You are on page 1of 3

Minsan sa buhay maraming dapat pagdaanan,

In terms of Life, Family and Love man yan

One day mararanasan mo ung tipo na down na down ka

But you keep moving forward para lamang sumaya.

Mistakes made me realize na masaya pala.

Magmahal ng isang taong masaya rin kasama ka.

Ung tipong pareho kayong inlove sa isa't-isa.

At tatanda na parehong magkasama.

Patawad sa mga sakit na naramdaman mo

Dahil sa mga bagay na kagagawan ko.

Dinamdam mo lahat ng hinanakit

Hanggang umabot ka sa sukdulan dahil sa sakit!

Hiyang hiya ako sa mga ginawa ko

Sa babaeng walang inatupag kundi mahalin ako

Sa babaeng hindi ako sinukuan hanggang dulo

Pero nakaramdam ng matinding sakit kaya sumuko!

Binigyan ko yung sarili ko na isipin lahat ng bagay

Katulad na lamang ng di ko sayo pag-alalay.

Mga bagay na nagbigay sayo ng lungkot

At hinanakit sa matindi kong pagkalimot.


Sobrang sakit nung may nalaman ako

Na may nagbibigay ng saya pero hindi ako.

Gusto kong sumuntok kahit saan

Dahil sa sakit na aking nararamdaman.

Pero yun narin siguro ung tinatawag na karma

Bagay na dumapo sakin dahil sa mga mali kong gawa.

Sa oras na yon, gusto ko ng mamatay

para di ko na naramdaman ung feeling na may humiwalay.

Nagabi gabi ko yung pag-inom

Para lamang lumimot at maghilom

Yung sakit na minsan sinabi kong ayoko maramdaman

Sa babaeng gusto ko makasama hanggang kamatayan

After all the days na bangag ako

Naalala ko lahat ng binitawan kong pangako

Na away lang, walang hiwalayan

Dahil mahal kita at ayokong mang-iwan

Dumating ako sa point na ayoko na

Ayoko ko na umasa dahil siguro wala na

Pero lumakas loob ko dahil sa sinabi mo

Dahil sa sinabi mong ako parin hanggang dulo


Kaya naman gusto kong patunayan sayo

Na di kukupas ung pagmamahal ko

Kahit dumaan tayo sa point na sirang sira

Hanggang sa ung sakit eh mawala

Alam kong nahihirapan kang mahalin ako ulit

Dahil nga sa mga sugat pati na rin hinanakit

Naramdaman mo yun dahil sa kagaguhan ko

Na dapat hindi ko pinaramdam sa iyo.

Now I will take this opportunity na hingin ulit sayo

Yung kapatawarang ninanais ko

Pag asang babalik yung tayo

Na binuo natin pareho

I know that all the Efforts na ginagawa ko ay kulang

Dahil sa mga pasakit at matinding agam agam.

Nung oras na wala ako sa tabi mo

At humahagulgol ka sa dahil sa kagagawan ko.

Papasok ulit ako sa buhay mo

Aasang pagbibigyan mo yung kagustuhan ko

Na mahalin ka't pagkatiwalaan ulit sa puso mo

At di na hahayaang mawala ka sa buhay ko

You might also like