You are on page 1of 5

Mga

Karunungang
Bayan
Ipinasa kay:
Ginang Daisy Cajilig
Guro sa Filipino 8
Ipinasa ni:
Kian Magno S. Mellizar
Grade 8 Purity
Salawikain
Ang mga salawikain o tinatawag na proverbs sa wikang ingles ay binubuo ng
mga parirala na karaniwan ay nasa anyong patula na kung saan ito ay nagbibigay ng
gintong aral. Ang mga salawikain ay nagmula pa sa payo o pahayag ng ating mga
ninuno batay sa kanilang sariling karanasan sa buhay. Ginagamit ito sa
isang pangungusap o pahayag upang bigyang-diin ang isang kaisipan o punto. Ito ay
isang maikling pangungusap na makabuluhan at kapaki-pakinabang kung gagamitin
bilang gabay sa ating pang-araw-araw na buhay.

1. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.


May awa ang Diyos sa tao at nais nitong tulungan sa mga problema niya sa buhay.
Subalit, nasa tao pa rin kung kikilos siya o hindi.
2. Ang kaginhawaan sa kasiyahan matatagpuan at ‘di sa kasaganaan.
Kahit gaano ka masagana ang buhay ay hindi ka makakaramdam ng kaginhawaan
kapag hindi ka masaya.
3. Ang buhay ay parang gulong – minsan nasa ibabaw, minsan rin nasa ilalim.
Pabago-bago ang takbo ng buhay. Minsan masaya ang mga pangyayari at madali,
minsan naman ay mahirap.
4. Kung ano ang itatanim ay siya ring aanihin.
Kung ano ang ginagawa mo sa iba, mabuti man o masama, ay babalik rin sa iyo. Sa
buhay, kung nagsusumikap ka, tiyak na may aanihin ka.
5. Bawat isa sa atin ay arkitekto ng ating kapalaran.
Tayo ang gumagawa ng desisyon na makaka-apekto na ating buhay. May
kakayahan tayong magsumikap upang marating natin ang ating nais marating
kasama ng panalangin.
6. Magbiro ka sa lasing, huwag lang sa bagong gising.
Minsan, masungit ang tao kapag bagong gising lalong-lalo na kung kulang ang
tulog o na-istorbo ang tulog niya. Ito ang dahilan kung bakit dapat nating iwasan
ang pagbibiro sa mga bagong gising.
7. May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.
Mabilis mapasa-pasa ang balita mabuti man ito o masama kapag nakarating na sa
taenga ng tao at lumalabas na sa mga bibig.
8. Pulutin ang mabuti, iwaksi ang masama.
Ang mga mabubuting aral o gawain ay isabuhay o ipagpatuloy samantalang ang
mga masama at hindi kaaya-aya ay huwag gawin.
9. Ang ginagawa sa pagkabata, kadalasan ay nadadala sa pagtanda.
Ang mga ginagawa ng bata, mabuti man o masama, kadalasan ay nadadala nila sa
kanilang pagtanda kung kaya’t bata pa lamang, dapat ay iwasto na ang dapat
iwasto.
10. Ang katotohanan kahit na ibaon, mabubulgar rin pagdating ng panahon.
Ano mang gawing tago sa katotohanan, lilitaw at lilitaw pa rin ito.
Kasabihan

Ang kasabihan ay pahayag na nagbibibigay ng payo o nagsasaad ng


katotohanan kung saan ang mga salitang ginagamit ay payak at madaling
maintindihan.

1. Ang tunay na kaibigan sa ligaya at kalungkutan, ikaw ay sasamahan.


Nasusukat ang pagkakaibigan hindi lang sa ligaya kung hindi ay pati sa
kalungkutan.
2. Walang mahirap na gawa kapag dinaan sa tiyaga.
Kahit anong gawain ay matatapos o malalampasan kapag ikaw ay matiyaga.
3. Kung ano ang itinanim ay siya rin ang aanihin
Kung ano ang iyong ginagawa ay siya rin ang gagawin sa’yo. Kapag ito ay
kabutihan, ikaw rin ay makakatanggap ng kabutihan o gagawan ng mabuti ng ibang
tao.
4. Ang batang hindi nagsasabi ng katotohanan ay hindi maaasahan.
Tunay na hindi ka makaasa sa bata man or matanda na hindi nagsasabi ng
katotohanan.
5. Kapag may isinuksok, may madudukot.
Kapag ikaw ay may itinira o itinabi, halimbawa ay pera, sa panahon ng kagipitan
ikaw ay may magagamit.
6. Kung ayaw mong maghirap, ikaw ay magsikap.
Sa buhay, mahalaga ang magsumikap lalong-lalo na kung ikaw ay ipinanganak na
hindi mayaman.
7. Ang katotohanan ang magpapalaya sa may kasalanan.
Kapag ikaw ay may kasalanan, sabihin mo ang totoo sapagkat ito lang ang
magpapalaya sa iyo.
8. Ang batang malinis sa katawan, ay malayo sa karamdaman.
Ito ay literal na nagsasabing ang paglilinis sa ating mga katawan ay isa sa mga
paraan upang tayo’s mapalayo sa mga sakit.
9. Ang kayamanan na galing sa kasamaan, kapahamakan ang maidudulot.
Kapag hindi galing sa mabuti ang iyong pera, ikaw ay talagang sisingilin sa anong
paraan man.
10. Ang tunay na karangalan ay nag-uumpisa sa paggalang sa mga magulang.
Isa sa pinakamahalagang asal ang pagiging magalang sa mga magulang.
Sawikain
Ang sawikain o idiom sa wikang Ingles ay salita o grupo ng mga salitang
patalinghaga na nagsasaad ng hindi tuwirang paglalarawan sa isang bagay,
kaganapan, sitwasyon o pangyayari.
Ito ay may dalang aral at kadalasan ay nagpapahiwatig ng sentimyento ng isa
o grupo ng mga tao.

1. Anak-dalita
Kahulugan: Mahirap

2. Anak-pawis
Kahulugan: Manggagawa, pangkaraniwang tao

3. Asal hayop
Kahulugan: Masama ang ugali

4. Balat-kalabaw
Kahulugan: Matapang ang hiya

5. Balik-harap
Kahulugan: Mabuti ang pakikitungo sa harap ngunit taksil sa likuran.

6. Balitang kutsero
Kahulugan: Maling balita / Hindi totoong balita

7. Bantay-salakay
Kahulugan: Hindi mapagkakatiwalaan

8. Basa ang papel


Kahulugan: Bistado na

9. Basag-ulo
Kahulugan: Away

10. Bilang na ang araw


Kahulugan: Malapit ng mamatay
Bugtong

Ang bugtong o riddle sa wikang ingles ay isang tanong o pangungusap


na nilulutas bilang isang palaisipan. Ito ay may doble at nakatagong kahulugan
na nangangailangan ng konsentrasyon at maingat na pagninilay-nilay para
mahulaan ng tama ang sagot.
1. Buto’t-balat, lumilipad.
Sagot: Saranggola
2. Kung gabi ay malapad, kung araw ay matangkad.
Sagot: Banig
3. Dala mo, dala ka, dala ka pa ng iyong dala.
Sagot: Sapatos
4. Kung babayaan mong ako ay mabuhay
Yaong kamataya’y dagli kong kakamtan;
Ngunit kung ako’y pataying paminsan,
Ay lalong lalawig ang ingat kong buhay.
Sagot: Kandila
5. Binili ko nang di nagustuhan, ginamit ko nang di ko nalalaman.
Sagot: Kabaong
6. Nang hatakin ang baging, nagkagulo ang matsing.
Sagot: Kampana ng simbahan
7. Hindi hayop, hindi tao, pumupulupot sa tiyan mo.
Sagot: Sinturon
8. Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay.
Sagot: Ilaw
9. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.
Sagot: Zipper
10. Sa umaga ay nagtataboy, sa gabi ay nag-aampon.
Sagot: Bahay

You might also like