You are on page 1of 18

MAGANDANG

ARAW SA
INYONG LAHAT.
Laging Tandaan:
CLASS RULES
1. Kailangang makinig ng mabuti at
mag focus.
2. Gawin ang lahat para matuto.
3. HUWAG I bahagi o e share ang video
at leksyon na inyong mapapanood sa
social media gaya ng facebook.
Karunungang
Bayan
 
KARUNUNGANG-BAYAN
Bugtong
Salawikain
URI Kasabihan
Sawikain
https://www.slideshare.net/MichelleMuoz18/tugmaang-de-gulo
ng-tulang-panudyobugtongpalaisipan
https://www.slideshare.net/MichelleMuoz18/tugmaang-de-gulo
ng-tulang-panudyobugtongpalaisipan
https://www.slideshare.net/MichelleMuoz18/tugmaang-de-gulo
ng-tulang-panudyobugtongpalaisipan
https://www.slideshare.net/MichelleMuoz18/tugmaang-de-gulo
ng-tulang-panudyobugtongpalaisipan
ANO ANG SALAWIKAIN?
• Ang salawikain - ay maiksing
pangungusap na lubhang
makahulugan at naglalayong
magbigay patnubay sa ating
pang-araw-araw na pamumuhay.
Naglalaman ito ng mga
karunungan.
MGA HALIMBAWA NG SALAWIKAIN

• 1. Huwag gawin sa iba ang ayaw mong gawin


sa iyo.
Kung hindi tayo magdudulot ng mga bagay na
ayaw nating gawin sa atin ng ibang tao, pawang
mga kabutihan lang mangyayari
• 2. Kung ano ang puno, siya ang bunga.
Kung ano ang pinanggalingan ay siya rin ang
bunga. Kadalasan, ito ay tumutukoy sa
pagkakaparehas ng anak sa kanyang mga
magulang.
• 3. Kung walang tiyaga, walang nilaga.
Walang pag-unlad kung hindi ka marunong mag
tiyaga o magtrabaho ng maigi.
• 4. Pagkahaba-haba mang ng prosisyon sa
simbahan din ang tuloy.
Sa kabila ng maraming taon at pagsubok na
dumating, mauuwi pa rin sa kasalan ang relasyon.
• 5. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
May awa ang Diyos sa tao at nais nitong tulungan
sa mga problema niya sa buhay. Subalit, nasa tao
pa rin kung kikilos siya o hindi.
• 6. Ang kaginhawaan sa kasiyahan
matatagpuan at ‘di sa kasaganaan.
Kahit gaano ka masagana ang buhay ay hindi ka
makakaramdam ng kaginhawaan kapag hindi ka
masaya.
• 7. Ang buhay ay parang gulong – minsan nasa
ibabaw, minsan rin nasa ilalim.
Pabago-bago ang takbo ng buhay. Minsan masaya
ang mga pangyayari at madali, minsan naman ay
mahirap.
• 8. Kung ano ang itatanim ay siya ring aanihin.
Kung ano ang ginagawa mo sa iba, mabuti man o
masama, ay babalik rin sa iyo. Sa buhay, kung
nagsusumikap ka, tiyak na may aanihin ka.
• 9. Bawat isa sa atin ay arkitekto ng ating
kapalaran.
Tayo ang gumagawa ng desisyon na makaka-
apekto na ating buhay. May kakayahan tayong
magsumikap upang marating natin ang ating nais
marating kasama ng panalangin.
• 10. Magbiro ka sa lasing, huwag lang sa
bagong gising.
Minsan, masungit ang tao kapag bagong gising
lalong-lalo na kung kulang ang tulog o na-istorbo
ang tulog niya. Ito ang dahilan kung bakit dapat
nating iwasan ang pagbibiro sa mga bagong
gising.
• 11. May tainga ang lupa, may pakpak ang
balita.
Mabilis mapasa-pasa ang balita mabuti man ito o
masama kapag nakarating na sa taenga ng tao at
lumalabas na sa mga bibig.
• 12. Pulutin ang mabuti, iwaksi ang masama.
Ang mga mabubuting aral o gawain ay isabuhay o
ipagpatuloy samantalang ang mga masama at
hindi kaaya-aya ay huwag gawin.
• 13. Ang ginagawa sa pagkabata, kadalasan ay
nadadala sa pagtanda.
Ang mga ginagawa ng bata, mabuti man o
masama, kadalasan ay nadadala nila sa kanilang
pagtanda kung kaya’t bata pa lamang, dapat ay
iwasto na ang dapat iwasto.
• 14. Ang katotohanan kahit na ibaon,
mabubulgar rin pagdating ng panahon.
Ano mang gawing tago sa katotohanan, lilitaw at
lilitaw pa rin ito.
• 15. Ang umaayaw ay hindi nananalo, ang
nananalo ay hindi umaayaw.
Hindi nananalo ang mga umaayaw. Kung gusto
mong manalo o magtagumpay, dapat patuloy
lang sa buhay hanggang sa makamit ang inaasam.
• SAGUTIN ANG GAWAIN 1,2 at 3 SA LAS
(Learning Activity Sheets) NA IBINIGAY SA
INYO
• MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG

You might also like