You are on page 1of 2

INTRODUCTION:

*Ask if they are doing their personal devotion.

Gusto ko naman talaga kaya lang…


… ang hirap pala, wag na lang.
… ang haba naman ng babasahin, nakakabored, wag na lang.
… kulang ako sa ganito o wala kasi akong ganito eh, wag na lang.
… hindi kasi ako ganyan, wag na lang.

Hindi tayo makaka- accomplish kung puro tayo dahilan o excuses. Instead na sa magfocus ka sa mga ung
wala ka, ung mga negative o weakness, magsimula ka doon sa kung ano ang meron ka na. 

1. FROM EXCUSES TO EXECUTION

YOU ARE CALLED TO MAKE PROGRESS AND NOT EXCUSES.

Minsan alam naman natin kung ano mga dapat gawin pero hindi natin ginagawa. Mas pinipili pa natin ang
magdahilan na lang. It’s about time to make EXECUTIONS rather than EXCUSES.

Read Jeremias 1: 6 -8

6 Ang sagot ko naman, “Panginoong Yahweh, hindi po ako magaling na tagapagsalita; bata pa po ako.”
7 Subalit ang sabi niya sa akin, “Huwag mong sabihing bata ka pa. Pumunta ka sa mga taong sasabihin ko
sa iyo. Ipahayag mo sa lahat ang aking sasabihin sa iyo.
8 Huwag kang matakot sa kanila sapagkat ako'y kasama mo at iingatan kita. Akong si Yahweh ang
nagsasabi nito.”

Relate ba? May moment na ganito si Jeremias pero focus tayo sa sinabi ng Lord sa kanya.

e.g. Healthy living, medicines

Magkaiba tayo ng perspective ng Panginoon. Tinitignan Niya tayo not as we see ourselves. 
Kung hihinto tayo sa paggawa ng mga excuses at susunod sa inuutos ng Panginoon, maaamazed ka sa
mga bagay na kayang ibigay at ipagawa sayo ng Panginoon.

Maliit man yan o malaki, kesyo mag-arrange ng chairs, magwalis- walis, or mag-song lead, Lord will be
very happy when we make progress, when we execute, when we obey. 

Lagi nating iisipin na hindi ito para kanino kundi para lamang sa Panginoon. 
We cannot please anyone but with God, it’s a big YES. 

2. FROM A WORRIER TO A WARRIOR.

Sabi sa Cambridge Dictionary, ang worry ay to think about problems or unpleasant things that make you
anxious.

Sabi ni Google, worry is to allow one's mind to dwell on difficulty or troubles.


So ang worry ay nasa isip natin. Tayo ang gumagawa, hinahayaan natin ang ating isip na mag-isip na
ikaka-alala natin.
Baka pumalpak, Baka pagtawanan ako, baka mapahiya ako…

Meron rin naman, dahil kakaworry na mag-fail, sobra sobrang effort naman ang ginagawa to the extent na
ma-worn out, burn out ka na.

Let us accept the fact na hindi ka si Superman or si Wonderwoman. May mga panahon na napapagod ka
rin, nabibigatan at nahihirapan rin sa mga iba’t ibang laban sa buhay dito sa mundo.

Kaya kung hindi na kaya, huwag na magworry. Ibigay na sa Lord agad- agad. Wag ka na ma-pride at
overconfident na, or ang hina naman ng loob na ayaw na magtry. Pero ang totoo hindi mo kaya kung hindi
mo kasama ang Lord.

Awit 121: 1- 8

1Do'n sa mga burol, ako'y napatingin— sasaklolo sa akin, saan manggagaling?


2Ang hangad kong tulong, kay Yahweh magmumula, sa Diyos na lumikha ng langit at ng lupa.
3Di niya ako hahayaang mabuwal, siya'y di matutulog, ako'y babantayan.
4Ang tagapagtanggol ng bayang Israel, hindi natutulog at palaging gising!
5Si Yahweh ang ating Tagapag-ingat, laging nasa piling, upang magsanggalang.
6Di ka maaano sa init ng araw, kung gabi ay di ka sasaktan ng buwan.
7Si Yahweh ang siyang sa iyo'y mag-iingat, sa mga panganib, ika'y ililigtas.
8Si Yahweh ang siyang sa iyo'y mag-iingat saanman naroon, ika'y iingatan, di ka maaano kahit na kailan.

May mga bagay na hindi natin kayang ikontrol. Wag ka na mastress, bigay mo sa Lord at let your heart be
still.

Sa lahat ng mga pangyayari at laban natin sa buhay, consult the Lord and follow what He says.

Ilang beses na natin napatunayan na hindi tayo pinababayaan ng Panginoon, mula noon hanggang ngayon
pati na rin sa mga darating na mga bukas.

Kaya sabihin mo sa sarili mo, i-declare mo,

Starting now, I will stop making excuses and I will focus on making progress. I am not a worrier but a
warrior. I will obey and make an effort. I will be the person that God wants me to be. In Jesus’ name.
AMEN.

You might also like