You are on page 1of 5

1.

mp3
Yung dati kasi nung hindi pa ako kaanib dito sa ano… mangangalakal lang ako, namamasura kasi wala
namang tumatangap na construction o kung may masamahan man ano lang, yung pa extra-extra lang.
Hini rin naman sapat sa ano ko… kahit saakin lang mag-isa tama lang yung mga bata maka tikim lang
kahit barya-barya lang tapos ayun, dahil nga sa mabigat yung sa kaisipan ko, parang inaaliw ko nalang
yung sarili ko, parang yung mga tilatibo? ko pamalit ko ng mga bisyo. Tapos yung mga bisyo ko parang
nakakaaliw na saakin. Solvent boys kasi ako dati, rugby boy tapos lasenggo, tapos ayun lang yung pang
palit ko sa mga pagkaawa ko sa sarili ko na nararamdaman ko tapos hanggang sa magtuloy-tuloy na
hanggang sa naging iresponsable na sa paningin na ng kahit ng paligid ng kapwa tao. ‘Tas nagtampo na
din yung mga anak ko sakin dahil hindi na ako nakakaganap sa mga obligasyon ko sa kanila, at marami
pang pangyayari kahit sa pansariling pisikal ko na katawan, yun nan ga, dala lang ng hindi magagandang
ano tulad ng sa bisyo rin nagkasakit ako, ‘tas ‘yun pa yung mga sa basurra, yung mga kung ano yung
mapapakinabangan kasi noon, kasi ayun na yung ano ko…. Wala nang pagtingin sa sarili ko na parang
wala na akong linya na magiging maayos pa ang buhay. Kaya kahit ano lang na mapapakinabangan ni re-
recycle ko kung ano kahit na pagkain.
Meron pa nga yung pagkain na pinagbawal na ng guwardiya doon sa mga Fastfood Chains yung ganyan,
pag-alis naman niya kasi sinasaway niya na ‘wag kunin eh kaso nakikita ako na parang
mapapakinabangan pa, pag-alis niya binabalikan ko. Nag-umpisa nung mga karamdaman, naipon siguro
sa ano ko na kasi, for sanitation na pala ‘yun, na-sprayan na daw para sa insecticide, para sad aga, para sa
ipis ‘yun. Hanggang sa magkaroon na ng infection na ang katawan, namaga, nagsama-sama na, tapos
namaga na ako, ‘yun na yung nanilaw na kahit sa mga mata, yung mga paa ko nga mabigat na, hindi na
nakaka….. hinihingal, tapos hindi na makalakad ng malayo, hanggang pag-upo nalang at tsaka makiki-
awa ng may mag-abot kasi wala hindi na makalakad pag labas para mamulot ng halimbawa
mapapakinabangan, eh ayun yung mga halimbawa sa ibang kamag-anak at tsaka sa mga kapitbahay, ayun
lang kaya walang mai-abot. Pero ngayon ‘yun, marami din kasing umaakit saakin at tsaka mga
naghahangad din na mapagbago nga ang ano ko, kaisipan ko at tsaka sarili ko nga, ako nga lang ang
minsan ang hindi nakikinig sa kanila dahil marami silang ina-advice tapos yung iba nga nagagalit kasi
hindi sila daw pinapakinggan.
Tapos yung iba tinatamad nang tumulong, o kaya kahit magpa-ano. Tapos ito na nung mga bandang huli,
kasi sa madaling araw umiiyak din ako dahil nananalangin din ako sa Panginoon kasi kung kailan
talagang ganoon niya…. Hindi naman siguro talagang ganoon kung hindi talagang pinagkakaloob ng
Panginoon na ‘yun ang kaniyan nais na maramdaman mo, kasi sa madalaling araw iba na yung pag-iyak
ko hindi na tulad na pagka-awa ko lang sa sarili, kundi yung humihingi na ako sa Kaniya, humihiling na
ako ng pagbabago nga na siguro nga naiinip na din ako sa sarili ko, sa ano ko mga nararanasan ko kasi
nga parang naghahanap din ako na gusto ko din na makaranas ng ginhawa sa sarili manlang. Dahil ayun
naman ang naririnig ko sa mga aral tsaka yung sa mga Radio o kaya sa mga TV tsaka sa mga aral at mga
ano ng Panginoon, ayun ang mga ginaganap ko na nung bandang huli. Kaya sa madaling araw hindi na
ako masyadong nalulungkot kasi nakakaramdam na ako na may kakampi na ako tapos ayun na, nag uunti-
unti na ako na gumagaling na. Umiimpis na yung katawan, kasi ayun narin naman ang sabi ng iba nap ag
umimpis daw magiging baka ikabagsak na, ibig sabihin yayao na.
Pinag pasa Dios ko nalang din na kung ano man ang maganap, kung kukunin niya na ako, kaso sa isip ko
kaya dinadamihan ko noon yung paghingi ng tawad kasi naaalala ko yung mga kasalanan ko hiningi ko na
kasi baka kapag impis hindi pa ako nakahingi ng tawad eh pag kinuha na niya ako wala na akong
kapanatagan, hindi ako doon sa buhay na walang hanggan, sa buhay na kasama ng Panginoon sa
Kalangitan. Kaso ‘yun nga, hanggang unti-unti din nararamdaman ko sa sarili ko na parang kahit pilitin
ko minsan ayaw pa rin eh, bumabalik pa rin na hinahanap ko yung mga dati kong nararanasan, kahit
noong may nararamdaman pa pero sa pag-aano ko pinili ko rin na pigilan yung sarili ko kasi alam ko
naman na hindi na dapat kasi may depekto ang katawan. At pagkatapos ‘yun na yung pagpatuloy ko nga
na sa pagsunod nga sa Panginoon, yung nakikinig ako noon sa bintana ng kapitbahay, kila Sis Ruth at kila
Bro Edmund. Kasi parang nakakaramdam na din ako ng masarap makapakinig ng aral ng Panginoon kasi
nagkakaroon ng lakas ng loob kasi nga dahil nung una nga dahil nga parang lagi nag-iisa yung
pakiramdam ko, naaawa ako sa sarili ko eh naalis. Pagka may nakakapakinig ng aral ng Panginoon kasi
parang hindi lang tulad nung un ana binibigyan ko lang ng katuwiran yung sarili ko eh, dahil mayroon
pala talagang dapat na nakakatiyak na sundin mo dahil ‘yun nga, magkakaroon ka ng tunay na
kapanatagan sa sarili mo kaya pinagpatuloy ko. Tapos ayun nga nagkaroon ng Doktrina, kasi nito naman
na hindi naman na ako masyadong…. Kasi nahihiya na ako sa Panginoon kasi pinagaling na ako eh,
pagkatapos kasi dahil yung iba nga natutuwa dahil binagyan ka ng pangalawang pagasa, ‘wag mo nang
sayangin ‘yan. ‘Yan yung tinatanong ko sa sarili ko, sa damdamin ko kasi ‘yun nga parang mapapahiya
naman ako sa Panginoon, sasabihin ko abuso ako. Kung hindi pala Niya ako binigyan pa ulit ng
pagkakataon baka onti nalang wala akong itatagal dito sa pakikisalamuha sa kapwa rin.

2.mp3
Isa pong hapon nag-usap kami ng aking live-in partner noon dahil gusto ko pang makipag-balikan, mabuo
pa ‘yung pamilya, kaso may trabaho na siya, ayaw niya nang makipag-balikan saakin. Tapos dala ng
parang bagsak na bagksa ako, yung iniisip ko, tumayo ako doon samay pintuan tapos kinuha ko yung mga
sampayan ‘yun yung ginamit kong pantali sa leeg ko. Tapos tumuntong ako sa container tapos nagtanong
ako sa kaniya kung mahal pa ba niya ako o hindi o mabubuo pa ba yung pamilya natin? Kaso umiling
lang siya, tumalikod. Dala ng kawalan ko na ng pag-asa dahil hindi na niya sinagot yung pagtatanong ko,
sinipa ko na yung container para matumba. Ganun pala mga Brother and Sister, kasi pagka-bitin hindi ka
na makakabalik. Iba yung nagba-baras ka, dahil yung bigat ng katawan mo umunat na yung tali, tapos
ayaw pa palang mamatay kasi ayaw mo pang iwan yung buhay mo kaso wala nang pag-asa kasi humigpit
na. Tapos dumilim na kasi hindi na ako maka-ahon, hindi na ako makabalik. Nagising nalang ako 8:30 na
ng gabi na, doon na ako sa labas samay puno kaso doon samay gilid ng bahay. Ayun pala ginising ng mga
bata yung tiyuhin ko na nag babakasyon galling sa Maynila, tinaga daw yung mga naka tali. Ayun
pagbagsak ko naman dahil ang pakiramam ko dumilim na eh, tapos nagising ako gabi na, tapos narinig
ako sabi ng mga bata, tinatawag nila yung papa nila na “Papa, gising na!” tapos nagagalit saakin sabi
“Pag inulit mo pa ‘yun sisipain kita diyan!” Nagtataka ko, kasi parang yung pagka-ano hindi ko maalala
kung anong kasalanan ko, “Bakit naman ako sisipain nito?” Nung magtatanong ako, magsasalita, hindi na
ako makapag-salita, ayun pala nag ano na hindi ka na makakapag salita, ayun yung naranasan ko, yung
epekto ng pagkakasakal tsaka yung ano yung mata, bingi malabo sa pag-ano may tumutunong.
Pero bumalik na yung alaala ko, hindi na ako nagtaka dahil nga naalala ko may ginawa pala akong
kasalanan, gusto kong kitilin nalang yung buhay ko. ‘Yan yung kaganapan kasi bigla nalang tumalikod
yung asawa ko at tumakbo hindi na ako pinansin, kaya nagpasya na ako. Kaso nung magising naman ako
parang tuloy-tuloy din yung ano ko na lalong masakit sa pagiging ano ko kaya nag blurred na yung ano
ko tungkol sa buhay, tinamid na ako, iresponsableng dumating na talaga. Dahil hindi na ako nagtatrabaho,
ano nalang palaboy-laboy tapos sarili ko lang yung iniintindi ko, kaya nagtamo yung mga anak ko sakin.
Tapos lalong nadagdagan yung mga bigat na iniisip ko at tsaka yung sa ano ko…. Tapos sa problem ana
‘yun iba-iba na rin yung naiisip ko lalo na pagka nag… yung sedatibo ko yung pamalit lungkot ko, ‘yun
na yung pag-alak at tsaka yung pag-rurubgy boy. Tapos pagka bangag na ‘yun ang epekto. ‘yun mga
tukso ng Diablo na siguro ‘yun kasi gusto talaga iwakas ako eh, kasi tumatalon ako sa mga sasakyan,
pabangga, pagka sapul gumugulong nalang, tapos bumabalik yung ulirat ko, gumulong naman ako sa tabi,
kasi baka may nakasunod kasi hindi ako napuruhan eh, nakahinga pa ako eh, eh baka may kasunod lalo
akong masagasaan. Gumugulong ako sa tabi kaso hindi na ako makatayo kasi nabali na yung paa ko tapos
dumudugo na kasi sumalpok na, tapos pilay-pilay na. Minsan nahatid ako ng mga Brgy. Tanod dito kasi
dahil sa napapabayaan sa kalsada, nasasagasaan dahil nga minsan tuliro na ang isip dahil sa mga
ginagamit ng ana pang-aliw sa sarili, mga alak ganyan, tapos depektado na dahil nga wala naman mag-
ano na maghatid sa Hospital, hinahatid ako rito o kaya madaanan ako ng Mobile diyan, hinahati ako rito
ng mga Brgy. Tanod para sa kamag-anak.
Kasi noon po rin, ang mga natatandaan ko lang din po na mga… iniisip ko na hindi masaya isip ko at
tsaka sa damdamin ko yung pagkakaroon din ng parang setimento. Una sa mga pamilya ko, meron din
ako nun, dahil sabi ng nanay ko, nung buhay pa yung nanay ko, dahil nga ‘yun yung gusto kong…..

3.mp3
Dati ko na pong naririnig din sa Telebisyon sabi ko, kaso parang wala pa akong pagiging intellect sa
ganun. ‘Yun nga lang nung nagkaroon na ako ng… kasi matagal din po yung sakit na pinaranas saakin
agad ng Panginoon, 2018 hanggang 2020. Tapos ayun na habang gumagaling na ako nakakaramdam
nanaman ako pagiging pagkakaroon ng gusto ko makaganti ng lugod nga sa Panginoon dahil binibigyan
pa Niya ako ng panahon para mabuhay pa, dahil kaya sabi ko nakikinig ako sa may bintana ni Bro
Edmund sa gawain ng MCGI tapos sabi ko…. kasi na ano ko yung bawat talagang ano ng aral eh, yung
turo pati ng talagang walang pagka ano…. Sabihin nating wala linilihim o yung parang mag
pinagtatakpan. Hindi eh, wala, talagang sinasabi para maintindihan naman ng nakikinig. Kaya tinutuloy-
tuloy ko yung pakikinig sa aral bilang dito sa MCGI ni Bro Eli at ni Bro Daniel Razon.
(Kailan ka nagdesisyon na magpa-Doktrina?)
Mga April 20 ‘yun tapos May 6 (Bautismo?).
(Mga aral o talata ng Bibliya na ngapa-udyok para umanib)
Hindi ko lang po matukoy kung ano pong verses ‘yun, basta natatandaan ko at tsaka yung talagang
itinatak ko sa isip ko, sabi siguro ng Panginoon, para manatili akong tapat sa Kaniya at para makalimutan
na yung mga ibang masasama na nakalipas, yung aso hindi binalikan yung kaniyang isinuka, ang baboy
kahit paliguan babalik pa din sa putikan, maglulublob pa din, at yung pinaalis na ang tatlong Demonyong
nakasapi sakanya o nakaanib, hindi na makakabalik ‘yun o ‘wag nang papayagan na makabalik dahil
makikita nalang malinis na ang tahanan nanaman na iyon, magsasama pa sila ng pito, magiging sampo
sila, lalong magiging miserable at lalala ang kalagayan ng taong iyon. At iyon yung iniisip ko ngayon
kaya parang sabi ko rin sa sarili ko kasi ‘yun nga, nagkaroon ng mga depekto, ang pisikal na body kaloob
ng Panginoon, hindi ko na rin aanohan, hindi na kasi ‘yun palang hindi na binalikan ng aso ang kaniyang
isinuka at yung baboy paliguan man maglulublob pa din sa puikan, kasi ang nabubuo sa isip ko, ang aking
pag-intindi doon, special akong nilikha ng Panginoon kaysa doon sa mga hayop na ‘yun, alagain ko lang
‘yun tsaka pagkain lang ng tao ‘yun, hindi ako dapat tumulad sa kanila kaya nakikinig na lamang ako sa
bulong ng Panginoon hindi sa bulong man ng kalaban, yung tawag na hindi mo dapat gawin eh, hindi na
ako nakikinig doon, kasi noon marami ako naririnig na sinasabi yungmga hindi mo dapat gawin dahil
ikakapahamak mo kasi ‘yun nga, naiinggi nga yung Diablo. Doon ko na anohan na bulong Diablo ‘yun
kasi hindi naman tama kasi sasabihin saakin… kasi yung tatay ko parang siya na yung ano, kahit sa mga
anak ko, parang yung obligasyon ko yung tatay ko na yung ano, parang inagaw saakin ba, kaya parang
naman ako nagkakaroon na ako ng dahilan kaya ‘yun sige, ikaw ang magaling, ikaw na ang bahala sa
mga bata, yung obligasyon ko ikaw ang kumakargo. Parang nagkakaroon na ako ng ano na sa kanya na
kayo umasa kaya parang nagkaroon ako ng paraan para maging tamad sa kanila. Kaya sila sumakit naman
yung damdamin naman saakin, pero ngayon na aanohan na nila na nagbago na daw ako at pinagbabago
ako ng Panginoon kasi naniniwala naman sila sa Panginoon na hindi raw ako papabayaan kasi ama pa rin
nila ako. Siguro dahil nga iyon ang mga alam kong gagampanan din nila dahil iyon din ang mga aral na
mamamalagi dahil kahit saan naman pagsigawan naman ang mga aral ng Panginoon sa mga lahat ng
bubungan. Sabi ko naman siguro kahi malayo sila, magkakalayo kami, makakaranas sila nun, malalaman
din nila kaya hindi nila ako parang babaliwalain nalang, at hinihingi ko din sa Panginoon dahil nga dati
parang hindi ko….. parang kaya ko na kahit ako lang mag-isa. Pero ngayon, hinndi na. Kasi parang
sinasabi mo din na parang ‘di ka rin sumusunod sa Panginoon dahil ang aral ng Panginoon ay yung mag-
ibigan nga, mag-mahalan lahat. Eh ‘yun pa kayang mga anak mo hindi mo iibigin o kaya mamahalin.
Kaya kahit malayo, kahit sa panalangin, kahi hindi sa pag-aano na mga ano ngayon, sabi ko nga eh
Technology na ngayon kasi Touchscreen na ngayon Hologram pa, tapos magkaka-Video camera pa kayo
magkaka- Video Call pa, okay na ngayon….
(Kailan ka na-Bautismohan)
May 6. Araw ng Biyernes sa Locale, dito sa Coordinating Center sa San Roque.
(Mga pagsubok pagkatapos ma-Bautismohan)
Makalipas ang dalawang araw dumaraing po yung pinsan ko may dala pong kalahating bote ng alak, Sa
awa po at tulong ng Panginoon natanggihan ko naman po at sinasabi ko po sa kaniya na maiintindihan
niyo rin ako, dahil kasi nasanay silang magka…. tawagin po ay jamming jamming…… Sabi nga ng
ating mga servant, mayaya mo rin ‘yan. May kakayahan ka nang tumanggi dahil kung hindi iisipin nun
sila yung makapangyarihan hini yung Dios na sinasabi mong nakilala mo, kasi ‘yun ang pagkakabanggit
ko na may patakaran na ‘yun naman talaga ang hangad ko rin, kasi alam din naman nila yung talagang
nais ko dahil nga galing nga ako sa ka-miserablehan, o dahil lang talaga sa kapangyarihan ng Panginoon
hindi nila ako mapilit, hindi nila ako ma….. yung sabihin kulitin kahit sila mga….. siyempre ganun
naman kapag lasing na, hindi nila ako mapilit kasi para ring binalikan ng aso ang kaniyang isinuka, kasi
pagka babalik din, parang sila yung magkakaroon ng lakas na mas makapangyarihan yung kanilang…..
dahil ikaw naakit ka nila samantalang yung saiyo sabi mo sa Panginoon, tapos sumama ka sa kanila pa
rin. Parang mawawalang kwenta yung pananalig ko, yung pananampalataya ko, hindi nila ako mapilit,
pero mga dalawang araw palang po iyon pagkalipas ng Bautismo, sa sunod-sunod meron pang iba yung
hindi naman panghihikayat na sinasabi na yung pangpahina ng loob lang.
Kasi parang ang pakiramdam ko, sabi ko “Bakit ako magkakaroon ng hiya? O ng parang ano? Hindi
ganun ang na-ano ko dahil ang ano ko sila pa nga dapat ang maakit ko kasi gusto ko makita ang
kapangyarihan ng Panginoon kasi sabi nila noon pagka tinataguan ako ng ano, halimbawa ganun, kasi
sabi manlilibre lang ‘yan, halimbawa yung mga bisyo o ano, ngayon sila na kamo yung yayayain, eh
hindi na kasi mayroon na akong sinusunod, hindi lang yung sarili ko kasi ayun yung utos niya, iyan yung
aral na pinatuto saakin, kaya intindihin niyo nalang ako na hindi na tayo magkakasama kasi kaya yung
sabi ng ng mga servant natin, sila pa yung madadala natin, pero malapit na kasi ang sabi ko pag oras na
may maipakita lang ako, may mga maaakay pa ako, may iba nagpapahimig na din na ….. eh yung sasali
makikianib na dahil nga maganda nga ang aral satin, kasi ako bagsak na bagsak na, ‘yun ang ipapakita
lang. Kailangan din hihingi ako sa Panginoon talaga ng katatagan na hindi ako makikitaan din ng mga…..
kasi siyempre ayun din ang aasahan nila. Kaya from then, ako siyempre ang ipagmataas ay ipagmalaki
ang Panginoon, hindi yung atin kasi tuny namang walang magagawa ang bawat isa kung hindi sa tulong
ng Panginoon. Kaya ayun ang nakikita nila kaya sila naman para rin silang….. kailangan lang, loobin
nawa ng Panginoon dahil nga sumusunod naman tayo sa aral niya, makakapag akay din tayo dahil sa
isang mapapabuti nga diba. Maraming mga matutuwa sa kalangitan pagka may mapagbago galing sa
masama.
(Gaano ka ka proud na kabilang kayo sa MCGI?)
Siguro po hindi natin ma….. kasi ayun ang kailangan natin talagang walang halaga, talagang proud na
proud, ibig sabihin walang katumbas, kasi sa pagkakaanib mo lalong malapit ka na sa Panginoon, dahil
pati ang aral na ipinapag-pakita ng itong samahan nga ay talagang yung tunay na aral ng Panginoon na
para sundin naman ng mga nakikinig ng kaniyang mga anak na tulad natin. Ayon ang mga ka-anohan ko
na parang may ka-tiwasayan at hindi lang proud, talagang dapat na ipag-yabang. Iyan ang aking
nararamdaman.
(Mensahe para sa mga bagong kapatid)
Kahit na anong pagdaanan natin, kahit na anong mga karanasan pang mahihirap o mga ka-miserblehan na
sinapit, patuloy lang din na hanapin din natin talaga ang Panginoon ang kaniyang tulong at samahan din
ng patawad dahil ‘yun lang talaga ang makakapagpagaan ng ating damdamin, hindi yung kahit magaling
ka na, mabigat pa din naman yung damdamin mo kasi nga hindi ka man lang humihingi ng
pagpapasalamat sa Kaniya o kahit na ng mga ginawang pagbabago na mabuti sa buhay mo, kaya buong
damdamin, buong puso, buong kaluluwa, buong isip ang pagpuri na dapat ibigay sa Panginoon.
(Mensahe para sa mga Mangangaral)
Ang mensahe ko po sa Kapatid na Daniel na gabayan siya ng Panginoon din na ipagpatuloy itong…..
patuloy na ipagparangal ang Panginoon at ipakilala ang Kaniyang aral sa lahat ng tao kasi iyon naman
ang dapat na gampanan ng bawat isa satin at bigyan pa ng mahabang buhay siyempre ang ating Bro.
Daniel at ang lahat ng kapatiran ng congregasyon ng MCGI dahil iyon ang magiging isang daan din para
matuto yung iba at maakay sa tama na pamumuhay pati ang iyong mga natututunan, i-apply mo sa sarili
mo kaawaan tayo ng Dios. Iyon lang ang ano ko kay Bro. Daniel at sa buong MCGI.
4.mp3
Ako po si kapatid na Nestor Guevarras at ito ang istorya ng aking pananampalataya.

You might also like