You are on page 1of 2

Desisyon edit

May mga bagay na akala natin ito ang tama may bagay naman na hindi

kaya ito ang gagawin ko, malungkot ako kaya ito ang gagawin ko, galit ako kaya ito ang dapat
madalas, nangyayari ito sa atin hindi ba? Madalas nadadala tayo ng ating emosyon kaya
nakakapagdesisyon tayo na sa kalaanuna’y pagsisisihan natin ito.

Ang hirap harapin ang isang desisyon lalo na alam mo sa sarili mo kaya ka lamang
nakapagdesisyon dahil sa puot na nadarama mo . Ang hirap magpanggap na iyon na ang dapat
gawin kahit ikaw alam mo sa sarili mo hindi ka pa sigurado pero ginawa mo parin.

Naguguluhan ako pero kahit na ganoon ginawa ko lahat... Inaamin ko na nagpadala ako sa agos
hindi ako nag-iisip huli na nang mapagtanto ko na wala na ang isa sa mga pinakamahalaga sa
akin. Sabi nga nila nasa huli ang pagsisisi sana hindi ko na ginawa, sana nag-isip ako ng mga
oras na iyon, sana hindi ako sumabay sa agos sana... sana... pero wala na hindi ko na maibabalik
ang nakaraan masakit ang sakit-sakit pero wala akong magawa kundi tanggapin ito kasalanan ko
naman lahat kaya kailangan tuloy ang buhay kahit na dahil sa isang desisyon na ito nabago na
ang lahat.

Pero sana sa paghihirap kong ito dumating kana alam ko darating ka nararamdaman ko Hindi
ko alam kung kailan pero maghihintay ako...
Ikaw nalang ang mayroon ako kaya sana dumating kana

Sabi ko maghihintay ako pero bakit ganon habang tumatagal lalo ako nababaliw sa makahintay
sana dumating kana - public

You might also like