You are on page 1of 5

Magandang gabi po. Ako po si Pastor Chris Sumampong from Eastern Samar.

Ako po ay isa sa mga ministerial heads at I have fourteen (14) pastors under me at at the same time, ako
po ay isang Science teacher, high school teacher.

Kaya po relate na relate ako sa mga discussion na supported by Science at napakadami pong realization.

Direct na po ako sa puntos na gusto kong i-testify ngayon since this is, this is a testimony hindi ko na lang
ah hindi ko na lang masyadong hahabaan yung sasabihin ko sa mga, dito sa sa mind, sa brain kung ano
yung mga nakuha ko gusto kong ikwento kung papaano ako nagkaroon ng realization sa gabing ito.

Before coming here sa Occidental Mindoro, I've been I've been struggling, I've been struggling and since
ah...

Grabe po yung yung mga nagsi-sink in sa mga sinasabi ni Sir Ken na specially doon sa, na yong
kasalanan talaga ay malaking problema at yung at yung sinasabi, habang sinasabi yun talagang totoo po
iyon kasi bilang Pastor po, aminan na tayo, magpakatotoo na tayo.

Ako po inaamin ko po na.

Ilang taon na po kasi 12 years, 12 years na akong nagpapastor tapos sa 12 years na yun hindi ko hindi
ko...

Hindi ko mailabas yung yung totoong ako kasi nagkakaroon, nagkaroon po ako ng identity crisis.

Para po sa kaalaman ng iba yun po yung struggle ko since sabi ko nga nung tumang... sabi ko nga nung
tumanggap tumanggap ako kay Lord nung nagpapastor na ako, sabi ko Lord bakit bakit dito ako, parang
na-setup na, na-setup mo ako.

Bakit ganito,

bakit kung kailan tinanggap mo si Lord, bakit nag-manifest pa itong kasalanan na pinakatatago-tago ko

na habang na na yung 1st, 2nd, at 3rd day hindi talaga komportable honestly.

Napakainit talaga dito at sabi ko, tumitingin ako sa likod, mayroon bang retention

Mayroon bang learnings ng mga especially yung mga kabataan

kasi as a teacher we are always after yung learnings


yung conducive to learnings yung venue at dito, hindi ko talaga ma-appreciate at ako na ah na naiinitan
ako pero yung realization ko dahil sa bigat ng kasalanan na para bagang nag-aano sa isip ko na,

mabuti pa iyan dito, ganun lang yung kainit dun sa impiyerno mas mainit pa

Alam niyo po, grabe po na na yung yung identity ko is na connect sa mga ginagawa ko sa pagiging
Chairman

ang dami kong ginagawa para lang matakpan yung tunay kong pagkatao na ako po ay nag-i-struggle sa
aking identity

at doon doon ko lang narealize na habang nandiyan ako sa Ministry, sabi nga nung testimony kanina,
relate na relate ako kanina parang luhang luha ako habang nakikinig ako sa testimony

yung yung bigat ng kasalanan,

napakabigat niya na kinukuha yung joy of serving the Lord, the joy of salvation kinukuha niya, na para
bagang to the point na gusto ko na talagang mag-give-up

Gusto ko ng magpakamatay honestly

pero makikita kung sa kung sa work, sa accomplishment, ang dami kong ginagawa pero hindi pala dapat
ganun

at isa sa mga na-realize ko na mga verses sa Isaiah 59:1 and 2 na na-highlight ko iyon, na nahighlight ko
yun sa mga nabanggit kanina

at sabi pa nga doon sa aking mga sinulat ko dito, " when we pray, more prayers and there is still sins,
God not, did not hear it."

So yun po yung tumatatak sa sa puso ko na para bagang tatayo ka sa sa pulpito tapos napaka-ipokrita
napaka-ipokrito mo

yung umano sa akin, yung hyprocrisy

yung dini-deal sa akin ng Lord na dapat magpakatotoo ka

dapat magpakatotoo ka, dapat i-deal mo iyon at ngayon, dahil sa pag-attend ng B.A.H.

actually in-invite ako ni Pastora Rona, si Pastora Rona yung asawa ko baka nagulat kayo, oo pero.

thankful ako sa kanya kasi siya talaga yung ginamit na tao para mas maging lalaki ako. Amen. Opo.
'Yung sa Isaiah 59: 1 to 2 ito po yung sinabi is,

"Narito ang kamay ng Panginoon ay hindi umiksi na 'di makapagligtas, ni hindi man mahina ang Kanyang
pakinig na 'di makarinig kundi pinapaghiwalay ng inyong mga kasamaan.

Pinapaghiwalay ng iyong mga kasamaan kayo at ang inyong Diyos at ang inyong mga kasalanan ay
isang napakakub, nagpakubli ng Kanyang mukha sa inyo upang Siya'y huwag makinig."

Grabe po yung verse na to na talagang sinulat ko sa aking notebook kasi para ano pa yung yong
pagtatayo ko sa sa pulpito

papaano pa yung pagpe-pray ko hangga't hindi ko nade-deal yung ano yung kasalanan kasi yung nagsi-
sink in sa akin, God is justice.

Before yung umaano lang sa akin, napaka-kumportable yung Word that God is love, pero yung yung
sinasabi sa atin,

yung sinasabi sa akin personally ng Lord that He is just. God is justice na lahat ng kasalanan, yung bigat
ng kasalanan kung nalusutan ko man yun dito sa mundo darating na darating ang panahon na kailangan
ko talaga yan i-confess

kaya napaka-liwanag sa akin kanina yung sa confession.

At ngayon nagpapasalamat ako sa Lord na sabi pa nga

nagkukwentuhan kami na parang parang born again, again na naman tayo nito at na-realize ko talaga na
I really have to decide

magdesisyon ako na magbago, magdesisyon na ako na hindi na ulitin yung kasalanan

Kasi matindi po yung sinasabi ngayon kung hindi mo man yun ginagawa, tumingin ka lang 'di ba ng
malaswa, talagang nagkakaroon ka na ng adultery

so sa pagkakaroon po ng ganung kasalanan, talagang patong-patong po yung mga nangyaring


kasalanan sa buhay ko

at this is my very first time na i-testify dito kasi isa po yun sa mga maselang parte na para bang
ikinakahiya ko pero ngayon sa gabing ito talagang binigyan ako ng ng lakas ng loob na sabihin yun kasi
hindi ko po nanaisin na mapunta ako ng impiyerno.
Kasi hindi naman po ako talaga mase-save ng title lang, ng mga kamahalan, ng mga gamhanan na mga
titulo or mga honorable na titulo

ang Ibig ko pong sabihin is, it's about time na mag ah magbago na po tayo

talagang magdecide na po na kung mayroon mang guilt kasi all those seven years ago na-expose ako sa
sa matinding sa matinding kasalanan sa sa ministerial at umabot pa yun doon sa ibang mga provinces
pero hanggang ngayon, parang binabagabag pa ako,

parang nakokonsensya, parang may guilt, may condemnation, may shame

Kaya sabi ko hindi na talaga ako... lalayo, magku-quit na talaga ako kay Lord pero sa sa four days na 'to
na naka dating kami dito is pinagpapasalamat ko talaga kay Lord na sabi ko. "This is it."

This is it, talagang tototohanin at siseryosohin ko na, na yong kasalanan ay dapat pong talagang iwasan

At nagpapasalamat ako narealize ko, na through the blood of the Lord Jesus Christ ay yung aking
kasalanan ay Kanya...ay naisalin na po sa Kanya at Kanya na po akong nilinis, once and for all

and what I'm going to do is just to to thank Him,

na tuloy tuloy na magtagumpay yung buhay ko at patuloy Niya akong.. Magkaroon ako ng kagalakan sa
Salvation na Kanyang ibinigay sa akin

Salamat po ng marami

So sa verse po na talagang nag-aano din sa akin ay Ito po yung verse, yung second Corinthians 5:17 if
any man be in Christ he is a new creation, the old has gone and the new has come

at ang gagawin ko po is to share.

I-encourage din yung mga, yung mga members namin na na as much as possible mag mag-attend din ng
BAH

at we are praying na maipunta ito ng Samar para marami ding matulungan na mga pastors, sorry to say
na nagiging ipokrito, di ba

Pasensyahan na tayo sa salitang word na yun kasi dito mare-realize mo talaga yung konsensiya.

yun pa din, yung sa konsensiya talagang grabe yung dating yung sa konsensiya hanggat nakokonsensiya
ka, wag ka munang manalangin.
you have to deal yung sin.

Dapat hindi ka agad-agad na pumasok sa ganun na hindi talaga nadideal kung ano yung nandiyan sa
puso natin.

so yun po, magandang gabi.

(parang dito na ako bababa, dito na talaga ako.)

Okay. so yun po, as I have mention kanina po na yun, na nagdecide na din talaga ako na baguhin at sa
tulong ng Lord ay talagang iwasan na din yung yung kasalanan

and I can say that tonight, I am already a Born- again Christian.

Good evening.

You might also like