You are on page 1of 2

Katesismo para sa mga Bata Pagtitimpi/ Temperance I.

Layunin Sa pagbasa sa Salita ng Diyos sa parabula ng Mayaman at si Lazaro sa mga bata, ay maunawaan nila ang kahalagahan at mga ehemplo ng pagtitimpi at ang mga kasalanan laban dito. II. Bible Excerpt Lukas 16:19-31 May isang mayamang nagdaramit nang mamahalin at saganang-sagana sa pagkain araw-araw. At may isa namang pulubing nagngangalang Lazaro, tadtad ng sugat, na nakalupasay sa may pintuan ng mayaman upang mamulot kahit mumong nahuhulog mula sa hapag ng mayaman. At dooy nilalapitan siya ng aso at dinidilaan ang kanyang mga sugat. Namatay ang pulubi, at dinala ng mga anghel sa piling ni Abraham. Namatay rin ang mayaman, at inilibing. Sa gitna ng kanyang pagdurusa sa Hades, tumingala ang mayaman at kanyang natanaw sa malayo si Abraham, kapilig si Lazaro. At sumigaw siya: Amang Abraham, mahabag po kayo sa akin. Utusan ninyo si Lazaro na isawsaw sa tubig ang dulo ng kanyang daliri at palamigin ang aking dila, sapagkat naghihirap ako sa apoy na ito. Ngunit sinabi sa kanya ni Abraham, Anak, alalahanin mong nagpasasa ka sa buhay sa ibabaw ng lupa, at si Lazaroy nagtiis ng kahirapan. Ngunit ngayoy inaaliw siya rito, samantalang ikaw namay nagdurusa. Higit sa lahat, inilagay sa pagitan natin ang isang malaking bangin upang ang mga narini ay hindi makapariyan at ang mga nariyan ay hindi makaparini. At sinabi ng mayaman, Kung gayon po, Amang Abraham, ipinamamanhik ko sa inyong papuntahin si Lazaro sa bahay ng aking ama, sapagakat akoy may limang kapatid na lalaki. Paparoonin nga ninyo siya upang babalaan sila at nang hindi sila humantong sa dakong ito ng pagdurusa. Ngunit sinabi sa kanya ni Abraham, Nasa kanila ang mga sinulat ni Moises at ng mga propeta; pakinggan nila ang mga iyon. Hindi po sapat ang mga iyon, tugon niya, ngunit kung pumunta sa kanila ang isang patay na muling nabuhay, tatalikdan nila ang kanilang mga kasalanan. Sinabi sa kanya ni Abraham, Kung ayaw nilang pakinggan ang mga sinulat ni Moises at ng mga propeta, hindi rin nila paniniwalaan kahit ang isang patay na muling nabuhay. III. Pambungad na mga Tanong 1. Ano ang mga paborito mo sa buhay? 2. May mga panahon bang sumosobra ka sa mga ito? 3. Ano ang ginagawa mo upang hindi ka sumobra sa mga ito? [Larawan ng isang tagpo] 1. Anu-ano ang mga kalagayan ng mga tao dito? 2. Sino ang sobra? 3. Sino ang kulang? IV. Ang Mayaman at si Lazaro

V. Mga Katanungan 1. Sino ang mga pangunahing tauhan ng kuwento? Sina Lazaro at ang mayaman ang mga pangunahing tauhan ng kuwento. 2. Ano ang kalagayan ng mga tauhan sa kuwento? Ang isa ay napakayaman habang si Lazaro ay napakamahirap at sugatan pa. 3. Nang namatay, saan sila napunta? Napunta sa langit si Lazaro habang sa impyeno naman napunta ang mayaman at nagdurusa. 4. Bakit kaya ganoon ang sinapit ng mga tauhan sa dulo ng kuwento? Walang ginawa ang mayaman kay Lazaro na maaari sanang nakatulong sa kanyang kalagayan, sa halip, nagsaya lamang siya sa kanyang kayamanan. 5. Ano sana ang ginawa ng mayaman? Nagkaroon sana siya ng pagtitimpi sa kanyang sobrang kayamanan at ginamit na lang ito sa ibang makabuluhang bagay. VI. Kabutihang Asal Sa gitna ng mga materyal na bagay dito sa mundo, mahalaga hindi tayo mahumaling dito, sa halip ay gamitin ito sa ibang makabuluhang bagay o ibahagi ito sa ating mga nangangailangan na kapwa. VII. Aralin Nilikha tayo ng Diyos na may limang uri ng pakiramdam (five senses): paningin (sight), pang-amoy (smell), panlasa (taste), pandinig (hearing), at pandama (touch). Ito ay upang tulungan tayong mabuhay. Isipin mo, nagugutom ka at wala kang panlasa. Siyempre, hindi tayo maaakit na kainin ang pagkain, kaya naman mawawalan ka ng ganang kumain. Kaya ikaw ay magkakasakit. Kaya magpasalamat tayo sa Diyos sa ating senses. Ngunit kadalasan, nahuhumaling tayo sa ligayang nararamdaman natin sa mga makamundong bagay na nilikha sana ng Diyos para sa ating pangangailangan. At ang pagkahumaling na ito ay nauuwi sa sobra. Kunyari, paborito mo ang panonood ng TV dahil nakakatuwa at nakakatawa! Siyempre maganda ring magrelax lalo na kapag kasama mo ang iyong pamilya na nanonood. Pero naging paboritong-paborito mo talaga ang panonood na sumosobra ka na minsan, nagpupuyat ka at nalilimutan mo ang iyong pag-aaral. Sa katunayan, ang ligayang nararamdaman natin dito ay pansamantala lamang. At dahil pansamantala lamang, nawawala ito agad. Sa dulo, nagiging malungkot tayo bunga na rin ng mga negatibong bagay na naidudulot nito/

Sa halimbawa kanina sa panonood ng TV, pwedeng antukin ka na sa klase kapag nagpupuyat ka. At pwedeng magiging mababa ang mga grado mo kung hindi ka gaanong nakakapag-aral, dahil inuubos mo lang ang oras mo sa TV lang. At ito ay isang malungkot na bagay, sapagkat tayo ay mga anak ng Diyos na nakadestino dapat sa langit upang matangggap ang tunay na ligaya: ang makita at makapiling ang ating Diyos Ama. At doon, hindi tayo magsasawa kailanman. Kaya naman kailangan natin ng disiplina sa sarili: ang pagtitimpi o temperance. Ang pagtitimpi ay ang pag-master sa ating mga sarili, ang sabi ng isang santo, si San Josemaria Escriva. Ito rin ay moderasyon sa ating mga makamundong bagay. Dahil hindi kailanman naging masama ang mga makamundong bagay na nilikha ng Diyos para sa atin. Hindi masamang kumain sapagkat ito ang nagpapalusog sa atin. Ngunit sabi nga, lahat ng sobra ay masama. Kaya ang higit na pagkain sa pangangailangan natin dahil lamang sa nasasarapan tayo ay nagpapakita ng pagkahumaling dito o kawalan ng pag-master sa ating sarili. Paano tayo magtitimpi? Alamin natin kung ano sa tingin natin ang sumosobra o kinahuhumalingan natin. Maglagay tayo ng limit, pauntiunti, at sundin natin ang itinakda natin ng may ligaya at hindi kalungkutan. Ialay natin sa Diyos ang sakripisyo na ito. Kung hindi mo man namalayan na sumosobra ka na, matutong huminto dito. Kung nakatanggap ng sobra sa ating pangangailangan, matutong ibahagi ito sa mas mabuting mga bagay at gawain. Higit sa lahat, hingin natin sa ating Diyos Ama ang tulong sapagkat hindi natin lumaban ng mag-isa. VIII. Laro Magbibigay ng sitwasyon at aalamin ng mga bata kung ano ang pinakanararapat na gawin dito. 1. Wala pala kayong pasok mamayang hapon kaya naman tuwang-tuwa ka na marami kang libreng oras. Ano ang gagawin mo? 2. Birthday party ng kaklase mo at inimbitahan ka na dumalo dito. Pagkakita mo sa hapag ng mga pagkain, namataan mo ang paborito mong lechon! Ano ang gagawin mo?

3. Inaya ka ng mga kaibigan mo na maglaro sa labas. At habang naglalaro, naalala mong pinapauwi ka ng nanay mo kaagad. Ano ang gagawin mo? 4. Mayroon ka pang natirang pera na baon nang magtatapos na ang klase ng araw na iyon. At namataan mo sa labas ng paaralan ang mga tindahan ng mga laruan. Ano ang gagawin mo? 5. Nanonood ka ng TV, at napansin mo ang oras sa orasan. Oras na para mag-aral, pero oras na rin ng paborito mong cartoon. Ano ang gagawin mo?

You might also like