You are on page 1of 4

ARALIN 1: Mitolohiya

Mga Inaasahang Bunga:


1. Naipapahayag ang mahalagang kaisipan/pananaw sa napakinggan, mitolohiya.
2. Naiuugnay ang mga mahahalagang kaisipang nakapaloob sa binasang akda sa
nangyari sa : sariling karanasan, pamilya, pamayanan, lipunan, daigdig.
3. Natutukoy ang mensahe at layunin ng nabasang isang mitolohiya.

Paksa/ Talakayan

Ano ang Mitolohiya?


Ang mito ay nagmula sa salitang Griyego na mythos, nangangahulugang “kuwento” o
“salita”. Ito ay matandang kwentong bayan na karaniwang tungkol sa mga Diyos at diyosa,
bathala, o mga anito. Tungkol din ito sa pagkakalikha ng daigdig, pinagmulan ng mga tao at
pagsamba ng mga tao sa kanilang diyos.
Ang mitolohiya ay isang koleksyon ng mga alamat o kuwento tungkol sa isang
partikular na tao, kultura, relihiyon, o anumang grupo na may mga ibinahaging paniniwala.
Ang isang mitolohiya ay isang kuwento tungkol sa mga lumang panahon, madalas na
nagtatampok ng mga sobrenatural na mga character, at mga alamat na may kaugnayan sa
bawat isa. Ang mga mitolohiyang Griyego ay puno ng mga kwento tungkol sa mga ugnayan
sa pagitan ng mga diyos at mga tao. Sinasabi na ang Kristiyanong mitolohiya ay ang kwento
tungkol sa paglikha ng Diyos sa Lupa.
Katangian ng Mitolohiya
 Wala silang pilosopiya ng anumang uri
 Wala silang eksaktong oras ng mga kapanganakan ng mga diyos.
Nangangahulugan ito na walang tunay na kasaysayan ang kanilang mga diyos
na naisip.
 Wala silang mga pang-agham na paglalarawan ng anumang uri tungkol sa
paglikha at pagkawasak ng mundo, o pagsilang ng mga kaluluwa.
 Ang bilang ng kanilang mga diyos at mga diyosa ay napakarami.
 Walang tiyak na lugar sa kanilang mga diyos.

Basahin Natin

HERCULES
(Mito mula Gresya)

Aralin 1 Pahina 1 sa 5
Noong unang panahon, sa sinaunang Greece, ay merong batang lalaking
nagngangalang Hercules. Mula noong sanggol pa lamang si Hercules, lahat ay
namangha sa kanyang lakas. Ngunit ang pagiging malakas niya ay isang problema para sa
kanya, sapagkat nasisira ni Hercules ang anumang nahahawakan niya. Gulat na gulat dahil sa
pagkawasak na naidulot niya, lumaking malungkot at mapag-isa si Hercules. "Kailanman ay
hindi talaga ako babagay sabi ni Hercules kay Amphitrym at Alemene, ang mga mabubuting
tao na nakakita kay Hercules noong sanggol pa lamang siya at ang nagpalaki din sa kanya
bilang sarili nilang anak.

Sa wakas ay ipinaliwanag na ni Amphitrym kay Hercules na siya ay naiiba sa lahat. " Ito ay
ang nakasabit sa iyong leeg noong nakita ka namin,"ang sabi ng matanda habang ibinibigay
niya kay Hercules ang kumikinang na medalyon. "Ito ay ang simbolo ng mga diyos. Nang
dahil sa kagustuhan niyang malutas ang misteryo ng kanyang kapanganakan, naglakbay si
Hercules patungo sa Templo ni Zeus, ang hari ng mga diyos, upang malaman ang mga
kasagutan. Nagulat siya nang biglang nabuhay ang rebulto ni Zeus at ipinaliwanag ni Zeus na
siya ang tunay na ama ni Hercules at ang diyosang si Hera naman ang kanyang ina.

Ipanaliwanag ni Zeus na dinukot at ginawang mortal si Hercules noong sanggol pa


lamang siya. Pagkatapos ay sinabi niya kay Hercules na hindi siya maaaring umuwi. "Ang
mga diyos lamang ang maaaring tumira sa Bundok ng Olympus," ang sabi niya. " Ngunit
kapag mapatunayan mo sa iyong sarili na isa kang tunay na bayani sa lupa, ang iyong
pagkadiyos ay manunumbalik. "Una," sa pagpapatuloy niya, " kailangan mong hanapin si
Philoctetes, ang tagapagsanay ng mga bayani." Binigyan ni Zeus si Hercules ng isang regalo,
isang kabayong may pakpak na nagngangalang Pegasus. Lumipad si Hercules at nakita niya
na rin si Philoctetes, ang Satyr. "Kailangan ko ang tulong mo". Ang sabi ni Hercules kay
Philoctetes. "Gusto kong maging isang bayani, isang tunay na bayani." "Paumanhin, bata."
Ang sabi ni Philoctetes. "Nagretiro na ako."Ngunit isang kidlat galing kay Zeus ang
nagpabago ng isip ni Philoctetes.

Ang pagsasanay upang maging bayani ay napakahirap para kay Hercules kaya kung
minsan ay naiiisip na niyang sumuko. Ngunit sa huli, kahit na mahirap, ay hindi siya sumuko
at ipinagpatuloy niya ang pagsasanay upang maabot niya ang kanyang layunin. Sa wakas ay
sinabi na ni Philoctetes na handa na si Hercules sa una niyang pagsubok, sa malaking siyudad
ng Thebes. "Kung makakapunta ka sa Thebes, maaari ka na ring pumunta kahit saan." ang
sabi ni Philoctetes. Sa kanilang daan papunta sa Thebes, nakita ni Philoctetes at Hercules ang
magandang babae na nagngangalang Megara, na kasalukuyang hinahabol ng isang Centaur.
Kumaripas si Hercules upang iligtas si Megara. Pagkatapos matalo ni Hercules ang Centaur
ay nagpakilala si Megara sa kanya. "Meg ang tawag ng mga kaibigan ko sa akin." ang sabi
niya. "Anong pangalan mo?" Namangha si Hercules sa kagandahan ni Meg kaya hindi siya
makapagsalita ng diretso. "Ako,.. uh... Hercules,"paputul-putol na sabi ni Hercules. "Mas
gusto kong tawagin kang wonder boy" ang sabi ni Meg. Sa kanyang daan pauwi, nakita ni

Aralin 1 Pahina 2 sa 5
Meg si Hades, ang diyos ng mundong ilalim, at ang mga alalay nito na sina Pain at
Panic. Sinabi ni Meg na may nakilala siyang nagngangalang Hercules. Hercules!
Nagalit si Hades ng narinig niya ang pangalan. Siya ang nag utos kina Pain at Panic upang
tapusin si Hercules noon dahil si Hercules lamang ang makapipigil sa masamang si Hades sa
pagsakop sa Olympus.

Si Hades ay nagsimula na namang sirain si Hercules ulit. Ginamit niya si Meg upang
lokohin si Hercules sa pagpapalabas ng nakakatakot na halimaw na tinatawag na Hydra.
Ngunit natalo ni Hercules ang Hydra at pati narin ang mga halimaw sa ipinapadala ni Hades.
At sa bawat panalo ay naging sikat si Hercules. Kahit na naging sikat si Hercules ay nanatili
siyang mortal at hindi pa siya maaaring tumira sa Olympus. Tinanong ni Hercules si Zeus
kung bakit hindi parin siya makauwi sa Olympus. "Paumanhin ngunit ang pagiging kilala ay
hindi katulad ng pagiging tunay na bayani."sagot ni Zeus. "Kailangan mo itong hanapin sa
loob ng iyong puso." Sa huli ay naisip na rin ni Hades na walang sinuman ang mas malakas
upang matalo si Hercules. Gayunpaman, ay naisip ni Hades na meron siyang kahinaan... at
nalaman na rin ni Hades ang kasagutan. Si Meg ang kahinaan ni Hercules. Kaya ginawa
niyang bilanggo si Meg.

Hindi kayang makita ni Hercules na nakakadena si Meg kaya pumayag siya sa isang
kakaibang kasunduan, Isusuko niya ang kanyang lakas sa isang araw kapag papalayain ni
Hades si Meg. "Ligtas si Meg" pumayag si Hades. "Kapag nasaktan siya, ay manunumbalik
ang iyong lakas."Pinakawalan ni Hades ang mga masasamang Titan mula sa mga hukay kung
saan sila ikinulong ni Zeus. Pagkatapos ay inutusan ni Hades si Cyclops, ang halimaw na
may iisang mata lamang, upang tapusin si Hercules. Kung wala ang makapangyarihang lakas
ni Hercules ay wala talaga siyang kalaban-laban sa Cyclops, ngunit dahil sa pagbibigay ng
lakas ng loob ni Phil, ay natalo ni Hercules ang halimaw. Si Meg ay nasaktan dahil iniligtas
niya si Hercules sa nahuhulog na bato. Totoo nga ang pangako ni Hades, sa oras na masaktan
si Meg ay manunumbalik ang lakas ni Hercules.

Hindi gustong iwan ni Hercules ang malubhang sugatan na si Meg, ngunit kinumbinsi
siya nito na tulungan niya ang kanyang ama upang pigilan si Hades. Pumunta si Hercules sa
Bundok ng Olympus at nakita niyang nakagapos ang mga diyos at si Zeus naman ay hindi
makaalis sa bundok ng matigas na lava. Gamit lamang ang kanyang mga kamay ay sinira
niya ang lava at pinakawalan ang kanyang ama. Nagtulungan sila upang matalo ang mga
Titan.

Alam ni Hades na ang kanyang plano upang sakupin at pagharian ang Olympus na
sira na. Kaya sa pagbalik niya sa mundong ilalim, pinagsamantalahan niya ang panahon
upang sabihin kay Hercules na mamamatay na si Meg. Nagmadali si Hercules na balikan si
Meg, ngunit ang kanyang kaluluwa ay napahiwalay na sa kanyang katawan. Nagmadali si
Hercules na pumunta sa mundong ilalim, at doon niya nakita ang kaluluwa ni Meg na

Aralin 1 Pahina 3 sa 5
nakalutang sa hukay na puno ng mga kaluluwa. "Dalhin mo ako sa kinalalagyan ni
Meg!"ang sabi ni Hercules kay Hades.

Ang kagustuhang pagligtas ni Hercules kay Meg kahit na buhay niya pa ang kapalit
ay siyang gumawa sa kanya bilang isang tunay na bayani. Sa kanyang pagbabalik sa bundok
ng Olympus, binigyan ng bayaning pagbati si Hercules. Ngunit sa huli ay alam na niya kung
saan talaga siya nararapat, sa lupa kasama ni Meg, kung saan kasama silang mabubuhay ng
masaya magpakailanman.

Gabay na mga tanong:

1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento? Ilarawan siya.

2. kung ikaw si Hercules, gagawin mo rin ba ang sakripisyo na ginawa niya kay Meg
para sa iyong minamahal sa buhay? Bakit?

3. Ano ang kaya mong isakripisyo para sa iyong pamilya o minamahal sa buhay?
Ilahad.

Aralin 1 Pahina 4 sa 5

You might also like