You are on page 1of 2

Hi po... siguro po may mga iba po na hindi pa po nakakakilala sakin, ako po si Allyza..

mga six months palang or six months na po


akong nagsisimba dito

ininvite po ako ni pem na classmate ko po,

so.. hindi ko po talaga inaakala na makakapagsalita po agad ako ng ganito dito sa harapan kasi, kadalasan nga po nakikita ko mga ate
at kuya yung mga nagtetestimony dito sa gitna at medyo bago pa po ako kung tutuusin so, di ko po talaga ineexpect

nagulat nalang po ako kasi nagchat po sakin si ate chez na "be pwede bang magtestimony ka bago mag-intermission" napaisip po agad
ako na "hala di ko kaya nahihiya ako, di ko alam ano sasabihin ko, pano ba yun ayoko" kasi di po talaga ako komportable sa
pagsasalita sa harap ng maraming tao tsaka nabablanko po talaga ako, so yun nga tinanong ko si ate chez " panong testimony po ba?"
sabi niya kahit ikwento ko nalang daw yung journey ko dito, mula nung nagumpisa ako magchurch dito. Dun po parang, napaisip po
ulit ako, Habang nagdadasal nirewind ko yung mga nangyari at dun ko narealize na sa dami ng nangyari, parang unti-unting lumilitaw
yung plano at plinano sakin ni Lord..
So parang po ikekwento ko po yung journey ko bago mainvite, pagkatapos mainvite at habang member na po ng church na to.

Unang-una po hindi po kasi talaga ako madasalin o palasimba, at iba po yung religion ko non, halos iilang beses lang po kami
nakakapag-simba sa isang buong taon, tapos sa mga pagkakataon pa po na nagsisimba kami, aaminin ko po, hindi po talaga ako
nakikinig. Hinihintay ko lang po yung pagtapos, tapos bibili kami ng mga kakanin, yun lang po yung inaabangan ko.

Nagbago po yun nung mga 10 years old po ako, hindi ko po talaga makakalimutan yung moment na parang first time ko makinig sa
taong nagkekwento ng tungkol sa bible. May bbs po sa malapit na church samin tapos ang kwento po yung "david and goliath" nung
mga time na yon, sa isang linggong bbs non, talagang ang laki ng naging realization ko kahit na nung una, ang pinunta ko lang talaga
sana yung meryenda pagkatapos. Ang pinakang topic po kasi non yung "hindi mo kailangang matakot kasi andyan naman lagi si Lord,
kailangan mo lang magtiwala" or parang ganon. ngayon po mga kaibigan ko po minsan napapatanong "bakit parang wala kang
katakot-takot sa buhay" malaki at marami po akong kinakatakutan, ang ano lang po, mas malaki lang ang tiwala ko kay Lord simula
nga nung nakarinig ako sa bbs non.

May part po sakin na nagbago noon, pero hindi parin po ako non nagsisimba o nagdadasal, tumapang lang po ako haha

At medyo backstory lang po, nung batang-bata pa po ako, I mean, bata parin po kasi ako hanggang ngayon so "batang-bata", lagi po
akong inaasar ng kuya ko,ayoko pong sabihin bully pero malaki po talaga yung naging epekto nun sakin, sa self-eestem ko, yung as in
parang pinaramdam niya na parang dapat hindi nalang po ako pinanganak, kasi malaki po tanda sakin ng kuya ko tapos ang akala niya
siya na po yung bunso pero bigla po akong dumating so parang naging hadlang po ako, lumaki po akong lagi niyang inaasar,kinukutya
ganito ganyan pero kahit po ganon, parang tinitingala ko po siya, nakikita ko po kasi na ang galing niya sa maraming bagay, to the
point na halos ginagaya ko na siya at dahil nga po parang ginagaya ko siya, yung pang-aaway niya sakin, natuto po akong ibalik yon
sa kaniya. Sa dulo, parehas po kaming pinapagagalitan.
Pero bigla unti-unti, di ako sigurado kung talagang kailan, bigla po siyang nagbago,
bumait po siya hindi lang sakin, talagang sa lahat po tapos parang naguilty tuloy ako kasi parang ako na yung laging nang-aaway at
inaasar-asar siya, pero dahil nga pong bumait siya, mas lalo ko po siyang inidolo, tiningala. Hindi ko po non alam yung dahilan tapos
nung mga tumagal na, nagstart po siyang magkwento ng mga kwento sa bible, magbigay ng verses. Dun ko po narealize na, nagbago
po siya simula nung umaattend na siya sa church. Tapos non parang inano ko rin sa sarili ko na, gusto ko rin maranasan na umattend
ng church. Ewan ko po ah pero share ko lang po parang sa vocabulary po kasi namin, pag sinabing "church" simbahan ng mga Born
Again Christian, na iba po sa pag sinabing "simbahan" na para sa mga Katoliko,, wala lang po haha

At yun na nga po, nandun na po yung thought and desire ko po na, makaattend ng church, nahihiya po kasi ako magsabi non sa kuya
ko kasi iniisip ko po na baka isipin niya pabigat pa ako, sasama-sama pa sa kaniya. Pero, meron din naman pong time na niyaya niya
po talaga ako na "Bhim sama ka samin magsimba" kaso ang problema po non, nakaready na silang umalis ng girlfriend niya tapos ako
kagigising ko lang so, nahiya ako na magpaantay kaya sabi ko sila nalang. Pero kita ko po talaga don na iba na po talaga yung trato
niya samin.

At yun nga rin po, ngayong nirerwind ko yung mga pangyayari, parang onti-onti kong nakikita na, talagang may plano si Lord sakin,
at part to ng plano niya. Yung mga nangyari etc. etc. kasi po nung nagf2f classes nung gr 8 na magkaklase po kami ni Pem, hindi pa
po kami magkakilala pero napansin ko lang po, na lagi kaming nagiging magkagrupo sa mga group activities, kahit ano pong subject,
sa esp, sa science, sa filipino, at dahil pareho rin po kami matangkad, kadalasan magka-row kami sa pinakalikod at siyempre di
naiiwasang magkwentuhan tapos magkasame vibes po pala kami na yung medyo baliw-baliw na weird na medyo naleleft-out ng iba
naming kagroup or classmates.

Tapos yun nga po nakwento ko na gusto ko pong maranasan mainvite sa Church ng mga Christian tapos talagang ang galing naman po
kasi, yun nga po Born Again Christian siya.

Kaso po non, dahil po ang hirap sa section namin 11 subjects tapos andaming assignments at project, hindi pa po ako makasabi na
talagang makakasama ako ng linggo. Dumating po yung bakasyon at sakto po, nag-umpisa yung amplified sa hapon at yun na nga po,
sa wakas nainvite na ako at nakaattend na ako.

You might also like