You are on page 1of 15

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon I
Sangay ng Ilocos Sur

SARILING LINANGAN KIT


SA FILIPINO 10
PAMAGAT NG ARALIN:
MITOLOHIYA

Kuwarter 1 MELC NO. 1

MELC: Naipapahayag ang mahahalagang kaisipan/


pananaw sa napakinggang mitolohiya.
(F10PN-Ia-b-62)

CYNTHIA T. VALENCIA
San Juan National High School
KUWARTER 1
0
SARILING LINANGAN KIT 1
BILANG (MELC NO.)

TUNGKOL SA SARILING LINANGAN KIT

Ang Sariling Linangan Kit o Self-Learning Kit (SLK) na ito ay isang


pandagdag na kagamitan na makatutulong sa iyo sa panahon ng krisis na dulot ng
COVID-19. Sa tulong ng kagamitang ito, makakapag-aral at matututo ka kahit nasa
bahay. Ang SLK ay nagtataglay ng iba’t ibang pagsasanay at gawain na tiyak
makatutulong sa pag-unawa sa pinag-aaralang paksa.
Sa pamamagitan nito, patuloy pa rin ang pag-aaral at pag-imbak ng mga
kaalaman kahit hindi pumapasok sa paaralan. Sa panahon na ito, nariyan ang iyong
mga magulang o pamilya na tutulong at gagabay upang maisakatuparan nang
maayos ang mga gawain na naihanda para sa iyo.
Siguradong magsasaya ka at masusukat ang iyong kahusayan sa pagsagot
sa mga gawain at pagsasanay. Ito ang magsisilbing kaibigan mo, kaagapay sa pag-
aaral na magbibigay ng sapat na impormasyon at kaalaman sa mga araling dapat
matutuhan. Pakatandaan na lahat ng sagot sa bawat gawain/pagsasanay ay ilalagay
sa kuwaderno.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO

Naipapahayag ang mahahalagang kaisipan/ pananaw sa


napakinggang mitilohiya. (F10PN-Ia-b-62)

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Natutukoy ang mga kaisipang nabanggit sa akda.
2. Nakapagbibigay ng mahahalagang kaisipan mula sa
kuwentong binasa.
3. Naisusulat ang mga kaisipang dapat matutuhan sa mga
naoobserbahan sa lipunan na may kaugnayan sa akda.

1
PAGTALAKAY SA ARALIN

PAGGANYAK/PAGBABALIK-ARAL

Karaniwan na sa ating mga tao ang humanga sa


magagandang babae. Mapatutunayan ito ng pakahilig nating
manood ng mga beuty pageant at pumili ng ating kandidata.
Sa dami ng magagandang babae sa mundo, sino sa palagay
mo ang nagtataglay ng halos perpektong kagandahan?
Bago mo pag-aralan ang nakatakdang aralin ngayon,
may gawain ka munang tatapusin. Simulan na ! Siguradong
masisiyahan ka.

Panuto: Isulat sa hugis puso ang pangalan ng taong alam mong may perpektong
kagandahan. Pagkatapos sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Bakit mo nasabing maganda nga ang babaeng isinulat mo ang pangalan sa hugis
puso?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
______________________________________________________________.

Sinasabing ang kagandahan ay nakadepende sa mata ng taong tumitingin. Madalas,


hindi lang pisikal na kagandahan ang basehan at pagsasabing “maganda” ang isang
tao. Sa iyong pananaw, ano-ano ang mga katangian ng isang taong tunay na
“maganda” ? Maglahad ng tatlo.
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2
______________________________________________________________
\ MAIKLING PAGTALAKAY

Binabati kita at nakapagbigay ka ng isang halimbawa ng


tunay na kagandahan. Mahalaga na malaman mo kung ano
ang tunay na kahulugan ng salitang “maganda”. Kaya ngayon,
pag-aaralan mo ang isang aralin na makapagpapaunawa sa
mga bagay na kinagisnan, kultura ng isang lugar at
matutunghayan mo ang isang kuwento na may kinalaman sa
kagandahan.

ARALIN
MITOLOHIYA

Ang mito o mitolohiya ay galing sa salitang Latin na mythos


at mula sa Greek na muthos, na ang kahulugan ay kuwento. Ang
muthos ay halaw pa sa mu, na ang ibig sabihin ay paglikha ng tunog
sa bibig.

Ang mitolohiya ay mga kwentong tinatampukan ng mga diyos at


diyosa. Karaniwang paksa ng iba’t ibang mitolohiya ang pag-ibig ,
pakikipagsapalaran, pakikidigma at pagpapakita ng iba’t ibang
kapangyarihan ng mga nasabing nilalang.

Ipinapakita rin dito, hindi lamang ang taglay nilang


kapangyarihan kundi ang kanila ring pamumuhay bilang ordinaryong
tao na minsa’y nagkakamali at nagpapakita ng kahinaan tulad ng mga
mortal. Hindi matukoy ang tiyak na panahon kung kailan umusbong at
lumaganap ang mitolohiya subalit pinaniniwalaang ito’y nangyari nang
ang mundo ay musmos pa at ang mga tao’y may bukas na paniniwala
sa mga bagay na mahirap ipaliwanag.

Ang mito naman sa Pilipinas ay kinabibilangan ng mga


kuwentong-bayan na naglalahad ng tungkol sa mga anito, diyos at
diyosa, mga kakaibang nilalang, at sa pagkagunaw ng daigdig noon.
Maaaring matagpuan ang mga mitong ito sa mga kuwentong-bayan at
epiko ng mga pangkat-etniko sa kasalukuyan. Mayaman sa ganitong
uri ng panitikan ang mga naninirahan sa bulubundukin ng Luzon,
Visayas, at Mindanao.

3
Ang mitolohiya ng mga taga-Rome ay kadalasang tungkol sa politika, ritwal,
at moralidad na ayon sa batas ng kanilang diyos at diyosa mula sa sinaunang
taga-Rome hanggang ang katutubong relihiyon ay mapalitan na ng Kristiyanismo.
Kabayanihan ang isang mahalagang tema sa mga kuwentong ito. Itinuring ng mga
sinaunang taga-Rome na nangyari sa kanilang kasaysayan ang nilalaman ng mga
mito kahit ang mga ito ay mahimala at may elementong supernatural.

Ang kanilang mitolohiya ay hinalaw mula sa Greece na kanilang sinakop.


Labis nilang nagustuhan ang mitolohiya ng bansang ito, kaya inangkin nilang
parang kanila at pinagyaman nang husto. Ang ilan ay binihisan nila ng ibang
katangian. Lumikha sila ng bagong mga diyos at diyosa ayon sa kanilang
paniniwala at kultura.

Gamit ng Mitolohiya

1. Ipaliwanag ang pagkakalikha ng daigdig.

2. Ipaliwanag ang puwersa ng kalikasan.

3. Maikuwento ang mga sinaunang gawaing pangrelihiyon.

4. Magturo ng mabuting aral.

5. Maipaliwanag ang marubdob na pangarap, matinding takot, at pag-asa ng


sangkatauhan.

4
* Bago basahin ang isang halimbawa ng mitolohiyang pinamagatang “ Cupid at
Psyche” mabuting makilala muna ang 12 pinakadakilang diyos at diyosa ng
Mitolohiya ng Rome at Greece na kinilala rin sa tawag na The 12 Great Olympian
Gods.

Greek Roman Katangian at Kapangyarihang Taglay

1. Jupiter Zeus hari ng mga diyos; diyos ng kalawakan at


panahon
-tagapagparusa sa mga sinungaling at hindi
marunong tumupad sa pangako
-asawa niya si Juno
-sandata niya ang kulog at kidlat
2. Hera Juno -reyna ng mga diyos
-tagapangalaga ng pagsasama ng mag-asawa
-asawa ni Jupiter
3. Hades Pluto -kapatid ni Jupiter
-panginoon ng impiyerno
-alagang aso ay si Cerberus
4. Ares Mars -diyos ng digmaan
-duwitre ang ibong maiuugnay sa kaniya
5. Apollo Apollo -diyos ng propesiya, liwanag, araw, musika, at
panulaan
-diyos din siya ng salot at paggaling
-dolphin at uwak ang kaniyang simbolo

6. Athena Minerva -diyosa ng karunungan, digmaan, at katusuhan


-kuwago ang ibong maiuugnay sa kaniya

7. Artemis Diana -diyosa ng pangangaso, ligaw na hayop, at ng


buwan
8. Vulcan -diyos ng apoy, bantay ng mga diyos
Hephaestus

9. Hermes Mercury -mensahero ng mga diyos, paglalakbay,


pangangalakal, siyensiya, pagnanakaw, at
panlilinlang

10.Aphrodite Venus -diyosa ng kagandahan, pag-ibig


-kalapati ang ibong maiuugnay sa kaniya

11.Hestia Vesta -kapatid na babae ni Jupiter


-diyosa ng apoy mula sa pugon

12.Poseidon Neptune - Hari ng karagata

5
Basahin at unawain ang isang halimbawa ng mitolohiya.

CUPID AT PSYCHE  

Noong unang panahon mayroong isang hari na may tatlong anak na babae. Isa si
Psyche sa tatlong magkakapatid at siya ang pinakamaganda sa mga magkakapatid. Sa
sobrang ganda ni Psyche ay talaga namang maraming umibig sa kanya. Sinasabi rin na
kahit ang diyosa ng kagandahan na si Venus ay hindi kayang tumapat sa gandang taglay ni
Psyche. Ikinagalit ito ni Venus at mas lalo pang nakapagpagalit sa kanya ay nakalimot na rin
ang mga kalalakihan na magbigay ng alay sa kanya, maging ang kanyang templo ay
napabayaan na. Ang dapat sana na atensiyon at mga papuri na para sa kanya ay napunta
sa isang mortal.

Dahil dito, nagalit si Venus at inutusan niya ang kanyang anak na si Cupid upang
paibigin si Psyche sa isang nakatatakot na nilalang, ngunit ang nangyari ay ang
kabaligtaran. Si Cupid ang umibig kay Psyche na tila siya ang nabiktima ng sarili niyang
pana. Inilihim ito ni Cupid sa kanyang ina, at dahil sa kampante naman si Venus sa kanyang
anak hindi na rin ito nag-usisa.

Hindi umibig si Psyche sa isang nakakatakot na nilalang, ngunit wala ring umibig sa
kanya. Kahit na sobra ang pagmamahal ng mga ginoo kay Psyche ay sapat na sa kanila ang
nakikita lang nila ang dalaga. Samantalang ang kanyang dalawang kapatid ay nakapag-
asawa na ng hari. Naging malungkot si Psyche sa mga nangyayari. Kaya naglakbay ang
amang hari ni Psyche upang humingi ng payo kay Apollo upang makahanap ng mabuting
lalaking makakabiyak ng kanyang anak. Hindi alam ng amang hari na naunahan na siya ni
Cupid upang hingin ang tulong ni Apollo kaya sinabi ni Apollo sa hari na makakapangasawa
ng isang nakakatakot na halimaw ang kanyang anak at kailangan nilang sundin ang
kanyang ipapayo. Nang nagawa na ng amang hari ang lahat ng ipinayo ni Apollo. Ipinag-
utos niyang bihisan si Psyche ng pinakamaganda niyang damit. Pagkatapos mabihisan si
Psyche, ipinabuhat ng hari ang anak na parang ihahatid sa kaniyang libingan papunta sa
tuktok ng bundok. Nang makarating sa bundok na paroroonan naghintay ang magandang
dalaga sa kanyang mapapangasawa. Walag kamalay-malay ang magandang dalaga na ang
kanyang mapapangasawa ay ang diyos ng pag-ibig na si Cupid.

Naging masaya naman ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Mahal na


mahal nila ang bawat isa ngunit may isang bagay ang hindi masilayan ni Psyche, ang
mukha ng kanyang kabiyak. Nangako si Psyche sa kanyang kabiyak na kahit kailan ay hindi
niya sasabihin sa mga kapatid niya na hindi pa niya nasisilayan ang mukha ng kanyang
asawa, ngunit ang mga kapatid pala ni Psyche ay may masamang binabalak at sa
pangalawang pagbisita ng mga ito kay Psyche sinulsulan nila ito na suwayin ang kondisyon
ng kanyang asawa.

Sa unang pagkakataon ay nasilayan niya ang napakaguwapong mukha ni Cupid


ngunit ito ay muntik ng ikamatay ni Cupid dahil sa isang aksidente .Nang malaman ito ni
Venus ay lalo itong nagalit kay Psyche at ito ay pinahirapan niya ng husto. Iba’t ibang mga
pagsubok ang ipinagawa niya kay Psyche subalit nalagpasan itong lahat ni Psyche at ‘di
naglaon ang pag-ibig (Cupid), at kaluluwa (Psyche) ay nagkatagpo sa likod ng mapapait na
pagsubok sa kanilang pagsasama ay hindi na mabubuwag kailanman.

6
Ayan, alam kong naintindihan mo ng maayos ang iyong pinag-
aralan. Kaya naman, simulan mo ng sagutin ang mga
sumusunod na gawain upang mas maunawan at masukat ang
ISAISIPiyong kakayahan. Isulat sa kuwaderno ang sagot sa gawain.

GAWAIN 1: TSEK O EKIS?


Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang mga kaisipang nakita o nabanggit sa binasa at ekis
(x) naman ang hindi.
1. Si Venus ang diyosa ng kagandahan.
2. Ginawa lahat ni Psyche ang lahat alang-alang sa pagmamahal niya Cupid.
3. Hindi na nag-aalay ng mga bulaklak kay Venus dahil mas maraming
nahumaling sa kagandahan ni Psyche.
4. Hindi nagkatuluyan sina Cupid at Psyche dahil kay Venus.
5. Hindi kailanman basehan ang panlabas na anyo upang sukatin ang
pagmamahalan ng dalawang tao.

GAWAIN 2: TANONG KO, SAGOT MO!

Panuto: Para maipahayag ang mga mahahalagang kaisipan o pananaw mula sa binasa
/napakinggan/napanood na halimbawa ng isang mitolohiya, kailangang sagutin ang mga
sumusunod na katanungan. Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong, isulat ang sagot
sa kuwaderno.

1.Ibigay ang mahalagang


ginagampanan ng mga tauhan sa
kuwento.

2. Ano ang pagkakamaling ginawa ni


Psyche na nagdulot ng mabigat na
suliranin

3. Bakit gayon na lamang ang inggit at


galit ni Venus kay Psyche?

7
4. Bakit itinago ni Cupid ang tunay niyang
pagkatao kay Psyche?

5. Bakit sa wakas ay naging panatag na


ang kalooban ni Venus na maging
manugang si Psyche?

6. Bilang isang diyosa, ano ang hindi


magandang katangian ni Venus?
Ipaliwanag.

7. Sa tingin mo, ano ang nagagawa ng


tunay na pag-ibig?

8. Sa mundong ating ginagalawan


ano, ang nais ipahiwatig ng kuwento
sa mga mambabasa?

9. Maglahad ng tatlong dahilan kung


bakit pinag-aaralan ang mga
mitolohiya?

10. Sa binasang kuwento ano- ano ang


mga naging pananaw mo tungkol sa
wagas na pag-ibig? At paano
nababago ang ugali ng isang tao?

8
GAWAIN 3: Kaisipan Ko, Isusulat Ko !

Panuto: Magpahayag ng ilang mahahalagang kaisipang taglay ng akda batay sa


sumusunod na mga katangian.
1. Magpahayag ng dalawang kaisipan mula sa binasa patungkol sa nagagawa
ng tunay na pag-ibig.
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________

2. Magpahayag ng malinaw na halimbawa patungkol sa pagiging maawain at


mapagbigay.
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________

3. Magbigay ng kaisipan mula sa binasa kung paano maipapakita ang


pasasalamat nang taos-puso.
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________

4. Magbigay ng kaisipan mula sa akda kung bakit nagkakaroon ng inggit sa


puso ng tao.
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________

5. Magbigay ng kongkretong karanasan kung paano mararamdaman ang tunay


na pag-ibig.
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________

9
PAGLALAGOM

Mga konseptong kailangan isaisip na paksang ito.

 Ang kuwentong Cupid at Psyche na isang halimbawa ng


mitolohiya na nag-iwan ng magandang aral sa lahat lalo na
sa usaping pag-ibig.
 Ang mitolohiyang ito na nagmulat sa lahat na walang
naidudulot ang inggit sa buhay ng isang tao.
 Pinatunayan din sa kuwento na ang tunay na pag-ibig na
hindi nasusukat sa pisikal na anyo kundi nararamdaman ng
tapat at mapang-unawang puso.

APLIKASYON

DEAR DIARY!

Panuto: Isulat ang iyong sagot sa tanong na ito. Sundin ang pamantayan
sa susunod na pahina
Paano makikilala ang isang tunay at wagas na pag-ibig? Ano-ano ang maaaring gawin
ng isang tao upang mapatunayang malinis at wagas ang kaniyang pag-ibig?

Pamantayan sa pagsulat 5 4 3 2 1
Nilalaman
-Ang sagot ay may kinalaman sa paksa.
-May kongkretong halimbawa tulad ng karanasan o obserbasyon.

Paggamit ng mga salita


-wastong gamit ng mga salita at pagbabaybay
-Maayos ang pagkakabuo ng mga pangungusap.
Hikayat
-May sariling istilo sa pagsagot/ paglalahad ng mga kaisipan at
pananaw.

10
PAGTATAYA

I. Panuto: Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa kuwaderno.


__________1. Ito ay isang uri ng kuwento na tinatampukan ng mga diyos at diyosa.
A. kuwentong bayan B. maikling kuwento
C. mitolohiya D. nobela
__________2. Ano ang ibig sabihin ng salitang Latin na mythos?
A. diyos B. diyosa
C. kuwento D. panahon
_________3. Ano ang ibog sabihin ng muthos na halaw sa mu ?
A. kuwento B. paglikha ng tunog sa bibig
C. panahon D. pasasalita ng diyos at diyosa
_________4. Ano ang pamagat ng kuwento na tumatalakay sa pagmamahalan na
pinatunayan na hindi panlabas na anyo ang sukatan ng tunay na pag-ibig.
A. Ang Kuba ng Notre Dame B. Ang Kuwintas
C. Cupid at Psyche D. Si Damon at si Pythias
_________5. Sino ang diyosa ng kagandahan sa kuwentong Cupid at Psyche?
A. Cupid B. Eros
C. Psyche D. Venus
II. TAMA o MALI. Isulat sa kuwaderno ang HUREY kung ang pahayag o
pangungusap ay tama, at HEPHEP kung ang pahayg ay mali.
____________1. Ang mitolohiya ng mga taga-Rome ay kadalasang tungkol sa
politika, ritwal, at moralidad.
____________2. Kabayanihan ang isang mahalagang tema sa mga kuwento tungkol
sa diyos at diyosa.
____________3. Ang mga tauhan sa mitolohiya ay ordinaryong tao.
____________4. Ang gamit ng mitolohiya ay ipaliwanag ang pagkakalikha ng
daigdig.
____________5. Ang mga kuwento ay walang aral na ang elemento nito ay
supernatural.
III.Panuto: Maglahad ng isang sitwasyon, karanasan, naobserbahan sa
paligid/lipunan o kuwento ng mga kakilala kung saan nakita mo ang tunay na pag-
ibig. Isulat ang sagot sa kuwaderno. Basahin ang pamantayan sa susunod na

pahina.
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
Pamantayan

Batayan Puntos

Nakapagbigay ng angkop na sitwasyon tungkol sa pinag-aaralan 5

Nakapagbigay ng malinaw na kaisipan. 5

KABUOAN 10

11
SANGGUNIAN

Marasigan, Emily V., Del Rosario, Mary Grace G. and Dayag,


Alma M. Pinagyamang Pluma 10. Phoenix Publishing House Inc.,2016

Locano, Diana Gracia L., Ipong-Maida L., and Royo, Jean L., Parola 10.
JO-ES Publishing House, Inc. 2015

Google. “Cupid at Psyche”. Nakuha noong Mayo 14, 2020,


sa https://brainly.ph/question/122204

12
SUSI SA PAGWAWASTO

MGA MAAARING SAGOT SA GAWAIN 1

1. /
2. /
3. /
4. X
5. / AGOT

MGA MAAARING SAGOT SA GAWAIN 2

1. a. Venus- siya ang diyosa ng kagandahan na sinasamba at inaalayan ng mga


bulaklak sa templo. Siya ang ina ni (Eros) Cupid sa kuwento.
-Siya rin ang nagbigay ng pagsubok kay Psyche dahil sa nangyari sa kanyang
anak na si Eros. At isa siyang diyosa na naiinggit kung may mas magandang
babae kaysa sa kaniya.
b. Cupid (Eros) –Siya ang napangasawa ni Psyche at tumulong sa kanya sa panahon
ng pagsubok.
c. Pysche- Siya ang pinakamagandang dalaga sa lugar nila at halos nanliligaw lahat
ng mga kalalakihan sa kaniya dahil sa taglay niyang kagandahan.
- Siya rin ay isang babaeng kakikitaan ng ugaling kayang gawin ang lahat
alang-alang sa pag-ibig.
2. Sa paghahanap niya ng tunay na pag-iibig na hindi ibinabase sa kaniyang panlabas na
itsura.
3. Dahil lahat ng mga kalalakihan ay hindi na nag-aalay ng mga bulaklak sa kaniyang
templo at ang atensiyon ng mga kalalakihang ito ay kay Psche dahil siya ay maganda.
4. Itinago niya ang tunay niyang pagkatao kay Psyche upang malaman at mapatunayan
kung totoo ang pagmamahal niya kahit hindi niya nakikita ang kaniyang panlabas na
anyo.
5. Dahil napatunayan niya na si Psyche ay handang gawin ang lahat para sa kaniyang
anak, kahit gaano pa ito kahirap, kadelikado alang-alang sa pagmamahal niya kay
Eros (Cupid).
6. Ang pagiging mainggitin sa iba. Bilang isang diyosa ng kagandahan huwag sana
siyang mainggit kung may mas maganda sa kaniya, bagkus patunayan niya ito na
diyosa siya ng kagandahan sa panloob at panlabas na anyo.
7. Kayang magsakripisyo alang-alang sa minamahal kahit gaano pa ito kahirap.
8. Kahit kailan, hinding- hindi magiging basehan ang pisikal na anyo kapag pag-ibig ang
pinag-uusapan.
9. –Malaman ang tagong kagandahan ng panitikan sa nakaraan.
-Makita ang iba’t ibang kultura na nakapaloob dito.
-Makakuha ng mga gintong aral na magagamit sa pang-araw- araw na pamumuhay.
10. Ang wagas na pag-ibig ay hindi namimili kung sino ang tao para sa iyo. Ito ay kusang
dumarating mararamdahan, matatanggap ka kung sino, ano ka pa man, at kayang ipaglaban
ang inyong pagmamahalan kahit ilang bagyo pa ang dumaan. Nababago ng pag-ibig ang
isang tao sa pamamagitan ng iba’t ibang aspeto ng buhay katulad ng nakagawian, paniniwala ,
prinsipyo at iba pa.MG

13
IN 3

MGA SAGOT SA GAWAIN 1

1.---Kayang umunawa sa isa’t-isa.


--kayang hamakin ang lahat alang-alang sa minamahal.
2. –Kung may kailangan ang iyong minamahal maging materyal man o hindi
dapt ibinibigay ang nararapat para sa kanila tulad ng sapat na oras at
atensiyon.
--Kung nakararamdam ng pagod, problema, kailangang huwag
pagdamutan ang isa’t isa. Kung kailangan magpahinga, mamasyal para
makapagrelax huwag pagdamotan ang isa’t isa.
3. –Tulad ng pagmamahalan ni Cupid at Psyhe, pinasalamatan nila ang isa’t
isa sa pagsukli ng tunay na pagmamahal.
-- Pagiging matapat sa isa’t isa.
4. –Nagkakaroon ng inggit sa puso ng tao dahil hindi ito nakukuntento sa
buhay.
--Naiinggit ang tao dahil pakiramdam niya na nalalamangan ito.
M 5. --Maunawain sa lahat ng bagay.
--Kayang suportahan at samahan sa mga pangarap mo.
SA
GAWAIN 1
.
MGA SAGOT SA PAGTATAYA

I. II.
1.c 1. HUREY
2. c 2. HUREY
3. b 3. HEPHEP
4. c 4. HUREY
5. d 5. HEPHEP

14

You might also like