You are on page 1of 32

ZEUS

Si Zeus ay ang pinuno ng mga diyos at ang diyos


ng kalangitan at ng kulog sa mitolohiyang Griyego.
Siya ang nangingibabaw,pinakamakapangyarihan,
pinakamataas, o supremong diyos ng sinaunang
mga Griyego. Ginagamit niyang sandata ang kidlat
na may kasamang malakas nakulog,, kaya't kilala
rin siya bilang "Zeus ang Tagapagkulog" (Zeus the
Thunderer ). Sa pamamagitan ng kidlat at kulog,
napamunuan niya ang iba pang mga diyos
upangmakamit ang tagumpay laban sa mga
higante ng nagnais nakuhanin mula sa
Olimpiyanong mga diyos at diyosa ang pagtaban at
pangingibabaw sa daigdig. Partikular na ginagamit
din ni Zeusang kanyang sandatang kidlat at kulog

sa tuwinang magagalit. Kilala siya sa mitolohiyang Romanobilang


Hupiter (Jupiter). Sa mitolohiyang Etruskano, siya si Tinia.Ama ni
Zeus siCronus(Saturnosa Romano). Batay samitolohiyang Griyego,
napag-alaman ni Cronus na mapapalitan siya sa pagkahari ng isa sa
kanyang magiging mga anak. Kaya't nilulunok niya ang mga ito, sa
bawat pagkakataon magsisilang angkanyang asawang si Rhea,
upang mapigilan ang kanyang pagkagapi. Nalunok niyang lahat ang
kanyang mga naging anak kay Rhea, maliban na lamang kay Zeus
na itinago ni Rhea sa pulong Cretasa Gresya. Sa halip, ang nalunok
ni Cronus ay isang batong ibinalot ni Rhea sa isang kasuotan.Sa
paglaki ni Zeus, napilit niya ang kanyang amang si Cronus nailuwa
ang kanyang mga kapatid. Nagkaroon sila ng kapangyarihansa
buong sanlibutan. Sa pamamagitan ng palabunutan,nakapagtalaga
sila kung sinu-suno ang mamumuno sa iba't ibang mga kaharian.
Naita -laga ni Zeus sa kanyang kapatid na lalaking si
Poseidon(oNeptunosa Romano) ang karagatan. Sa isa paniyang
kapatid na lalaking siHades(oPlutosa Romano) napunta ang daigdig
sa ilalim ng lupa o daigdig ng mga patay.Nang maging Hari ng mga
Diyos si Zeus, pinagharian niya ang lahat ng iba pang mga diyos at
mga tao mula sa kanyangpalasyong nasa itaas ngBundok ng
Olimpo, at nauupo sa isang ginintuang tronong may palamuting
mga batong hiyas. Mayroon

ding nakapatong na isang koronang yari sa


dahon ng mgalaurel sa ibabaw ng kanyang ulo.
Natatanging mensahero niya ang agila.Tinagurian din siyang Diyos ng Katarungan at Diyos
ng mga Panunumpa (o mga Pangako) at
Hospita- lidad. Wala nang iba pangmas hiigit na
maka- pangyarihan kay Zeus, maliban na
lamang sa mga Kapalaran. Walang magagawa
si Zeus kapag pinagpasyahang kuhanin ng Mga
Kapalaran ang buhay ng isang tao, gayundin
kung nakapili na ang mga ito kung sino ang
magwawagi sa isang digmaan.

HERMES
Batay sa mitolohiya, si Hermes ang itinalaga at sinugo ni
Zeus upang maibalik si Persephone mula sa kaharian ni
Hades na nasa Mundong Ilalim. Iniutos ito sa kanya ni
Zeus dahil nakapagdurulot na ng kapinsalaan ang
pagdaralam- hati ni Demeter ina ni Persophene. Naging
taglamig na may yelo o niyebe ang kalungkutan ni
Demeter dahil sa pagkawala ng anak na babae. Bagaman
napapayag ni Hermes si Hades na pakawalan
angkanyang reynang si Persephone, anim na buwan
lamang nakadalaw si Persephone sa mundo, dahil
nakakain na siya ng ilang buto ng mga pomegranatang
inialok sa kanya dati ni Hades.Kapag kinain ng isang
nilalang ang lahat ng buto ng mga pomegranatang alok
ni Hades ang isang nilalang, kalimitang hindi na ito
makakaalis mula sa madilim

na kaharian ni Hades. Dahil


sakasunduang ito, nakangingiti ang
ina ni Persephoneng si Demeter sa
mundo tuwing tagsibol at tag-init o
tag-araw, dahil anim nabuwan
niyang nakakapiling ang anak na
babae. Subalitmalulungkot na naman
sa loob ng anim na buwan na dapat
manatilisi Persephone sa piling ni
Hades, kaya't mayroong
panahongtaglagas na sinusundan ng
taglamig na may yelo.

ACHILLES

Si Achilles, ay isangGriyegongbayani ngDigmaang


Trohano, atpangunahing tauhang mandirigma sa Iliad
ani Homero. Siya anglalaking anak ni Peleusat ng
nereid na si Thetis. Mayroon siyanganak na lalaki
mula sa pakikipag-ugnayan niya kayDeidamea,
nanagngangalang Neoptolemus. Isa sa mga
katangian ni Achilles ang pagiging pinakakakabighabighaning sa mga lalaking bayaningtinipon laban
sTroya, at siya ring pinakamagiting at
pinakamagaling. Noong sanggol pa lamang si
Achilles, nalalaman na ng kanyang inana isa siya sa
mga mandirigmang ipadadala sa Digmaan ng Troya.
Nababatid niyang mamamatay ito sa labanang iyon.
Ninais ng inaniya na mapunta si Achilles sa dIgmaan.

Kaya't isinawsaw siya ngkanyang ina saIlog ng


Styxupang mapananggalang ang katawanni
Achilles mula sa lahat ng anumang pagkasugat.
Tinanganan siyang kanyang ina sa isang
sakong, kaya't tanging aang ibang mgabahagi
lamang ng kanyang katawan ang nababad sa
tubig ng Ilog ng Styx. Tanging isang sakong
lamang ni Achilles ang walangpruteksyon laban
sa mga sandata. Sa kabila ng ginawang ito
ngkanyang ina, nagpasiya pa rin si Achilles,
noong malaki na siya, na maki- lahok sa
digmaan sa Troya. Sa huli, napatay siya nang
tamaan ngpalasoniParisang sakong ni Achilles.

ARTEMIS
Si Artemis ay isang diyosa ng pangangaso at ng mga maiilap
atmababangis na mga hayop samitolohiyang Griyego.
Kapatid atkakambal siyang babae niApollo. Kilala siya
sapangalang Dianasamitolohiyang Romano. Dahil sa
pagkakaugnayni Apollo saaraw, kalimitang itinuturing o
ikinakabit si Artemis sa"buwan" at bilang ang diyosa ng
buwan napinangalanang Selene o Selenasa Griyego o Luna
saRomano. Samitolohiyang Etruskano, binabaybay ang
pangalanniya bilang Artumes.Batay sa mga paglalarawan sa
kaniya, mayroon siyang hawak nabalingkinitangpanana
binabalahan ng ginintuang mgapalaso.Dahil nga diyosa siya
ng paninila, mabilis ngunit may kayumiansiya sa pagkilos.
Mahal niya ang mga kagubatan. Paborito niyaangusaat
nagbibigay din ng pagkalinga sa iba pang mgamababangis at
maiilap na mga hayop. Siya rin ang tinaguriangdalagang
diyosang nagsasanggalang o nagbibigay ng pruteksiyonsa
mga kabataan ng mundo.

HERA
Si Hera ay ang kapatid na babae at asawa niZeus, ayon sa
mitolohiyang Griyego. Siya ang Reyna ng mga diyos, at tinaguriang diyosa ng kasalo sa pakikipag-isang-dibdib.Madalas na
ikagalit at ipagselos ni Hera ang palagiangpagkakaroon ng
pakikipag-ugnayan ni Zeus sa ibang kababaihang mga diyosa
at tao, na nagkakaroon ng mga supling dahil kay Zeus.
Inalalayan niya ang mgaGriyegosakanilang pakikipagdigma
laban sa mgaTroyano.Tinatangkilik niya ang mga lungsod ng
Misenea,Isparta,atArgos. Tinatawag siyang Juno o Huno sa
mitolohiyang Romano.Sa mitolohiyang Etruskano, siya si
Uni.Nangangahulugang ang katawagang Hera para sa
kaniyang "luningning ng kalangitan" o "dilag"Bukod sa mga
lungsod, may paborito rin siyang mga hayop: ang paboreal at
ang baka.Bilang Reyna ng mga diyos, katangian niya ang
kagan- dahan at pagiging mapagmalaki. Nagsusuot siya ng
ginintuang mga sandalyas, at may ginintuang trono.

Ang Diyosa ng Pag-ibig at si Adonis

Ayon sa mitolohiyang Romano, noon ay may napakagan


dang diyosa na nagngangalang Venus. Siya ay matuwain at
mapagmahal sa bata. Lagi niyang kalaro ang kanyang anak
na si Kupido. Salahat ng oras ay nakasukbit sa balikat ni
Kupido ang kanyang busog at palaso. Kapag tumimo sapuso
ng isang tao ang palaso ay natututong umibig ito.Minsan sa
kanilang paglalaro ay di sinasadyang tinamaan ni Kupido si
Venus. Nag-alala ang anakat kinalma ang kalooban ni Venus.
Naunawaan ng ina angnangyari at nagsabing sa Lupa na
langsiya magpapagaling.Nagpasya si Venus na pumunta sa
Daigdig upang doon magpagaling ng sugat. Pagdating
niyaroon ay isang ubod ng kisig na lalaki ang kanyang nakita.
Yaon si Adonis na hilig ay pangangaso.Halos araw-araw ay
magkasama sina Venus at Adonis sa gubat. Sa bandang huli,
naging hilig narin ni Venus ang panghuhuli ng mga hayop sa
gubat. At

tuluyan silang naging magkatipan.Isang araw, nagpaalam si


Venus sa kasintahan na uuwi muna sa Bundok Olimpos
upang dalawinang anak at ang iba pang diyos at diyosa.
Mag-iingat ka, Adonis, baka mapahamak ka sapangangaso
habang ako ay wala, paalala ni Venus.Palibhasa ay hilig at
likas talaga sa kanya ang pangangaso, hindi napigilan ni
Adonis na pumuntasa gubat at manghuli ng baboy-ramo. Sa
kasamaang-palad, nanlaban ang nasabing hayop at siyaay
nilapa. Wala nang lakas si Adonis nang tigilan ng hayop.
Nalaman ni Venus ang nangyari at nagmamadali itong
bumalik sa Daigdig. Inabutan niyang naghihingalo ang
kasintahan. Tumangis siya sa sobrang lungkot sa pagpanaw
ng katipan.Ginamit niya ang kanyang kapangyarihan at
ginawa niyang napakagandang bulaklak ang dugong
tumapon sa kanyang kasintahan. Mula noon, ang mga rosas
ay sinasabing ang dugo ni Adonis na simbolo ng
pagmamahal.

You might also like