You are on page 1of 6

PRE TEST/POST TEST: FILIPINO

SET A

PAGPAPALA SA PANGINGISDA

Ang ating bansa ay napaliligiran ng malawak na karagatan. Sagana ito sa iba’t ibang uri ng isda. Kaya
marami sa mga Pilipino ay pangingisda ang ikinabubuhay.
Sa pakikipagtulungan ng mga pribadong kumpanya ng pangingisda, ang ating pamahalaan ay nag-
eeksport sa Hongkong at Taiwan. Iba’t ibang uri ng isda ang dinadala natin sa mga bansang ito tulad ng tuna at
lapu-lapu. Malaki ang naitutulong nito sa hanapbuhay ng ating mga mangingisda. Subalit ang kasaganahang
ito ay malimit na inaabuso. May mga mangingisdang gumagamit ng mga pampasabog at lasong kemikal para
makahuli ng maraming isda. Namamatay ang maliliit na isda na dapat sana ay lumaki at dumami pa. Ang iba
naman ay sinisira ang mga coral reefs na tirahan ng mga isda.
Ang Kagawaran ng Agrikultura sa pangunguna ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ay
patuloy na gumagawa ng mga hakbang para masugpo ang mga mangingisdang lumalabag sa batas pagdating
sa paraan ng pangingisda. Ang BFAR ay nagsasagawa ng mga proyekto na magpapaunlad sa produksyon ng
isda. Kasama rito ang pagbabawal ng pangingisda na nakasisira sa coral reefs, ang pagbubuo ng mga artificial
reefs, at pagmomonitor ng red tide sa iba’t ibang karagatan sa buong bansa.
Malaking bahagi ng ekonomiya ang nagbubuhat sa sektor ng mga mangingisda. Maraming tao rin ang
nakikinabang sa pagtatrabaho sa industriya ng pangingisda tulad ng fish marketing, fish processing, net
making, boat-building at fish trading. Ito ang mga dahilan kung bakit kailangang alagaan ang industriyang ito.
Bilang ng mga salita: 241

1. Ano-anong isda ang ipinapadala sa ibang bansa? (Literal)


a. dilis at tawilis b. tilapia at bangus c. tuna at lapu-lapu d. galunggong at bisugo
2. Alin sa sumusunod ang paraan ng pangingisda na ipinagbabawal? (Paghinuha)
a. pamimingwit b. paggamit ng lambat c. ang paraang pagbubuslo d. paggamit ng pampasabog
3. Anong tanggapan ang nangunguna sa pagsugpo sa labag na batas na paraan ng pangingisda? (Literal)
a. Bureau of Food and Drug b. Metro Manila Development Authority
c. Bureau of Fisheries and Aquatic Resources d. Department of Energy and Natural Resources
4. Bakit maraming Pilipinong may hanapbuhay na pangingisda? (Paghinuha)
a. Magaling lumangoy ang mga Pilipino. b. Maraming hindi nais magtrabaho sa taniman.
c. Walang ibang makuhang trabaho ang mga Pilipino. d. Napaliligiran ng malawak na karagatan ang
Pilipinas.
5. Ano kaya ang masamang epekto ng paggamit ng pampasabog at lason sa pangingisda sa tao? (Paghinuha)
a. Natatakot ang mga isda. b. Hindi na lumalaki ang mga isda.
c. Wala nang makakaing isda ang mga tao. d. Namamatay ang maliliit at batang isda.
6. Ano ang maaaring mangyari kung hindi ipagbawal ang maling paraan ng pangingisda? (Paghinuha)
a. Mauubos ang mga isda sa dagat. b. Mawawalan ng hanapbuhay ang mga mangingisda.
c. Matatakot na gumamit ng pampasabog ang mga tao. d. Maraming gagamit ng tamang paraan ng
pangingisda
7. Anong ugali ang ipinakikita ng mga mangingisdang patuloy na gumagamit ng maling paraan ng pangingisda?
(Paghinuha)
a. mahilig sa gulo b. matigas ang ulo c. malikhain sa trabaho d. masipag maghanapbuhay
8. Ano ang layunin ng manunulat ng seleksyon? (Pagsusuri)
Nais ng manunulat na ________________________________________.
a. ipagmalaki ang Pilipinas bilang isang mayamang bansa
b. makilala ang Pilipinas bilang magandang pinagkukunan ng isda
c. ipaubaya sa pamahalaan ang pag-aalaga sa mga katubigan ng bansa
d. malaman ng tao na sa bawat gawain ay may kaakibat na responsibilidad
SET B

KASAYSAYAN NG TACLOBAN

Ang Tacloban ay kabisera ng lalawigan ng Leyte. Ang Leyte ay matatagpuan sa Rehiyon 8 ng Pilipinas
na bahagi ng Silangang Visayas.
Ang Tacloban ay unang nakilala bilang Kankabatok, na ang ibig sabihin ay “pag-aari ng mga Kabatok”.
Kabatok ang tawag sa mga unang naninirahan dito. Mayaman sa yamang tubig ang lugar na ito. May
ginagamit silang isang uri ng basket na panghuli sa mga isda at alimango. Ang tawag nila dito ay “Taklub”.
Kapag may mga darayo sa lugar, ang sinasabi nila ay pupunta sila sa “tarakluban”. Pagtagal ay tinawag din
itong Tacloban.
Ang Tacloban ay nakilala dahil sa ginampanang papel nito noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Dito
naganap ang tanyag na pagbabalik ni General Macarthur. Naganap ito sa baybayin ng “White Beach” ng
Tacloban. Dito rin nagtayo ng base-militar ang pwersa ng mga Amerikano at ang bayang ito ay ang unang
napalaya mula sa mga puwersa ng mga Hapon. Naging pansamantala itong kapital ng Pilipinas habang ang
Maynila ay nasa kapangyarihan pa ng mga Hapon.
Sa syudad na ito nanggaling ang dating Unang Ginang ng Pilipinas na si Imelda Romualdez Marcos.
Ang Pamilya Romualdez ay isa sa mga kilalang pamilyang politiko sa lugar. Ang pangalan ng paliparan sa
Tacloban ay Romualdez airport.
Kakaunti lang ang nakaka-alam kung kailan naging munisipalidad ang Tacloban dahil ang mga
dokumentong nakapagpapatunay rito ay nasira ng bagyo. Pero marami ang naniniwala na ang Tacloban ay
opisyal na naiproklamang munisipalidad noong 1770.
Bilang ng mga salita: 237

1. Saan matatagpuan ang Tacloban? (Literal)


a. sa Kanlurang Visayas b. sa Silangang Visayas c. sa Hilagang Visayas d. sa Timog Visayas
2. Sino ang kilalang tao na dumako sa Tacloban noong Ikalawang Digmaang pandaigdig? (Literal)
a. Imelda Marcos b. Emilio Aguinaldo c. Imelda Romualdez d. Douglas MacArthur
3. Sino ang pangulo ng Pilipinas na nakapangasawa ng isang taga-Tacloban? (Literal)
a. Pangulong Gloria Arroyo b. Pangulong Fidel Ramos
c. Pangulong Ferdinand Marcos d. Pangulong Diosdado Macapagal
4. Bakit naging kabisera ng Pilipinas ang Tacloban? (Paghihinuha)
a. Marami ang may ayaw sa Maynila. b. Maraming tanyag na tao sa Tacloban.
c. Ang Maynila ay sinasakop pa ng mga Hapon. d. Maraming makapangyarihang politiko sa Tacloban.
5. Bakit kaya unang napalaya mula sa puwersa ng Hapon ang Tacloban? (Paghihinuha)
a. Takot ang mga Hapon sa mga taga-Tacloban. b. Kilala kasi ang mga taga-Tacloban na matatapang.
c. Walang maraming sundalong Hapon sa Tacloban. d. Mayroong base Militar ng mga Amerikano ang
Tacloban.
6. Ano ang ikinabubuhay ng mga taong taga-Tacloban? (Literal)
a. pangingisda b. pagtatanim c. pagtitinda d. pagtu-tuba
7. Bakit kaya pinangalanang Romualdez airport ang paliparan sa Tacloban?
a. Malaki ang naitulong ng Romualdez sa lugar. b. Malaki ang pamilya ng Romualdez sa Tacloban.
c. Maraming Romualdez ang nasa lokal na gobyerno. d. Marami sa Romualdez ang madalas sumakay sa
eroplano.
8. Ano ang layunin ng sumulat ng seleksyon? (Pagsusuri)
a. Nais nitong hikayatin ang mambabasa na bumisita sa Tacloban.
b. Gusto nitong ipaalam ang pinagmulan at naganap sa Tacloban.
c. Hangad nitong maghatid ng aliw sa mambabasa.
d. Hatid nito ang isang mabuting halimbawa.
SET C

PAGSALUNGAT NI MACARIO SAKAY

Maraming mga bayani ang namatay sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano. Isa rito si Macario
Sakay. Isa siya sa orihinal na kasapi ng Katipunan na binuo noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol.
Si Macario Sakay ay salungat sa pakikipagkaibigan sa pamahalaang Amerikano. Nagtatag siya ng
pamahalaan sa Katagalugan. Siya at ang kanyang mga kasama ay sumulat ng Saligang Batas na nagtakda ng
pamamaraan katulad ng sa unang Republika ng Pilipinas na itinatag ni Aguinaldo sa Malolos. Ipinahayag niya
ang pakikipaglaban sa mga Amerikano upang makamit ang kalayaan. Sa loob ng apat na taon ay naging
matagumpay ang kanyang kilusan at naging problema siya ng mga Amerikano.
Ginamit ng mga Amerikano sa pamumuno ni Gobernador-Heneral Henry C. Ide, ang isang kilalang lider
ng mga manggagawa upang himuking sumuko si Macario Sakay. Siya si Dominador Gomez, na isang Pilipino.
Nahimok ni Gomez si Sakay dahil sa pangakong hindi sila parurusahan at sinabing sa kanyang pagsuko ay
manunumbalik ang katahimikan ng bansa at magiging simula ito ng pagtatag ng Asembleya ng Pilipinas.
Naniwala si Sakay sa mga sinabi ni Gomez. Naniwala siya na ang kanyang pagsuko ay makapagpapadali sa
pagtatag ng asembleya na binubuo ng mga Pilipino. Nabigla si Sakay nang ang kanyang pangkat ay arestuhin
ng mga Amerikano at konstabularyang Pilipino sa isang kasiyahan. Pinaratangan ng maraming kasalanan si
Sakay ngunit di siya umamin. Ang tanging hangad niya ay makamit ng bansa ang kalayaan. Hinatulan siya ng
kamatayan at binitay noong Setyembre 13, 1907.

Bilang ng mga salita: 244

1. Sino ang ayaw makipagkaibigan sa pamahalaang Amerikano? (Literal)


a. Dominador Gomez b. Emilio Aguinaldo c. Henry Ide d. Macario Sakay
2. Ano ang isinulat ni Macario Sakay at ng kanyang mga kasama? (Literal)
a. artikulo sa pahayagan b. asembleya c. nobela d. Saligang batas
3. Bakit ayaw makipagkaibigan ni Macario Sakay sa sa pamahalaan ng Amerika? (Paghihinuha)
a. dahil Pilipino siya b. gusto niyang makipag-away
c. gusto niyang makamit ang kalayaan d. ayaw niyang pumunta sa Amerika
4. Sa linyang “sa kanyang pagsuko ay manunumbalik ang katahimikan” ang ibig sabihin ng salitang
Manunumbalik ay (Pagsusuri)
a. magkakaroon muli b. maririnig ng lahat c. makukuha agad d. dapat maiipon
5. Paano mo ilalarawan ang plano na gamitin si Dominador Gomez para pasukuin si Macario Sakay?
(Paghihinuha)
a. mautak at tuso b. hindi pinag-isipan c. mapagmalaki at mayabang d. mabait at may pakundangan
6. Anong katangian ang ipinakita ni Macario Sakay? (Literal)
a. makabayan b. matalino c. masinop d. masipag
7. Bakit kaya hangad ni Macario Sakay ang kalayaan ng Pilipinas? (Paghihinuha)
a. galit siya sa mga Amerikano b. gusto niyang mamuno sa bansa
c. mahal niya ang bansang Pilipinas d. maraming makukuhang yaman sa bansa
8. Ang layunin ng talatang ito ay para ipaliwanag (Pagsusuri)
a. ang dahilan ng pagkamatay ni Macario Sakay.
b. ang layunin ng pagsapi ni Macario Sakay sa Katipunan.
c. ang hangarin ni Macario Sakay sa pagpunta sa Malolos.
d. ang tungkulin ni Macario Sakay sa mga pinunong Amerikano.
SET D

TALAMBUHAY NI BENIGNO AQUINO JR.

Si Benigno Aquino, Jr., o kilalang si Ninoy Aquino, ay ipinanganak noong Nobyembre 27, 1932 sa
Concepcion, Tarlac. Kumuha siya ng Law sa Unibersidad ng Pilipinas ngunit tumigil siya at sa halip ay kumuha
siya ng Journalism. Pinakasalan niya si Corazon Aquino at nagkaroon sila ng limang anak.

Siya ay naging alkalde ng Concepcion, Tarlac, at pinakabatang bisegobernador ng Tarlac. Sa edad na


34, nahalal siya bilang senador.

Siya ay naging mahigpit na kritiko ni Pangulong Marcos at ng asawa nitong si Imelda Marcos. Kilala
siyang kalaban ni Pangulong Marcos tuwing halalan. Nang ideklara ang Martial Law, si Benigno Aquino ang isa
sa mga unang dinampot ng militar upang ikulong.

Noong 1980, siya ay inatake sa puso at kinailangang operahan. Pinayagan siya ni Imelda Marcos na
lumabas ng bansa para magpagamot sa kundisyong siya ay babalik at hindi magsasalita laban sa pamahalaan ni
Marcos. Si Aquino ay namalagi sa Estados Unidos ng tatlong taon.

Dahil sa balitang lumalalang sakit ni Pangulong Marcos, ipinasya ni Aquino na umuwi upang bigyan ng
pag-asa ang mga taong naghahangad ng pagbabago sa pamahalaan.

Noong Agosto 21, 1983, bumalik siya sa Maynila subalit sa paliparan pa lang ay binaril siya sa ulo. Ang
libing ni Ninoy Aquino ay nagsimula ng ika-9 ng umaga hanggang ika-9 ng gabi. Mahigit dalawang milyong tao
ang nag- abang sa pagdaan ng karosa ng kabaong ni Ninoy papunta sa Manila Memorial Park.

Bilang ng mga salita: 232

1. Saan ipinanganak si Ninoy Aquino? (Literal)


a. Tarlac, Tarlac b. Capas, Tarlac c. Camiling, Tarlac d. Concepcion, Tarlac
2. Alin sa sumusunod ang naging posisyon sa pamahalaan ni Ninoy Aquino? (Literal)
a. presidente, bise-presidente, senador b. konsehal, kongresista, gobernador
c. alkalde, bise-gobernador, senador d. bise-alkalde, konsehal, pangulo
3. Sinabi sa talata na si Ninoy Aquino ang mahigpit na kritiko ni Pangulong Marcos. Ano ang ginagawa ng isang
kritiko? (Paghinuha)
a. nakikipag-away b. nag-iisip ng paghiganti c. nagsasabi ng mga puna d. nagpapaplano ng
ganti
4. Kung pangulo ng Pilipinas ang maaaring magpahayag ng martial law, sino kaya ang nagdeklara nito noong
panahong iyon? (Paghinuha)
a. Cory Aquino b. Fidel Ramos c. Imelda Marcos d. Ferdinand Marcos
5. Bakit kaya ipinadampot si Ninoy Aquino noong martial law? (Paghinuha)
a. May inaway na alkalde si Ninoy Aquino. b. May galit si Marcos sa pamilya ni Aquino.
c. Nahuli si Aquino na nagnanakaw sa pamahalaan. d. Bawal kalabanin ang pangulo noong martial
law.
6. Ano ang katangiang ipinakita ni Ninoy Aquino? (Pagsusuri)
a. maalalahanin b. magalang c. makabayan d. mapagtiis
7. Bakit kaya marami ang nakiramay sa kamatayan ni Ninoy Aquino? (Pagsusuri)
a. Isa siyang batang senador. b. Naawa sila sa pamilya ni Aquino.
c. Pagmamahal sa bayan ang ipinakita niya. d. Gusto ng mga taong makakita ng mga pulitiko.
8. Ano ang damdamin na iniwan ni Ninoy Aquino sa mga Pilipino? (Pagsusuri)
a. kasabikan b. pag-asa c. pagkatalo d. pagkatakot
ANSWER’S KEY: FILIPINO

SET A SET B

SET C SET D

You might also like