You are on page 1of 8

PANUNURING PAMPANITIKAN

(Apostol Jr., Kenneth M.)

I. PAMAGAT: CUPID AT PSYCHE


II. MAY AKDA: VILMA C. AMBAT
III. PAGSUSURI

A. NILALAMAN

1. Tema: Pag-ibig

2. Paksa: Pumapatungkol ito sa pagmamahalan ng isang


mortal at isang diyos. Makikita na dahil sa pagmamahalan,
nakakayang magsakripisyo at ibigay ang lahat upang
mapaligaya at mapunta sa mabuting kalagayan ang minamahal.

3. Tauhan:

PSYCHE

Isa sa mga pangunahing tauhan at bida nang


kwento. Si psyche ay isa sa tatlong anak nang hari.
Nakung saan siya and pinakapaganda sa
magkakapatid. Kahit ang diyosa nang kagandahan
ay walang masabi sa ganda nito.

CUPID

Isa rin sa mga pangunahing tauhan at bida ng


kwento. Si cupid ang diyos nang pagmamahalan at
siya rin ay anak ni venus ang diyosa nang
kagandahan.

VENUS

Si Venus ay ang kuntra bida sa kwento. Siya ng


diyosa nang kagandahan, ina ni cupid ang diyos
nang pagmamahalan,Si venus ay inggit sa ganda ni
psyche.

AMA NI PSYCHE

Ama ni Psyche, isang hari at my dalawang tatlong


anak na puros babae, at siyai humingi nang tulong
kay apollo.
APOLLO

Si Apollo ay ang mensahero ng diyos, at siya rin ang


tumulong kay cupid at sa ama ni psyche.

DALAWANG KAPATID NI PSYCHE

Sila ay anak nang hari na kapatid ni psyche at sila ay


nagplano nang masama dahil sa kainggitan kay
psyche.

ZYPHER

Siya ay ang naghatid sa mga magkakapatid psyche


sa palasyo ni cupid .

PERSEPHONE

Asawa ni Hades at siya ang nagpaunlak sa hiling ni


Venus.

JUPITER

Ang diyos ng mga diyos at tao at siya rin ang nag


tawag nang pagpupulong upang ma resulba ang pag
iibigan ni psyche at cupid.

4. Mga Pangyayari
4.1 Simula
Nagsimula ang kwento sa isang mortal na
dalaga na walang katulad na kagandahan, ngunit
dahil sa subrang ganda niya wala siyang asawa.
Dahil sa ganda niya ay hindi siya iniibig nang mga
kalalakihan, sa halip ay gusto nila na siya ay
isamba. Ngunit lingit sa kaalaman ni psyche, ang
diyosa nang kagandahan na si venus ay nagagalit
at naiinggit na si venus sa kanya dahil tila ba
nalimutan siyang sambahin ng mga kalalakihan
dahil lamang sa isang mortal. Dahil sa inggit ni
venus may na buo siyang plano na paibigin sa
halimaw si psyche. Nagpatulong siya siya kay
cupid ngunit maging si cupid ay napaibig rin ni
psyche at hindi nasunud ang plano ni venus.
Samantala sa kagustuhan naman ng hari na
magkaruon nang asawa si psyche siya ay
komunsulta kay apollo, ngunit hind ialam ng hari
na nauna ng nagpunta si cupid sa palasyo ni
apollo upang humingi ng tulong na paibigin si
psyche kay cupid, at dahil duon nag bigay ng
payu si apollo sa hari kung pano makakahanap ng
mapapangasawa si psyche. Sumunud ang hari sa
gabay ni apollo, pinadala si psyche sa bundok
kung saan siya ay susunduin nang kanyang
mapapangasawa, takot at pangamba ang
nangingibabaw kay psyche. Dumating na si
zypher ang susundo kay psyche patungo sa
palasyo sa kanyang asawa. Nawala ang takot at
pangamba ni psyche nung siya ay nakarating na
sa palasyo nang kanyang mapapangasawa dahil
sa malambing na boses nito,ngunit hindi niyya ito
ma kita sa halip ay naririnig niya

lamang ang tinig nito. Isanggabi, nag usap si


cupid at psyche tungkol sa kanyang mga kapatid
na magdadala ng kapahamakan kay psyche.
Noong nagluksa si psyche dahil gusto talaga
niyang makit ang kanyang kapatid nakiusap ito
kay cupid na magkita sila dahil subrang mahal ni
cupid si psyche pinagbigyan niya ito. Inihatid ni
zephyr ang dalawang kapatid ni psyche sa
palasyo. Lubos na namangha ang mga ito dahil
ang palasyo ay gawa sa ginto. Nainggit sila kay
psyche kaya gumaya silang ng masamang plano.
Ginulo nila ang isip ni psyche hanggan hindi niya
lam kung ano ang gagawin. Sinabi nang katapid
na halimaw si cupid marapat na siya ay patayin.
Noong gabi na iyon papaslangin na niya si
cupid,siya ay natigil. Sa liwanagng dala niyang
lampara,sa wakas ,anakita narin niya ang mukha
nang kanyang mapapangasawa. Nakita ni cupid
ang hind ihalimaw na mukha kundi isang gwapong
lalaki. Sa kagustuhan niyang mapagmasdan ang
mukha ni cupid, iniliapit niya nag lampara sa
kasamaang palad, natuluan si cupid ng langis at
siya ay nagising at nalaman ang pagtaksil ng
kanyang asawa. Agad siyang umalis upang
pumunta sa kanyang inang si venus at ikweninto
ang nangyari at dumagdag pa ito sa galit ni
venus. Alam ni psyche na hindi siya mapapatawad
ng diyosa dahil sa kanyang nagawa. Kahit na
gayun, gagawin naya ang lahat para patunayan
ang kanyang pagmamahal kay cupid.

4.2 Kasukdulan
Naglakbay si psyche papunta sa kaharian ni
venus,nag babasakaling nanduon ang kanyang
aswa at para humingi ng tawad kay venus,
sapanahong iyon si cupid ay nagpapagaling pa.
Binigyan ng tatlong pagsubok si psyche Una, ang
pagsasama sama ng uri ng buto, natapos niya
iyon sa tulong ng mga langgam. Pangalawa, ang
pagkuha ng buhok sa mga mababangis na tupa,
nalagpasan niya ang pangalawang pagsubok sa
payo ng isang halaman. Pangatlo, ang pagkuha ng
maitim na tubig mula sa mabatong balon,
naisakatuparan rin niya iyon sa tulong ng isang
agila. Tila ba lahay ay sumasang-ayon sa kaniya
ang lahat, natapos niya ang tatlong pagsubok.
Hindi nakontinto si venus sa pag hihirap kay
psyche kaya binigyan pa niya ito ng isa pang pag
subok. Binigyan ni Venus si Psyche ng kahon at
inutusan niya ito para humingi ng kaunting
kagandahan kay Persephone, ang diyosa sa ilalim
ng lupa. Tulad ng mga naunang pagsubok, may
tumulong sa kaniya. Binigyan siya ng gabay ng
isang tore kung paano siya makakapunta at
makakapasok sa kahariaan ni Hades.
Nagtagumpay si Psyche sa pagpunta sa kaharian
sa ilalim ng lupa at nakuha ang hinihingi ni Venus.
Si Psyche ay pabalik na sa kaharian, sapanahong
iyon magaling na si cupid. Hinanap niya si psyche
at ito ay natagpuan niya na walang malay.
Tinulungan niya ang kanyang aswa na matanggal
ang gayuma at tulungan matapos ang pagsubok.

4.3 Wakas
Samantalang si cupid ay humingi nang tulong
kay jupiter na hindi na sila gambalain ng kanang
ina na si venus. Pinatawag ni jupiter ang lahat ng
diyos at diyosa at sinabihang wag nang gambalain
si psyche at cupid kaya si psyche ay pinakain ng
ambrosia, nagingdiyosa narin si psyche. At nag
pakasal sina cupid at psyche, natanggap ni venus
si psyche dahil siya ay isang diyosa narin at
naging mag asawa narin sila psyche at cupid.

B. Istraktura
1. Teoryang Pampanitikan
Para sa akin ang angkop ng teoryang
pampanitikan sa kuwentong aking pinili ay
Teoryang Romantisismo sapagkat ito ay
nagsasaad ng ibat ibang paraan ng pag ibig o
ibang anyo ng pag ibig. Dito ipinapahiwatig na
ang pag ibig ay sobrang makapangyarihan na
tipong wala kahit anuman ang makakapag
hadlang. Mapatunayan ko ito sa pamamagitan ng
linya na aking ilalagay sa ibaba. “Ibubuhos ko ang
bawat patak ng aking buhay upang hanapin siya.
Kung wala na siyang natitirang pagmamahal sa
akin, maipakikita ko sa kaniya kung gaano ko siya
kamahal.”

C.Kariktan
1. Antas ng Wika:
Pormal na Wika
Ang kuwento ni cupid at pysche ay sobrang
kilala sa buong mundo ito ay napag salin salin na
sa iba't ibang lengguwahe ngunit naisalin rin ito
sa ating wika. Sa pag salin nito sa ating wika ang
ginamit na antas na wika ay and Pormal na wika
na kung saan ay purong tagalog ang ginamit, dito
naisaad ang mga salitang malalim na hindi natin
ginagamit sa pang araw araw.

Mapapatunayan ko ito sa mga linyang aking


ilalahad sa ibaba.

“Nagpunta ka ba rito upang maghanap ng


mapapangasawa? Tiyak kong ang dati mong
asawa ay wala nang pakialam sa iyo, sapagkat
muntik na siyang mamatay dahil sa natamong
sugat mula sa kumukulong langis na dulot mo. Isa
kang kasumpa-sumpang nilalang. Kailanman ay
hindi ka magkakaroon ng asawa kung hindi ka
daraan sa butas ng karayom.

2. Imahe/Simbolo
Ito ang aking napiling imahe sapagkat ito ay
angkop sa kuwentong aking napili. Kung ating
mababasa napa ibig si psyche kay cupid dahil sa
angking kagwapuhan nito ngunit nang di nagtagal
ay minahal niya ito kung sino talaga siya at
ipinaglaban nila ang pagmamahalan nilang
dalawa. Naniniwala ako na ang pag ibig ay hindi
lang dahil sa antas ng iyong buhay, sa iyong
pisikal na anyo o kung ano pa mang rason iyan
para sa akin ay wala itong spesipikong rason
sapagkat ito ay mararamdaman mo lang.

D. Pangkaisipan
1. Bisa sa isip at Damdamin
Alam ko na marami na ang nakabasa sa
kuwento nina cupid at pysche ngunit hindi ko
inakala na ito ay makakapag pa antig ng aking
damdamin. Ipinamalas rito kung gaano kamahal
nina cupid at pysche ang isat isa na kahit marami
ang hadlang ay hindi parin sila nawawalan ng pag
asa sa isat isa. Ipinapahiwatig lang rito kung
gaano ka makapangyarihan ang pag ibig.

2. Reaksiyon
Halu- halo ang aking nadama pagkatapos kong
mabasa ang kuwento. Ako ay namangha sa kung
paano isinulat ng may akda ang kuwento. Kung
paano isinaad ang mga problemang kinaharap ng
dalawang tauhan at kung paano nila ito
nasulosyunan. Ito ay nagpamulat sa aking isipan
kung gaano ka makapangyarihan ang pag ibig na
kahit maraming may ayaw ay hindi parin ito
hadlang kapag ang dalawang tao ay nag iibigan.

3. Kahalagahan
Ang kuwentong ito ay sobrang halaga lalong
lao na sa mga kabataan sapagkat ito ay aral para
sa kanila na hindi madali ang pumasok sa isang
relasyon maraming kakaharapin at kung papasok
ka man sa isang relasyon dapat ay may tiwala
kayo sa isat isa kung may problema man ay dapat
hindi mawalan ng pag asa. Ito ay mahalaga
sapagkat ilan sa atin ay nakakalimutan kung ano
ang tunay na depinisyon ng pag ibig at kung ano
ang kahalagahan nito.

You might also like