You are on page 1of 3

SANTIAGO, MHAEDEN D.

SY102
"Pagpapatawad"
Araw araw iniisip ko
kung bakit nagawa mo,
Tinuring kitang buo,
kahit labag sa kalooban ko.
Tinangggap kita kung sino ka,
Tinanggap mo kung ano ako,
nakakalimtan mo mga problema mo
lalo na pag kasama mo ako.
Marami na tayong napagdaanan
marami na tayong pinagawayan
pero sa kabila ng lahat,
nagkapatawaran tayo gaano man kabigat.
Pero minsan pang naulit,
at hindi ko agad natanggap
kung ano ano ang ipinaratang
siniraan pa ko sa lahat.
Tinatanong ko sa aking sarili
kung dapat ba kitang patawarin,
Sinabi ko sa sarili ko,
kaibigan ko, patatawarin kita ano man ang mangyari
Hanggang sa isang araw,
kinausap mo ako
humingi ka ng tawad
sa lahat ng ginawa mo.
Ako ay sumagot na may luha sa mga mata
sinabi ko sa sarili na tama na,
pero biglang bumukas ang puso ko
at handang patawarin ka.
Pilit kong pinigilan,
pero hindi ko magawa
gaano man kabigat ang ginawa mo,
pinatawad parin kita.

Pinatawad kita kahit


mabigat ng ginawa mo
pinatawad kita kahit
masakit sa kalooban ko,
Pinatawad kita dahil alam kong
magbabago ka
pinatawad kita dahil alam ko na
maayos pa.
Tayo ay nagkaayos,
pero di na tulad ng dati
may naiwan paring luha sa mga mata
ngunit sa sarili ko ay tanggap ko na.
Kahit gaano man yun kabigat,
alam kung di mo ginusto
Huwag kang magalala
dahil napatawad na kita.
At dito ko na tatapusin
lahat ng masamang nangyari
ano man ang nagawa mo
pinapatawad kita, buong puso kong sinasabi.

SANTIAGO, MHAEDEN D.
SY102
Mapapatawad mo ang isang tao, gaano man kabigat o kasakit ang nagawa niya sa iyo. May
mga bagay talaga na hindi nati maiiwasan na makagawa ng mali at hihingi at hihingi tay ng
kapatawaran.
Isinulat ko ito dahil ilang beses ko na ring pinatawad ang isang tao sa buhay ko, gaano
man kabigat ang ginawa nya sa akin. kung ano ano ang mga salitang ipinaratang nya sa akin at
sinira nya ang tingin ng ibang tao sa akin. Pero kahit ganon ang nangyari, handa akong patawarin
sya at handa akong ibigay sa kanya iyon ng hindi labag sa aking puso.
Ito ay tungkol sa isang tao na kayang magpatawad dahil ito ang tama at ito ang
makakabuti.Kahit na may mga bagay na nasira dahil sa problema na dumating, handa nitong
patawarin kahit hindi ganun kabilis magpatawad.
Ito ay tungkol sa isang bagay na hindi ganun kadali ibigay, ngunit hindi mo maipagkakaila na
ibibigay mo din sa oras na gumaan na ang kalooban mo.

You might also like