You are on page 1of 22

Magandang araw sa

inyong lahat..
Laging Tandaan:
CLASS RULES
1. Kailangang makinig ng mabuti at
mag focus.
2. Gawin ang lahat para matuto.
3. HUWAG I bahagi o e share ang video
at leksyon na inyong mapapanood sa
social media gaya ng facebook.
Kasanayang Pampagkatuto

Naiuugnay ang mga mahahalagang kaisipang


nakapaloob sa binasang akda sa nangyayari sa:
Sariling karanasan, pamilya, pamayanan, lipunan,
daigdig. (F10PN-Ia-b-62)
Panitikan:
Mitolohiyang Griyego
sa Katauhan ni Zeus..
Gramatika:
Gamit ng Pandiwa
• Ang salitang mitolohiya ay nangangahulugang agham o pag-aaral ng mga
mito/ myth at alamat? Tumutukoy rin ito sa kalipunan ng mga mito mula
sa isang pangkat ng tao sa isang lugar na naglalahad ng kasaysayan ng
mga diyos-diyusan noong unang panahon na sinasamba, dinarakila at
pinipintakasi ng mga sinaunang tao. 
• Ang salitang mito/myth ay galing sa salitang Latin na mythos at mula sa
Greek na muthos, na ang kahulugan ay kuwento. Ang muthos ay halaw
pa sa mu, na ang ibig sabihin ay paglikha ng tunog sa bibig. Sa Klasikal na
Mitolohiya ang mito/myth ay representasyon ng marubdob na pangarap
at takot ng mga sinaunang tao. Nakatutulong ito upang maunawaan ng
mga sinaunang tao ang misteryo ng pagkakalikha ng mundo, ng tao, ng
mga katangian ng iba pang mga nilalang. Ipinaliliwanag rin dito ang
nakatatakot na puwersa ng kalikasan sa daigdig-tulad ng pagpapalit ng
panahon, kidlat, baha, kamatayan, at apoy. Ito ang naglalahad ng ibang
daigdig tulad ng langit at ilalim ng lupa. Hindi man ito kapani-paniwalang
kuwento ng mga diyos, diyosa, at mga bayani, itinuturing itong sagrado
at pinaniniwalaang totoong naganap. Karaniwang may kaugnayan ito sa
teolohiya at ritwal.
• Sa Pilipinas naman, ang mga mito ay kinabibilangan ng
mga kuwentong-bayang naglalahad ng tungkol sa mga
anito, diyos, at diyosa, sa mga kakaibang nilalang, at sa
mga pagkagunaw ng daigdid noon. Maaaring matagpuan
ang mga mitong ito sa mga kuwentong-bayan at epiko ng
mga pangkat-etniko sa kasalukuyan. Mayaman sa
ganitong uri ng panitikan ang mga naninirahan sa
bulubundukin ng Luzon, Visayas, at Mindanao.
• May kuwento tungkol sa pagkagunaw ng daigdig ang mga
Ifugao. Inilarawan sa kanilang epikong “Alim” kung paano
nagunaw ang daigdig. Ayon dito, nagkaroon ng malaking
pagbaha sa mundo at ang tanging nakaligtas ay ang
magkapatid na sina Bugan(babae), at Wigan(lalaki). Sa
kanila nagmula ang bagong henerasyon ng mga tao sa
mundo.
Talaan ng mga
Diyos at Diyosa sa
Mitolohiyang
Griyego
Zeus- Punong diyos; panginoon
ng langit
Hera- Asawa ng Zeus; diyos ng
langit
Phoebus- Diyos ng araw; diyosa
ng liwanag, musika, at propesiya
Poseidon- Diyos ng Dagat
Hermes- Diyos ng Komersyo;
sugo ng mga diyos
Haphaestus- Diyos ng apoy;
panday ng mga diyos
Ares- Diyos ng digmaan
Athena- Diyosa ng
karunungan
Artemis- Diyosa ng buwan at
pangangaso
Demeter- Diyos ng agrikultura
at pertilidad
Hestia- Diyosa ng apuyan at
tahanan
Dionysius- Diyos ng alak
Aphrodite- Diyosa ng
kagandahan at pag-ibig
Maituturing na isang
malaking kayamanan ng
Greece ang bawat akdang
pampanitikang inisip,
ipinahayag, isinalin, at
isinulat. Nagsisilbi itong
salamin ng kanilang buhay
at katauhan.
Ang Daigdig ni Zeus
Ang pinakatanyag na mitolohiya ay ang sa mga Griyego na batid ng buong
mundo dahil sa mga tauhang gaya nina Zeus, Aphrodite at Athena. Si Zeus
ay dumating sa Gresya kasama ang mga Achean noong 1300 BC. Siya ay
kabilang sa mga Griyego dahil sa ang pagiging Griyego ay paggalang kay
Zeus bilang pinuno ng mga diyos at kalalakihan sa daigdig ng Klasikal. Siya
ay kinikilala bilang ‘Zeus Panhellionos.’ Si Zeus ang lider ng mga diyos sa
langit. Noong unang panahon ng Griyego, si Zeus ay tinaguriang nananaig
sa kapangyarihang taglay ng isang diyos. Ginamit niya ang kapangyarihan
ng kulog at kidlat at natalo niya ang higanteng nakuha mula sa Olimpiyano
ng mga diyosa at diyos. Ang palasyong nasa itaas ng Bundok ng Olimpo ay
ang kaharian ni Zeus at nakaupo siya sa isang kahanga-hanggang ginintuang
trono ng hari na may mahalagang batong napahihiyasan ng kayamanan.
Ang dahon ng laurel na nasa ulo ni Zeus ay simbolo ng karunungan. Siya ay
tinawag na Diyos ng Karunungan dahil sa patas na paglilingkod at
pagkaroon ng hustisya sa bawat gagawin sa mga tao. Siya ay tinaguriang
Diyos ng mga Panunumpa sapagkat may pangako siyang malimit na
tinutupad sa mga tao na kanyang itinataguyod sa kaharian.
Batay sa mitolohiyang Griyego, si Cronus ay ama ni Zeus at si Rhea
naman ang kanyang ina. May masamang pangitain si Cronus at ito ay ang
mapapalitan siya bilang hari ng isa sa kanyang magiging anak. Namayani
ang pangamba sa hari na nais manatili ang kapangyarihan sa kanyang mga
kamay. Siya ay naging makasarili kaya’t naisip ni Cronus na lunukin ang
kanyang mga anak maliban kay Zeus. Isang bato ang nalunok ni Cronus
sapagkat ibinalot ni Rhea sa isang damit si Zeus. Si Zeus ay ikinubli ng
kanyang ina at dinala sa isang isla sa Cretan na matatagpuan sa Gresya. Si
Zeus ay lumaking makapangyarihan na kahit ang kanyang amang si Cronus
ay sumunod sa kanyang utos na ilabas sa pamamagitan ng pagluwa nito sa
kanyang mga kapatid na matagal na namalagi sa loob ng hari. Silang
magkakapatid ay nagpamalas ng kakaibang lakas at puwersa sa buong
sanlibutan. Patas ang ginawang pag-aatas ng tungkulin at responsibilidad sa
kanyang mga kapatid at mga magtataguyod ng mga kaharian. Bunso si Zeus
sa magkakapatid pero siya ang pinakamakapangyarihan. Si Poseidon o
Neptuno sa Romano ay ang lalaking kapatid ni Zeus na inutusan niyang
mangasiwa ng dagat. Ang isa pa niyang kapatid na lalaki ay si Hades o Pluto
sa Romano ay inatasan naman ni Zeus na magtungo sa ilalim ng lupa kung
saan matatagpuan ang mga namayapa na.
Si Malakas at Si Maganda
Kuwentong Bayan ng mga Pilipino
Bago nagsimula ang panahon, ang tahanan ng Diyos ay di-masukat na kalawakan.
Naging malungkot ang Diyos sapagkat wala Siyang makita o marinig.
Ang araw ay sumisikat, maliwanag na parang ginto, at ang langit ay napapalamutian ng
mapuputing ulap. Sa malayo ay nakasilip ang buwang kabilugan samantalang kumukutikutitap
ang libo-libong mga bituin.
Inaangat ng Diyos ang Kanyang kamay at ito’y itinurong pababa. Sa isang iglap ay nalalang ang
mundo. Ang mga lunting kahuyán ay sumibol, pati mga damo. Namukadkad at
humahalimuyak ang mga bulaklak.
Ang mga dagat ay umalon, at ang mga ilog ay umagos. Nagliparan ang mga ibon sa
himpapawid at nag-awitan.
Nayari ng Diyos ang sanlibutan. Ito ay isang ginintuan at mahiwagang paraiso.
Isang araw ang hari ng mga ibon ay lumipad at ginalugad ang papawirin. Pagkatapos
ikinampay ang matipunong mga pakpak at paimbulog na pababa sa kahuyán.
Mula sa malayo kanyang natanaw ang mataas na kawayang yumuyukod sa mahinhing paspas
ng hangin.
Kanyang binilisan ang paglipad pababa. Siya’y dumapo sa naturang kawayan upang
magpahinga.
Tok! Tok! Tok!
Nadama niya ang maririing katok na nagmumula sa loob ng kawayan. May tinig siyang narinig!
“Palayain mo ako, oh, makapangyarihang hari ng mga ibon!” ang hinaing. “Tuktukin ng iyong
tuka ang kawayang kinapapalooban ko. Hindi ako makahinga. Para itong karsel!”
“Baka ito’y patibong!” ang isip ng ibon. Mayamaya’y may butiking gumapang na paitaas sa
kawayan. Ang ibon palibhasa’y gutom, ito’y tinuka ngunit hindi nahuli.
Buong lakas na tinuktok uli ng ibon ang kawayan.
Nabiyak ang kawayan. Isang makisig na lalaki ang lumabas.
“Salamat sa iyo, dakilang hari ng mga ibon! Ako’y si Malakas. Tuktukin mong muli ang kawayan.
Iyong palabasin ang aking kasama!”
Tinuktok ng hari ng mga ibon ang isa pang kawayan.
 Isang mahinhin at magandang babae ang lumabas. “Ito’y si Maganda, ang aking asawa.
Pinalaya mo kami, dakilang ibon. Ikaw ay magiging kasama namin habambuhay!”
“Hindi maaari. Maraming salamat,” sagot ng ibon. “Ako ay ibon at ang tahanan ko ay malawak
na papawirin. Ako’y naglalayag sa hangin. Ang aking bagwis ay sinadya sa paglipad. Subalit
umasa kayong lagi ko kayong aawitan. Pag ako’y wala na, ang maliliit kong supling ang aawit sa
inyo. Aawitin din nila ang mga awit na inawit ko!”
“Hali kayo! Sumakay kayo sa aking bagwis. Kayo’y dadalhin ko at ipakikita sa inyo ang Lupang
Hinirang. Doon kayo maninirahan!”
Sina Malakas at Maganda ay dinala sa mga pulong luntian at kumikinang sa sikat ng araw. Ang
mga ito’y tulad ng tinuhog na kuwintas na isang mahalagang hiyas!
Dito sa mga pulong ito, Perlas ng Dagat Silangan, nagsimulang namuhay ang mag-asawang
Malakas at Maganda — ama’t inang pinagmulan ng lahing kayumanggi.
 
Iba’t iba ang gamit
ng pandiwa.
Ginagamit ito sa
pagpapahayag ng
aksiyon, karanasan at
pangyayari.
AKSIYON
Masasabing may aksiyon ang
pandiwa kung ito ay may actor o
tagaganap.
Mabubuo ang mga pandiwang
nasa aktor o tagaganap kung ito
ay may panlaping: -um, mag-,
ma-, mang-, maki-, mag-an.
Maaring tao o bagay ang actor.
Pandiwang aksiyon
Halimbawa: Ang nakasalungguhit ay pandiwa
samantalang ang nasa bilog ay ang aktor.

Halimbawa: 1. Si Zeus ay
dumating sa Gresya kasama
ang mga Achean.
KARANASAN
Nagpapahayag ng karanasan ang
pandiwa kapag may damdamin.
Ito ay nangangahulugang may
nakadarama/nakararanas ng
damdamin, na siyang
inihuhudyat ng pandiwa. Sa
madaling salita, mga sitwasyong
may tagaranas ng damdamin o
saloobin.
 
Halimbawa:
Ang nakasalungguhit ay
karanasan samantalang ang
binilugang salita ay aktor.
Nangamba ang hari sa
masamang pangitain ni
Cronus.
PANGYAYARI

Ang pandiwa ay resulta ng isang


pangyayari.
Halimbawa:
Ang nakasalungguhit ay pandiwa
samantalang ang nasa bilog ay ang
aktor.
1. Natalo niya ang higante
gamit ang kapangyarihang
kulog at kidlat.

You might also like