You are on page 1of 4

Praise God.

Magandang hapon po sa inyong lahat at sa lahat po ng mga tinubos at pinatawad na ang kanilang mga
kasalanan, magsabi ng Amen

salamat po sa dalawampu na sumagot

Ano, sigurado tayo may 10% tayo dito.

so, isang kagalakan sa akin na makatayo dito sa unahan sapagkat ito po ay isang compliment di natin
doon sa nagbigay sa atin ng relaxation ng ating spiritual na pangangailangan

Amen.

So salamat kay Brother Ken, sa kanilang mga staff, na talaga pong pinagkaloob sa atin 'tong libreng
accommodation

at the same time, 'yung lahat ng meron sa ating harapan kaya niyang ibigay sa atin 'no?

may Bible pa kayo pag-uwi.

Ako nga po pala si Pastora Baby Ponce from Antipolo

So ang aming church po ay Christ is the Answer at sa ngayon po ay may hawak ako na Association

at ito po ay Association for Pastors Kids blessings International

na nagke-cater ng lahat ng mga anak ng Pastor upang sila po ay magkaroon ng tunay na Christian
Brotherhood

and this time, ahm, na-amaze po ako sa isa pong paanyaya ng BAH or B.A.H. na BIble as History ah,
doon po sa CDC or Tagaytay, nag attend po kami doon

sobrang challenging pero hindi sumuko

nandito kami sa ikalawang pagkakataon kasi, sabi nga, Level Up Bible Study and then Fellowship

So, may nakalagay tayo diyan ng More, and then Wider, Deeper

kaya dapat iyon po ang ating naranasan ngayon

bagamat sabi nga po, hindi lahat naman ay kaya na i-absorb ng ating utak
ngunit naniniwala ako, as long as willing ang ating Spirit, mayroon tayong matututunan.

So, sa intro pa lamang ni Brother Ken, na-amaze ako doon ah..

May manok na pinugutan ng ulo, tignan nyo nga naman noh diba

kasi ako sanay ako magkatay ng manok pero tao hindi [laugh]

nagkatay ng manok nakawala, nung po siya ay namamasyal ng ganun parang nakita ko ba, Grabe.
Buhay na buhay at sobrang napakalikot pa lalo ano?

So ganun pala yun.

Kapag ang tao para ding tulad ng manok na naglalakad na ganyan na pugot ang ulo

can you imagine, ganun pala ang taong sobrang busy.

Tuliro, hindi alam kung anong direksyon ng kanyang sarili

kaya kailangan tayo may panahon din para magbigay ng tamang.. Sabi nga po ay pagkakataon, para sa
Panginoon

So, natutunan ko dito na kinakailangan nating lalo pang magpursigi para sa Panginoon

Binigay sa atin ng pagkakataong matuto doon sa 'Mina' - isang 'Mina' na naging sampu, isang 'Mina' na
naging lima, isang 'Mina' na nanatiling isa.

Sino ba ang pinakamaganda, o alin ba pinakamagandang piliin?

Sabi ko bilang isang ah, small businesswoman, mas pipiliin ko siyempre yung ganang mas malaki ang
pakinabang

at ito ang ating mapapakinabangan, ang pulutin natin ang mga aral na magbibigay sa atin ng tunay pong
kapakinabangan sa ministeryo sa ating pagbalik. Amen.

So ang next po doon ay pasasalamat ko sa Panginoon na itong workshop

ay itong ating ginawang seminar na ito ay may workshop na.

Bakit? Sapagkat nagkaroon tayo ng interaction dito dahil nakasama ako sa choir.
Wow! Parang ang ganda ng boses natin noh?

Pero isang pagkakataon yung mga makalangit na awitin na pagsama-samahan nating awitin

So, maganda na bawat grupo nagkaroon ng challenge kahit hindi talaga tayo singer, tama?

So yun po yung isang blessing sa atin na pag umuwi tayo, nakarga natin ang kagalakan sa ating mga
puso.

Isang pagpapala rin ng Panginoon sa bawat isa sa atin na tayo ay binigyan ng pagkakataon para doon sa
ating Communion.

Nilinaw ng ating kapatid na Brother Ken yung kahalagahan nito

at bilang Pastor na nagtuturo na nito, mas lumalim po sa akin ang katuruan

bagama't ito po ay madalas naming iprinapraktis sa amin sapagkat simula nung natutunan naming mag-
asawa ang patungkol sa teaching ng ah Holy Communion

or tinatawag po nating ah, Banal na Hapunan

pinapraktis po namin sa bahay kahit meron po kami doong anumang solid na kakainin and then meron
tayong tubig, iinumin po namin iyon as a symbol

Sapagkat doon po natin laging inaalala ang ginawa ng ating Panginoon sa krus ng kalbaryo

Ito lang po talaga ang naging dahilan kung bakit tayo nakakapagpatuloy

kaya habang inaawit ang 'Old Rugged Cross' hindi ko maalis sa aking sarili na talagang lumuha

sapagkat ang ating Panginoon ay sobra ang pagmamahal sa bawat isa sa atin.

Biniro pa nga ako ng katabi ko, ang sabi niya, "naiyak ka ba sa lasa?" [laugh]

Actually ito po'y kagalakan sa akin na maalala ko lagi ang kamatayan ng ating Panginoon

kaya aalis tayo dito, nakargahan tayo ng mga bagong aral na kung saan ay magpapalalim sa atin

at hindi tayo magkakawatak-watak sa ating pananampalataya

It is a challenge for us to do, these things.


Lalo na ang pag memorize ng Romans chapter 12. I tried it.

Hindi ko lang po nakumpleto, may mga bungi pa po ako na isasaulo pero itutuloy ko po ito pagdating sa
bahay

And then 'yung challenge na nadagdagan John ah chapter 17, isa pa po 'yun.

Gusto kong madagdagan ang karunungan sapagkat sabi ng Panginoon, "Sino mang humahanap nito ay
pagkakalooban."

Kaya sa lahat ng humahanap at naririto, nawa ay ito'y ating natagpuan.

Maraming salamat sa inyong lahat po Brother Ken at sa mga staff.

Nag-level up na po kayo, din, para sa amin. Bakit? Kasi dalawa na yung ating interpreter

dati si Brother Rex lang ngayon may Brother Ryan na, o di ba?

Sa susunod baka tatlo na yan [laugh].

So, maraming salamat sa inyo at nawa po ay 'wag din kayong magsasawa sa amin

bagamat hindi kumpleto na ganun po yung aming pagrespond.

Nawa po ay mas dumating pa po ang pagkakataon na mag-ayos po yung sistema.

Maraming salamat po and God bless you all.

You might also like