You are on page 1of 2

DESISYON

by: Rochell M. Trilles

Hindi mo ba iniisip kung ano ang mararamdaman ko? Na sa ngayon hirap na hirap
ako sa mga sitwasyon, pagod na din ako kakaisip kung ano ang gagawin ko.
Maayos pa naman lahat sa atin eh. Tapos ngayon bigla mo'kong tatalikuran ng
ganun ganun lang? Ginawa ko naman lahat ng gusto mo ah, pero bakit? Ano pa
bang kulang? sabihin mo!

Alam kong natatakot ka, ganun din naman ako eh. Hindi na natin mababago ang
lahat kasi andyan na oh. Alam kong hindi madali, pero ba't ka aalis? ano, itatakas
mo yan? tatakasan mo ako ha!? sa'n ka naman pupunta!? anong gagawin mo dyan,
itatapon? Hindi pwede! baliw ka ba? Huwag kang maglakas – loob lumayo sa akin!
At Huwag mong sabihin na kalimutan na lang ang lahat ng ito, at mas lalong huwag
kang maglakas – loob na sabihin sa’kin na hayaan na lang ito? Hindi ganun kadali
yun. Kung sa tingin mo madali lang yun para sa’yo, para sa akin hindi.

Hindi mo kasi naiiintindihan eh, Isa sa pinakamagandang regalo na yan para sa atin.
Alam kong hindi ka pa handa, ganun din naman ako. Pero nangyare na eh,
tanggapin na lang natin. Magiging responsableng ama naman ako para dyan, kaya
naman nating mamuhay ng simple lang, ganun. Huwag na tayong magduwag
duwagan. Hindi ka aalis! Huwag kang lalayo! Hindi mo pwedeng basta basta itakas
sa'kin yan.

Ngayon, Pag sinubukan mong umalis sa pintong yan, para kang nagsayang ng
ginto... Sige, subukan mong umalis, araw araw mong pagsisihan ang lahat ng
gagawin mo. Araw araw.
Hindi mo ba iniisip kung ano ang mararamdaman ko? Na sa ngayon hirap na hirap
ako sa mga sitwasyon, pagod na din ako kakaisip kung ano ang gagawin ko.
Maayos pa naman lahat sa atin eh. Tapos ngayon bigla mo'kong tatalikuran ng
ganun ganun lang? Ginawa ko naman lahat ng gusto mo ah, pero bakit? Ano pa
bang kulang? sabihin mo!

Alam kong natatakot ka, ganun din naman ako eh. Hindi na natin mababago ang
lahat kasi andyan na ohh. Alam kong hindi madali, pero ba't ka aalis? ano, itatakas
mo yan? tatakasan mo ako ha!? sa'n ka naman pupunta!? anong gagawin mo dyan,
itatapon? Hindi pwede! baliw ka ba? Huwag kang maglakas – loob lumayo sa akin!
At Huwag mong sabihin na kalimutan na lang ang lahat ng ito, at mas lalong huwag
kang maglakas – loob na sabihin sa’kin na hayaan na lang ito? Hindi ganun kadali
yun. Kung sa tingin mo madali lang yun para sa’yo, para sa akin hindi.

Hindi mo kasi naiiintindihan eh, Isa sa pinakamagandang regalo na yan para sa atin.
Alam kong hindi ka pa handa ganun din naman ako. Pero nangyare na eh,
tanggapin na lang natin. Magiging responsableng ama naman ako para dyan, kaya
naman nating mamuhay ng simple lang, ganun. Huwag na tayong magduwag
duwagan. Hindi ka aalis! Huwag kang lalayo! Hindi mo pwedeng basta basta itakas
sa'kin yan.
Ngayon, Pag sinubukan mong umalis sa pintong yan, para kang nagsayang ng
ginto... Sige, subukan mong umalis, araw araw mong pagsisihan ang lahat ng
gagawin mo. Araw araw.

You might also like