matapos
ang tayo.

You might also like