You are on page 1of 5

Exhortation Tuesday

Title: Overcoming worry and anxiety


Prayer: Sis. Mhiera

Anxiety – a feeling of worry, nervousness, or unease, typically about an


imminent event or something with uncertain outcome.
Bakit nga ba ang ilan sa atin ay nakakaranas ng ganito?
- Sabi ni mr. google, when you are feeling anxious or stressed.
As a Christian and followers of Christ mga kapatid, paano nga ba natin
malalagpasan yung mga ganitong pangyayari? Amen. Marahil iba sa atin mga
kapatid, dinadaan na lang sa mga jokes, o kaya sa mga pag-awit habang
tumutugtog ng instruments, o kaya sa paggawa ng mga tula, praise God.
Kasi sa panahon natin ngayon mga kapatid, nakakapag-isip tayo ng kung
ano-ano na nagiging dahilan para magworry tayo. Amen?
At parang yung pangamba ay nagiging normal na lang satin or parang
nagiging “standards” na ng mundo natin ngayon.
Nung wala tayong trabaho, di natin maiwasan magworry. Nung
nagkatrabaho na, nagwoworry pa rin. Amen? Sobrang dami ng mga paper works,
pano ko to tatapusin? Things like that.
Usapang pera naman mga kapatid, nung walang wala talaga tayo, palagi
tayo nagwworry, Amen? Nung nakakaluwag luwag na, meron na tayong
panggastos sa araw araw, nagwoworry pa rin tayo. Pero bakit tayo magwworry
doon mga kapatid, may naghihintay sa atin sa langit, amen? Doon tatapakan lang
natin yung mga ginto praise God! Hallelujah! Pwede ba nating palakpakan ang
Panginoon.
Ano pa mga kapatid – karamdaman. Hindi natin maiwasan na magworry
pag nagkakasakit tayo, Amen? Marami na agad tayong iniisip, mga gamot, basic
needs, etc.
Now, mga kapatid, alam na natin na hindi dapat natin pinapaikot yung
buhay natin o mundo natin sa pagwworry. Amen.
Halimbawa, kung nagddrive kayo, motor man yan o kotse mga kapatid,
nangangamba ka na baka magasgasan, masiraan ng makina o kaya mga
unexpected accidents, In Jesus Name! Nawawala o naisasantabi yung mga worries
na yun dahil nag-iingat tayo, Amen? Mas iniingatan na natin yung mga nakasakay
sa atin o pamilya natin o mga mahal natin sa buhay. Na hindi sa lahat ng oras
kailangan natin mag-worry mga kapatid. Dahil kung magppanick tayo at
mangangamba pa tayo baka mas lalo pang makasama sa atin, praise God!
Halimbawa rin mga kapatid, nandun yung pangamba natin na, hala tag-ulan
na naman, dapat hindi ako magpaulan, kaya mas mag-iingat na tayo, mas iingatan
na natin yung katawan natin para hindi tayo magkasakit.
Meron daw different kinds of worry mga kapatid.
1. People worry about things that have already happened.
a. Sabi dito mga kapatid, pointless daw yun or useless, walang pakinabang
mga kapatid. Kung sa ibang term pa, walang patutunguhan yung
pagwoworry natin sa mga bagay na tapos na. Shall we say Amen?
b. Kapag nagwoworry daw tayo sa mga bagay na tapos na, parang yung
sunlight diba may nakikita tayo na parang mga dust? Useless yung
paghahawi natin kasi wala naman tayong nakukuha. Malinaw po ba mga
kapatid, Amen.
c. The past deeds cannot be undone or past words unsaid. Kung sa tao, hindi
na natin mababalik yung mga nagawa na natin in the past o mga nasabi
natin sa kapwa natin, di na natin yun mababawi dahil nangyari na.
d. Pero have you ever imagined or realized mga kapatid, sa ating Panginoon,
kahit gaano pa kabigat yung kasalanang nagawa mo, kahit gaano pa tayo
karuming basahan sa harap ng ating Panginoon, kaya Niyang linisin tayo,
kaya Niya tayong gawing bagong nilalang mga kapatid, praise God,
hallelujah! Hindi Siya tumitingin sa konti o dami ng kasalanang nagawa mo,
tumitingin Siya sa kung paano mo Siya tinanggap ng buong buo at sa
tamang pagsunod mga kapatid, papatawarin ka Niya hallelujah! Amen.
2. People worry over things that will inevitably happen. Pag sinabi nating
inevitably mga kapatid, expected or inaasahan na nating mangyayari.
a. Halimbawa, sa mga magulang, praise God. Nagwoworry sila na balang
araw, ikakasal yung mga anak nila. Na bubukod na sa kanila yung mga
anak nila, Amen. Pero hindi dapat magworry mga kapatid, dahil biblical
yan mga kapatid, diba. Sabi sa Hebrews 13:14 Marriage is honorable;
Genesis 2:24 Men and Women were created for marriage.
b. Some worry about growing old, but the reality is tatanda naman talaga
tayo mga kapatid, Amen? Naalala ko nung mga kaedaran ko pa sina
Dayin, ang saya siguro sa feeling na makaalis ka sa teenage years, may
trabaho ka na, mabibilhan ko na yung mga magulang ko ng gusto nila,
makakapag bigay na ko kahit papano. Pero ngayon mga kapatid, hindi
pala talaga maiiwasan na magworry tayo or mag overthink, minsan
naiisip ko lang na 27 na ko next year, so 3 years na lang, ganto na edad
ko. Pasintabi po, haha alam ko hindi ako nag-iisa mga kapatid.
c. Nagwoworry tayo sa mga bagay na mangyayari naman talaga at
kailangan na nating tanggapin yun mga kapatid. Hallelujah!

1. Worry is unnecessary. Why?


Basahin natin ang Matthew 6:32
For all these things do the Gentiles seek: for your heavenly Father knoweth
that ye have need of all these things.
Amen, alam ng Panginoon ang pangangailangan natin. Bakit pa tayo
mababalisa o matatakot, Amen? Iisipin mo pa lang, alam na ng Panginoon
yan. Hindi bulag o bingi ang ating Panginoon para hindi niya malaman ang
pangangailangan mo, ang mga panalangin mo.
2. Worry shows a lack of faith
Sabi sa quotes mga kapatid, “Human reasoning produces doubt, doubt
produces fear, and fear produces anxiety”
Basahin natin ang John 14:1
Let not your hearts be troubled. Believe in God; believe also in me.
Sabi ng Panginoon huwag kang mabalisa ni matakot. Magtiwala lamang
tayo sa mga pangako ng ating Panginoon. Shall we say praise the Lord?
Ang pagkabalisa o pangangamba daw mga kapatid ay magnanakaw.
Ninanakawan tayo ng kasiyahan, ng peace, ng joy.
Eh ang sabi sa bible, Rejoice in the Lord always, Rejoice evermore. Praise
God! Kaya wag na wag po tayong papayag na manakaw yun ng anomang
pangamba o pagkabalisa natin mga kapatid. Amen?

Ito rin daw mga kapatid ay pwedeng makaapekto sa mga pinag-ppray natin.
Halimbawa may pinagpray tayo mga kapatid, pero pakiramdam mo hindi
tutugunin ng Panginoon.
Marahil kaya tayo nagddoubt kung tutugunin ba ng Panginoon yung mga
panalangin natin is hindi tayo humingi sa Panginoon ng may
pananampalataya, baka humiling lang tayo mga kapatid pero pagdaan lang
ng ilang araw gusto natin tugunin na agad ng Panginoon, naiinip tayo,
Amen?
May key verse tayo dyan mga kapatid.
Basahin natin ang James 1:5-6 at Mark 11:24

Kapag pinagpray na natin yung bagay na yun, believe that you have
received it and it will be yours.

So, paano nga ba natin maoovercome ang worry and anxiety?


1. Make up your mind that you are going to conquer it, kahit gaano kahirap
o kasakit yung pinagdadaanan mo ngayon, isipin natin na matatapos din
to, daanan lang natin mga kapatid wag nating tambayan. Amen?
Huwag tayong magpadaig sa mga bulong ng kaaway, praise God.

2. Form the right relationship with God


The closer we are to God – the fewer worries we have. Amen to that
mga kapatid. I-build muna natin yung relationship natin sa Panginoon
before anything else.

3. Do what you can – and leave the rest to God.


Minsan na-gguilty ako dito mga kapatid, kapag minsan naffeel ko na
hindi naaapreciate ng iba yung ginagawa ko, palagi niya kong tinatanong
na, Did you do your best? Did you put your heart in it? Sabi ko Oo, palagi
ko naman binibigay yung best ko eh. Then sabi nya, why worry? Napaisip
din ako dun mga kapatid. And the truth is we did our job in the best way
we can, and that’s OKAY. We are doing great. Amen? Hanggang doon
lang yung kaya natin, okay lang. Pakiramdam mo, walang nakaka-
appreciate sayo, okay lang. Ang Diyos naman ang nakakapansin nun,
Amen? Hindi man maappreciate ng kaibigan mo, ng pamilya mo, ng
katrabaho mo, ang mahalaga napapansin ka ng Panginoon, kilala ka ng
Panginoon. Amen? Shall we say Praise the Lord!

Malapit na po akong magtapos mga kapatid, praise God.

4. Live one day at a time


Matthew 6:34
Therefore, do not be anxious about tomorrow, for tomorrow will be
anxious for itself. Sufficient for the day is its own trouble.
Huwag nating problemahin ang bukas, praise God. Ang isipin natin yung
ngayon mga kapatid. Kung paano tayo haharap sa mga trials or
challenges mga kapatid.
One step at a time, Amen? Hindi rin natin kailangang magmadali, praise
God. Kung tutugunin ng Panginoon, praise the Lord! Kung hindi naman,
Praise the Lord, pa rin. Amen? Everything has a purpose mga kapatid,
kaya wala tayong dapat ikabalisa o ikabahala mga kapatid. Shall we clap
our hands to the Lord!
Amen, Hallelujah! At dito na po nagtatapos ang aking exhortation nawa po ay
naremind ulit tayo ng ating Panginoon sa gabing ito. Maraming salamat po sa
pakikinig, sa Diyos lamang po ang kapurihan! God bless po.

You might also like