You are on page 1of 2

Hi po, Happy Thanksgiving, Cohag!!

Hehe, Ako po si Allyza, siguro po may mga iba pong hindi pa nakakakilala sakin

So bago po yung intermission, may testimony lang po ako saglit,,or baka hindi.

Hindi ko po talaga inakala na makakapagsalita po agad ako ng ganito dito sa harapan kasi kadalasan po ng nakikita ko mga ate at kuya
yung nagtetestimony

Sa totoo lang din po nung sinabihan ako na kung pwede ba ako magtestimony, parang gusto ko po umayaw kasi talagang hindi ko po
kaya magsalita dito sa harapan.

Pero inisip ko po kasi, para to kay Lord so um-oo nalang ako tapos tsaka ako nagdasal..

• So, silently po, sa dasal parang nag-iinarte po ako kay Lord na "Lord bakit ngayon na, bakit ako, di ko kaya to Lord" tapos po
habang nag-iiscroll ako sa fb talagang ang galing po kasi saktong-sakto, may lumitaw na verse. yung Isaiah 41:10 na sabi
Isaiah 41:10 NIV
[10] So do not fear, for I am with you; do not be dismayed, for I am your God. I will strengthen you and help you; I will uphold you
with my righteous right hand.

Gusto ko lang po ishare na ang galing po talaga ni Lord kasi napansin ko lang po, tuwing may mga problema po talaga ako, na
dinadaan ko nalang po sa pagscroll-scroll sa social media kasi parang sobrang overwhlemed na ako at nahihirapan ako magfocus pag
nagdadasal ako, feeling ko po talagang humahanap si Lord ng paraan para masabihan ako, minsan para pagalitan ako kasi nagugulat
din po ako minsan, chain po ng memes yung iniiscroll ko tapos may isang maliligaw na video ng pastor na nagpepreach tapos patama
sakin yung message.

Tapos dun nga po sa verse ng Isaiah talagang hayy Naramdaman ko po na parang kinocomfort ako ni Lord na kaya kong
magtestimony kasi sasamahan at dadamayan niya ako, at wag ako mag-alala kasi bibigyan niya ako ng lakas.

Talagang pinanghawalan ko po yun pero halos di pa rin po ako nakatulog.

Yun nga po tapos tinanong ko rin po si ate chez, "panong testimony po ba?", sabi niya kahit ikwento ko nalang kung pano ko nakilala
si Lord, at yung journey ko dito simula nung nainvite ako.

Kahit nung bata pa naman po ako alam ko na, na may Diyos pero lumaki po kasi akong hindi talaga sobrang paladasal at palasimba,
lagi lang po sinasabi ni mama na "magdasal ka, magpasalamat ka" pero di po talaga siya masyado na-elaborate sakin.

Lumaki rin po akong parang tinitingala yung kuya ko kahit na noon, lagi niya akong inaaway na talagang nakaapekto sakin, sa self
eestem ko habang lumalaki, yung parang pinaramdam niya na hindi niya ako tanggap kasi dapat siya na yung bunso at nasanay siya na
siya na yung tinuturing na bunso pero makalipas yung ilang taon bigla nalang ako sumulpot tapos parang hindi na siya masyado
napansin.

Nung lumaki-laki po ako, natuto po akong iganti yung mga yon sa kaniya, pero nung mga time na nakakalaban na ako, bigla naman po
siya nagbago. Talagang unti-unti nakita ko po yung pagbabago ng pagtrato niya samin, bumait po siya. Nalaman nalang namin na,
umaattend na po pala siya sa Christian Church. Talagang makikita mo po yung pagbabago noon eh, lagi niya na ako kinakausap ng
maayos, pinapasalubungan ng pagkain, ininvite niya pa nga ako non pero nahihiya ako kasi andun parin yung doubt, hindi sa kaniya
pero sa sarili ko na baka maging makulit ako masyado tapos mairita siya. Tapos dun ko tinanim sa sarili ko na, Gusto ko rin magbago
tulad niya, grabe gaya-gaya jk
• Pero yun nga, dahil nakita ko na may nabago si Lord, nacurious ako. Nagkaron ako ng thought at desire na makilala rin siya sa
pamamagitan ng pag-attend din sa church.
At yun nga dumating yung time na naging magkaklase kami ni Pem, nung parang finlashback ko po yung lahat, parang na-amaze rin
talaga ako lalo kay Lord. Kasi parang planado talaga lahat.

Nung gr. 7 po kasi online class, classmate ko po si pem pero di ko pa po siya kilala, tapos may gc po yung buong section. Ilang beses
po na nagkachat kami don sa gc na yon tapos medyo same vibes po kami. Pero di pa po talaga kami nagkakilala non.

Pagtungtong po ng gr.8, yun na po yung face to face classes, ang galing po kasi napansin ko lang, sa mga groupings po, talagang
kadalasan nagiging magkagrupo kami. Katulad po nung sa esp, first quarter, magkagrupo kami tapos nung mga sumunod na quarter,
ni-rearrange na po yung mga upuan tapos biglang naging magkagrupo po kami.

So talagang parang, hindi po coincidence na nangyari lahat yon at nagkakilala kami kasi, isa rin po siya sa mga dahilan kung bakit at
paano ko nakilala si Lord.

Ininvite niya po ako nung bakasyon at nung unang pagtungtong ko palang po dito, naramdaman ko na, dito na ako, mas ginusto ko
pang magbago at makilala pa nang tuluyan si Lord.

Hindi po naging madali yung buhay ko simula nung nagchurch na ako dito pero masasabi ko pong ang galing talaga kasi kasabay ng
mga pagsubok at hamon na dumating sakin, si Lord, may binibigay siyang biyaya.

Andami ko pong natutuhan simula nung dumating ako dito.


At lahat yon, ipasasalamat ko sa Panginoon kasi alam ko na part to ng plano niya.
Ang galing lang din po kasi na

You might also like