You are on page 1of 46

FILIPINO 1O

Inihanda ni :
MARIEL S. AGNES
Teacher III
MGA PAALALA HABANG NASA LOOB NG KLASE

Patayin ang inyong cellphone habang


nagkaklase upang maiwasan ang interapsyon.
MGA PAALALA HABANG NASA LOOB NG KLASE

Panatilihing bukas ang tainga sa pakikinig sa


talakayan.
Ipamalas ang mabuting pag uugali sa loob ng klase.
LAYUNIN
Natutukoy ang kahulugan ng salita batay sa pagkakabuo
nito.
Nailalahad ang mabisang kaisipan hinggil sa nabasang
mitolohiya.

Naiuugnay ang binasang mitolohiya sa sarili , pamilya at


lipunan.
MITOLOHIYA

nangangahulugang agham o
-

pag-aaral ng mga
mito/alamat.Tumutukoy din ito sa
kalipunan ng mga mito mula sa pangkat
ng tao sa isang lugar na naglalahad ng
kasaysayan ng mga diyos at diyosa.
GAWAIN
PANUTO : Tukuyin ang
ipinapakita ng larawan gamit
ang susing pahayag. Gamitin ang
titik bilang gabay sa pagbuo ng
kanilang pangalan.
Kinikilalang Diyos ng
karagatan.

OIDEPSNO
POSEIDON
Diyos ng kagandahan at
pag-ibig.

H E TAA N

ATHENA
Hari ng mga diyos;
diyos ng kalawakan,
panahon at kidlat.

EUZS
ZEUS
Diyos ng propesiya,
liwanag, araw ,
musika , panulaan.

L L PAO O

APOLLO
MGA DIYOS AT
DIYOSA
Roma
Cupid at
Italya
Italya
Psyche

Isinalin sa Wikang Filipino ni


Vilma C. Ambat
MGA TAUHAN
VENUS –Ina ni Cupid. Nagalit kay
Psyche sapagkat nabaling ang mga
paghanga at pagsamba ng tao na
dating sa kanya sumasamba.
MGA TAUHAN
CUPID – nabighani sa kagandahan ni
Psyche. Bumuo ng plano para mapasa-
kanya si Psyche.
MGA TAUHAN
PSYCHE – pinakamagandang dalaga na
sinamba ng mga tao at diyos.Nabighani sa
kanya si Cupid sa kanyang aking ganda.
MAHAHALAGAN
G PANGYAYARI
Dahil sa kagandahan ni Psyche
nakalimot na ang lalaking mag-alay
at magpuri sa kanilang diyos na si
Venus, dahilan para magalit ito kay
Psyche.

Inutusan ni Venus ang kanyang


anak na si Cupid upang paibigin
ang dalaga sa isang nakakatakot na
nilalang.
Nabahala ang ama ni Psyche
sapagkat wala ni isa mang
magmahal dito kaya nagpunta
ito kay Apollo at humingi ng
payo..

Pinayuhan siya ni Apollo na


bihisan ng pamburol si Psyche
, dalhin sa tuktok ng bundok at
iwanang mag-isa.

Doon susundan siya ng


kanyang mapapangasawa na
isang halimaw.
Dinala siya ng hangin ni Zephyr at inilapag sa
damuhang kasing lambot ng kama at siya’y nakatulog

Nang magising si Psyche ay Nakita niya ang mansiyon


na yari sa pilak at ginto at napapalamutian ng hiyas.

Sa paniniwala ni Psyche, hindi isang halimaw ang


kanyang mapapangasawa kundi isang mangingibig na
matagal na niyang hinihintay.

Nang pumasok siya sa mansiyon ay may narinig siyang


tinig,ngunit hindi niya ito nakita.
Binalaan siya nito na may darating na panganib.

Kinabukasan, narinig ni Psyche ang pagtangis ng


kanyang mga kapatid.. Labis na naantig ang kanyang
damdamin sa kanilang pagluluksa kaya’t nagmakaawa
siya sa lalaking kanyang asawa.

Kinaumagahan , inihatid ni Zephyr ang dalawang


kapatid ni Psyche. Tila walang pagsidlan ng tuwa ang
mga kapatid.

Nakaramdam ng pangingimbulo ang kaniyang mga


kapatid at humantong sa pagpaplano na kanyang
ikapapahamak.
Binuyo nila ang kanilang kapatid at ipinagtapat na
isang halimaw ang kaniyang asawa. Si Psyche ay natakot
kaya humingi siya ng tulong sa mga ito.
Kinagabihan , isinagawa ni Psyche ang kaniyang balak
ngunit ang nakita niya ay isang napakakisig na nilalang.
Dahil dito , bigla siyang nilisan ng lalaki at di na muling
nagpakakita sa kanya.
Hinanap ni Psyche si Cupid. Nalaman agad ito ni Venus
kaya bumuo siya ng mga pagsubok para sa dalaga.
Unang pagsubok , kailangang pagsama-samahin ang
magkakauring buto na magkakahalo sa isang sako.
Ikalawang pagsubok , kumuha ng gintong
balahibo ng tupa sa tabi ng ilog.

Ikatlong pagsubok , Kailangan niyang


mapuno ng itim na tubig ang prasko.

Ikaapat na pagsubok , Kailangan niyang


kumuha ng kagandahan mula kay Proserpina,
ang reyna ng ilalim ng lupa.
Ninais ni Psyche na madagdagan pa ang kanyang
kagandahan kaya natukso siyang buksan ang kahon ng
kagandahan. Nang buksan niya ito tila walang laman
subalit nakaramdam siya ng patinding panghihina at
agad nakatulog.
 Nang gumaling si Cupid, sabik na siyang
makita ang kaniyang asawa ngunit siya
ay kinulong ng kanyang ina.

 Si Cupid ay lumipad patungong kaharian


ni Jupiter upang hilingin na hindi na sila
gambalain pa ng kaniyang ina.

 Nagpatawag ng pagpupulong si Jupiter


kasama si Venus. Ipinahayag niyang
pormal nang kasal si Cupid at Psyche.

 Si Psyche ay pinakain ng ambrosia- ito ay


pagkain upang maging imortal ang isang
tao.
Ang pag-ibig

(Cupid) at kaluluwa
(Psyche) ay
magkatagpo sa likod
ng mapapait na
pagsubok sa
kanilang pagsasama
TANON
G?
Ano ang pagkakamaling
ginawa ni Psyche na
nagdulot ng mabigat na
suliranin sa kaniyang
TANON
G?
Paano ipinakita ang
kahalagahan ng wagas na
pag-ibig sa
akda?
TANON
G?
Bakit itinago ni Cupid ang tunay niyang
pagkatao kay Psyche?
Tugma Ko ,
Hulaan
Mo !
VENU
S
Sa sarili’y nawalan ng tiwala,
Sa ganda ni Psyche’y
nagambala,
Bumuo ng madilim na plano,
Sa huli’y hindi naging
epektibo..
CUPID
Palaso’y makapangyarihan,
Iibig ang sinumang panaan,
Biyaya ko’y kaligayahan,
Sa bawat pusong tinamaan.
SINE-LISIS
Panoorin ang bahagi mula sa fantaseryeng
Encantadia at ilahadang mensahe at kaisipang
nakapaloob dito. Magpahayag ng sarilingopinyon
batay sa paksa ng napanood.
https://www.youtube.com/watch?
v=PC7Q3cg5M1o
4 Pics 1 Word
TIWALA
I TALYA
PAG - I B I G
INGGIT
PAGPAPATAWAD
PANGKATANG GAWAIN
PANGKAT 1 : Suriin ang katangian ni Cupid.
Tukuyin ang kalakasan at kahinaan nito. Gawin
ito sa Manila Paper at ipaliwanag sa harap ng
klase.
KALAKASAN KAHINAAN
PANGKAT 2 : Suriin ang katangian ni
Psyche. Tukuyin ang kalakasan at
kahinaan nito. Gawin ito sa Manila Paper
at ipaliwanag sa harap ng klase.
KALAKASAN KAHINAAN
PANGKAT 3 : Anong katangian ng mga
tauhan ang nais ninyong tularan?

TAUHAN KATANGIANG
NAIS TULARAN
Pangkat 4: Batay sa naunawaang mensahe ng
mitolohiyang Cupid at Psyche..Iugnay ang sarili ,
pamilya o lipunan .

Pa ya
m
il
Mensahe ng Cupid at Psyche
sa
r
i li
PANGKAT 5 : Pagsasalyasay ng karanasan o
sa iba na nagpapakita ng pagsubok ng
katapatan sa minamahal. Paano ito
nakakaapekto sa inyo/kanilang relasyon?
TAKDANG - ARALIN
Sagutin ang tanong :

Kung ikaw si Psyche , tatanggapin


mo rin ba ang mga hamon ni Venus
para sa pag-ibig? Bakit?
REPLEKSYON
•“Hindi mabubuhay ang PAG-
IBIG kung walang
PAGTITIWALA”.
REPLEKSYON
•“Ang Pag-ibig ay matiisin ,
1 Corinto mapagtiwala , puno ng pag-
13:4-8 asa at nagtitiyaga hanggang
wakas.”
Maraming Salamat Po !

You might also like