You are on page 1of 6

ICCT COLLEGES FOUNDATION, INC.

V.V. Soliven Avenue II, Cainta, Rizal

Kolehiyo ng Edukasyon

Banghay aralin sa Filipino 10

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
• Naipahahayag ang mahalagang kaisipan sa napakinggan
• Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda sa nangyayari sa sarili;
pamilya; pamayanan; lipunan; at daigdig
• Naipakilala ang mga tauhan sa paksa at ang kapangyarihan at ugali nito.

II. PAKSANG ARALIN

A. PAKSA: Cupid at Psyche (mito mula sa roma)


B. SANGGUNIAN/KAWINGAN:
https://www.slideshare.net/JenitaGuinoo/aralin-11-cupid-at-psyche C.
KAGAMITAN: Laptop, Speaker, Larawan, Cartolina.

III. PAMAMARAAN

A. PANIMULANG GAWAIN
• Pagbati
• Panalangin
• Pagtatala ng liban
• Pagsasaayos ng silid aralan
• Pagbabalik aral

1. Ang Titans ay ang mga diyos na galling sa Greek na namuno sa mundo bago ang
mga Olympian. Ang unang labin dalawang Titans ay mga anak ng mga orihinal
na diyos na Uranus (Father Sky) at Gaia (Mother Earth).
AKTIBIDAD

- Walang pagibig kung walang tiwala, walang tiwala kung walang magtitiwala,
ganyan kung ilarawan ang ating paksa ngayon, magdidikit ng dalawang larawan
ang guro sa blackboard at sasabihin kung ano napansin nila dito.

ANALISIS

- Magpapanood ang guro ng isang bidyo clip kung saan ay kailangan saliksikin,
pakinggan at unawain ng mga estudyante ang maririnig at makikita nila.
Pagkatapos nila mapanood at mapakinggan ng maiigi hahatiin sa apat na pangkat
ang klase, at ibibigay ang mga nasaliksik tungkol sa bidyo na napanood nila.

MGA SALIK PORSYENTO


Nilalaman 50%
Kooperasyon 50%
D. ABSTRAKSYON

PAGTALAKAY SA PAKSA AT AKDA

LUCIUS APULEIUS MADAURENSIS

- Si Apuleius ay isang manunulat ng prosa na nagsasalita ng Latin, pilosopong

Platonista at retoriko. Siya ay isang Numidian na nanirahan sa ilalim ng Roman

Empire at nagmula sa Madauros. Pinag-aralan niya ang Platonism sa Athens,

naglakbay sa Italya, Asya Minor, at Egypt, at pinasimuno sa maraming mga kulto

o misteryo isang tanyag na klasikong mitolohiya mga kuwento na binubuo ng

isang partikular na relihiyon o paniniwala. Karaniwang tinatalakay ng mga


kuwentong mito ang mga diyos at nagbibigay ng mga paliwanag hinggil sa mga

likas na kaganapan. Nagmula sa panitikan ng Roma sa Italya ang akdang ito na

isinulat ni Lucius Apuleius Madaurensis noong ika-2 siglo upang ipahiwatig sa

mambabasa ang kanyang nais o reaksyon sa isang pangyayari. Ang layunin ng

akda ay upang imulat ang mga mata ng mga mambabasa kung ano nga ba ang

tunay at tapat na pag-ibig. Kaakibat ng pagmamahal ang tiwala at katapatan. Ang

akda ay umiikot sa ideya ng “pag-ibig” at “kaluluwa” na kinakatawan ng mga

pangunahing tauhan na sina Cupid at Pysche. Sinisimbolo nito ang

pagmamahalan sa kabila ng mga pagdadaanan at pinagdaanan. Maaari mang

hindi makaotohanan ang ibang pangyayari sa akda ay ito pari’y nagsasalamin sa

ideya ng pag-big na tumutugon sa sensibilidan ng mambabasa.

KATANUNGAN:

1. Minsan ba ay umibig kana rin at nasaktan?

2. Paano mo nasusukat ang tiwala ng isang tao? Pakipaliwanag.

Cupid at Psyche

Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat

- Isa sa tatlong magagandang magkakapatid si Psyche. Ngunit sa lahat, siya


ang may pinakalutang na kagandahan. Kahit ang diyosang si Venus ay
walang panama sa kaniya. Napabayaan na nga ang diyosa ng mga tao at
hindi na nag-aalay ng bulaklak sa kaniya.
Dahil dito, inutusan nito ang anak na si Cupid na paibigin si Psyche sa isang
pangit na nilalang. Gayunman, si Cupid ang nabighani sa kagandahan ni Psyche.
Imbes na gamitin ang pana para kay Psyche, ay pinabayaan niya lamang itong
mamuhay ng normal at tumaliwas sa utos ng ina. Nang mag-asawa ang mga
kapatid ni Psyche, humingi siya ng payo kay Apollo kung sino ang dapat
mapangasawa niya. Sinabi naman ni Apollo ang mga dapat gawin. Naghanda
sila para sa kasal na gagawin sa bundok. Nauna na palang kausapin ni Cupid si
Apollo kaya naman siya ang itinakdang mapangasawa ni Pysche. Naging
masaya naman ang dalawa kahit may kondisyon si Cupid na hindi maaaring
makita ang kaniyang mukha. Dahil sa kagustuhang malaman ng mga kapatid ni
Psyche ang hitsura ng asawa, tinanggal nila ang maskara nito at tumambad ang
magandang mukha ni Cupid. Nalaman ito ni Venus at binigyan ng pagsubok sina
Psyche at Cupid na nalagpasan naman nila at nagsama sila nang matiwasay.

GABAY NA KATANUNGAN:
1. Sino sinong diyos at diyosa ang nabanggit sa kwento?
2. Patungkol saan ang kwentong cupid at psyche?
3. Paano mo ito maiuugnay sa iyong buhay ang pag-ibig at pagtitiwala?
4. Sino amg itinuturing na Diyosa ng kagandahan?
5. Ano ang pangalan ng anak ni Venus?

E. APLIKASYON

Panuto: Papangkatin ng guro ang klase sa apat na pangkat ang bawat grupo
ay bibigyan ng tig-iisang gawain sa loob ng limang minuto. Matapos ang
itinakdang minuto ay isasagawa nila ang mga gawain na nakatalaga sa
bawat grupo.
UNANG PANGKAT: TULA
- Gagawa kayo ng tula (Malaya) tungkol sa nasabing damdamin sa loob ng kwento.

PANGALAWANG PANGKAT: DULA


- Gumawa ng isang maikling pagsasadula tungkol sa kasukdulan ng kwentong si
cupid at psyche.

PANGATLONG PANGKAT:
- Bumuo ng isang awitin na patungkol sa aral na natutunan sa kwento ng cupid at
psyche.

PANGAPAT NA PANGKAT:
- Gumuhit ng nagpapahayag tungkol sa aral na natutunan sa kwentong cupid at
psyche.

Pamantayang Gawain
Malikhain sa Paggawa 50%
Malinaw na Presentasyon 30%
Kooperasyon ng bawat 20%
Miyembro
Kabuuan 100%

IV. TAKDANG ARALIN


Pumili ng isang diyos o diyosa at ipaliwanag ito, isulat sa kalahating papel
kung bakit siya ang iyong napili.

INIHANDA NI: Darwin C. Escorido


GURONG TAGA-GABAY:
Ms. Oharra Bernadez Ledesma

You might also like