You are on page 1of 4

CUPID AT PSYCHE

NI JOSE RIZAL

I.TAUHAN

CUPID- Anak ni Venus at diyos ng pag-ibig.Si Cupid ay nabighani rin sa kagandahan ni psyche.Si Cupid ay
malihim ang itinatago ang kanyang itsura at katauhan sa asawa.

PSYCHE- Pinakamaganda sa tatlong anak ng isang hari.Siya ay labis na hinahangaan at sinasamba ng


kalakihan dahil sya ay higit na mas maganda kay Venus.Siya ay umibig kay Cupid.Naging asawa nya ito
kasama ang basbas ng diyos at diyosa sa Olympus.

VENUS- Siya ang tinuturing ng diyosa ng kagandahan at sya ang ina ni Cupid.Sya ay nainggit kay psyche
dahil sa labis na kagandahan, dahil maraming pumapansin na kalalakihan sa kaaya-ayang kagandahan ng
dalaga.Mas labis na nagalit si Venus nang malaman na pinagkukumpara silang dalawa ni Psyche at si
Psyche daw ang mas maganda.

APOLLO- Diyos ng propesiya, araw, musika, at liwanag.Siya ang pinagtanungan ng haring ama ni Psyche
kung ano ang magiging kapalaran ng kanyang anak.Isang kalunos-lunos na balita ang mensahe ni Apollo.

ZEPHYR- Si Zephyr ay tinanyagang hari ng hangin.Siya lang naman ang nagdala kay Psyche patungo sa
bagong tahanan nito kasama si Cupid.Sya rin ang hangin na nagdadala paakyat ng palasyo at pababa ng
mga kapatid ni Psyche.

PROSERPINE- Siya ang tinaguriang reyna sa ilalim ng lupa.Sa kanya humingi ng kahon ng kagandahan si
Psyche na inutos ni Venus.

CHARON- Si Charon ang may-ari, ferryman, at bangkero sa bangkang sinakyan ni Psyche patungo sa
ialin ng lupa upang gawin ang utos ni Venus.

CERBERUS- Siya ang asong may tatlong ulo.Siya ang binigyan ni Psyche ng cake para makapasok at
makatuloy sa paglalakbay nya patungong underworld.

JUPITER-Siya ang hari ng mga diyos, Siya din ay diyos ng kalawakan at panahon, diyos ng tao.Sya din
ang nagbasbas kay Cupid at Psyche.

MERCURY-Siya ang mensahero ng mga diyos na siyang saksi rin sa pag-iisang dibdib ni Cupid at Psyche.
II.TAGPUAN

Naganap ang tagpuan sa kaharian ng ama ni psyche, sa temple ng diyosang si Venus, sa tuktok ng
bundok kung saan dinala si Psyche, sa palasyo ng bagong asawa ni Psyche, at sa kaharian ni Zeus ang hari
o ama ng lahat ng diyos sa Olympus.

III.BANGHAY

SIMULA
Noong sinaunang panahon mayroong hari na may tatlong magagandang anak na babae.Si Psyche ang
pinakamaganda sa kanilang tatlo.Sya ay labis na hinahangaan at sinasamba ng kalalakihan. Ang
kanilang mga sinasabi ay kahit si Venus ang diyosa ng kagandahan, ay hindi mapapantayan si Psyche
sa ganda nito. Nakalimutan na rin ng kalalakihan na magbigay ng alay at magpuri kay Venus.Gaya din ,
ng kaniyang templo ay wala nang mga alay, naging marumi, at unti-unti nang nasisira. Lahat ng papuri’t
karangalang dapat sa kaniya ay napunta na lahat sa isang mortal. Ito ang nagging dahilan kung bakit
labis na nagalit si Venus at inutusan niya si Cupid, ang kaniyang anak upang paibigin si Psyche sa
isang nakatatakot na nilalang. Hindi na niya naisip ang maaaring maidulot ng kagandahan ng dalaga sa
kaniyang anak. Agad tumalima si Cupid at hinanap ang nasabing babae. Umibig siya kay Psyche nang
nasilayan niya ang kagandahan ng dalaga. Tila ba napana niya ang kaniyang sariling puso.

SAGLIT NA KASIGLAHAN
Nakita ang saglit na kasiglahan sa parte nung naging masaya si Psyche kahit di nya nakkita ang itsura
at katauhan kanyang asawa na si Cupid, sa kadahilanang upang maprotektahan ang kanyang
pagkakakilanlan at ang kanyang tunay na sarili mula kay Psyche, lumilitaw lamang siya sa madilim
upang hindi makita ang tunay na kaanyuan bilang isang diyos at upang hindi makarating sa kanyang ina
na sinuway niya ang utos nito sa kanya na sumpain si Psyche at magmahal ng hindi kagandang
nilalang.

SULIRANIN
Ang mitolohiyang ito ay maraming suliranin.Kabilang na dito ang pagkakaroon ng lihim na inggit ng
kanyang mga kapatid dahil sa kanyang kinatatayuan ngayon.Ang hindi pagsang-ayon ng ina ni Cupid na
si Venus sa pagmamahalan nila Cupid at Psyche.Sumunod dito ang mga mapanganib na autos ni
Venus at ginawa nya ito para sa pagmamahalan nila ni Cupid.

KASUKDULKAN
Ito ay ang mga pagsubok na ibinigay ni Venus kay Psyche.Gaya ng kinakailangan nyang pagsamahin
ang butong magkakauri/magkakamuka.Ang pagkuha ng mga gintong balahibo galing sa
mapapanganib/mababagsik na tupa.Ang pagsalok/pagkuha ng kulay itim na tubig mula sa malalim na
talon.Ang huling pagsubok naman ay pinakuha sya ng kahon upang humingi kay Proserpine at punuin
ang isang kahon ng kagandahan at kakailanganin nya pang sumakay sa bangkero na si Charon at
babayaran nya ito.Lahat ng pagsubok na nabanggit ay kanyang napagtagumpayan kahit mahirap
KAKALASAN
Ang nakikitang kakalasan sa kwento ay ang malagapasan ni Psyche ang mga pagsubook na inihain ni
Venus sa kanya.Ang kay Cupid naman ay ang pagging tapat na pagmamahal nit okay Psyche sinabi
niya na magtungo si Psyche sa ina niya na si Venus at ibigay ang kahon na may laman na
kagandahan.Dito na nayari ang pagpapahirap ng kanyang ina sa kanilang dalawa.Masayang nagpunta
si Psyche sa palasyo habang si Cupid naman ay lumipad papunta sa kaharian ni Jupiter sya ang diyos
ng mga diyos at diyosa at hiniling ni Cupid na huwag na silang gambalahin ng kanyang ina na si Venus
at pumayag si Jupiter.

WAKAS
Binigyan ni Apollo ng ambrosia si Psyche upang maging isang ganap na diyosa,panatag na si Venus
dahil isa ng ganap na diyosa si Psyche.Ikinasal si Cupid at Psyche at sila ay maninirahan na sa
kaharian ng diyos at hindi na muli pang makakagambala pa si psyche sa pagsamba ng mga kalalakihan
kay Venus.

IV.PAKSA/TEMA

Ito ay pumapatungkol sa pagmamahalan ng isang mortal at isang diyos.Kung ating naintindihan ang
kwento makikita mo na dahil sa pagmamahal nagagawa ang pagsasakripisyo at kayang ibigay ang lahat
upang mapaligaya at mapunta sa magandang kalagayan ang kanyang mianamahal, kahit anong
pagsubok ay haharapin upang manalo ang kanilang pagmamahalan.

V.PAGSUSURI

Ang mitolohiya na ito ay patungkol at sumasalamin sa pag-iibigan ng isang mortal na si Psyche at ang
diyos na si Cupid subalit ito ay pilit hinahadlangan ni Venus kaya binigyan nya ng pagsubok si Psyche
na labis na nagpahirap sa kanya gaya ng pagsama-samahin ang buto na magkakauri, pagkuha ng ginto
mula sa balahibo ng mapapanganib na tupa, Ang pagsalok ng itim na tubig mula sa malalim na balon, at
ang huli ay pinakuha sya ng kahon upang humingi kay Proserpine ng kagandahan at kinakailangan nya
pang sumakay sa bangkerong si Charon at babayaran nya ito.Ang pagsubok na aking nabanggit ay
napagtagumpayan ni Psyche kung ating makikita kayang kaya nga ni Psyche lagpasan ang pagsubok
na hindi nagdadalawang isip para lamang kay Cupid at sa pagmamahalan nila.Kung ito nga naman ay
kanyang malalagpasan sila ay magkakasama na at ang magiging bunga nito ay hindi na sila
gagambalain pa ni Venus dahil natanggap nan i Venus si Psyche bilang isang manugang at dahil kung
aalis nga naman si Psyche at titira sa kaharian ng mga diyos di na sya magagambala nito at sya na ang
ituturing na pinakamaganda sa lahat at ang mitolohiya na ito ay tungkol sa pagtitiwala at pagmamahal
sa isang tao at kayang kaya na isakripisyo ang lahat para lamang sa minamahal dahil lamang sa
kasiyahan ng kanyang minamahal at upang mapunta ito sa magndang kalagayan.Tama nga naman na
walang imposible pagdating sa pagmamahal kung ito ay hahaluaan mo din ng pagtitiwala.

Kung may natutunan ang mambabasa sa mitolohiyang ito, ito ay ang sumusunod:(1)Pagtitiwala sa
kanyang minamahal.(2)Pagmamahal ng walang hinihinging kapalit.(3)Ang pagmamahal ay siyang
nagiging dahilan upang makaya ang mga pagsubok.(4)Pagtanggap sa isang uri ng tao.
VI.MGA TEORYA

1.TEORYANG ROMANTISISMO

PATUNAY:Ginawa ni Psyche ang mga pagsubok na inialay ni Venus ng walang


alinlangan kahit mahirap ay nilagpasan nya ito para lamang sa ikabubuti ng kanyang
asawa at sa kanilang pagmamahalan.

PALIWANAG:Masasabi kong teoryang romantisismo ito dahil ipinapakita dito na kayang


gawin lahat ng isang tao kahit mahirap para lamang maipakita ang pagibig nya sa isang
tao na kanyang minamahal.

2.TEORYANG MORALISTIKO

PATUNAY:Ang pagiging mausisa ni Psyche ang nagdala sa kanya sa kapahamakan at


sa kapahamakan ng kanyang asawa at ito’y mali kaya naman sa pamamagitan ng
pagharap sa pagsubok na ibinigay ni Venus hinarap nya ito upang mapunta sa
magandang kalagayan si Cupid.

PALIWANAG:Dahil nagpapakita ito ng pamantayan ng mali at ng tama na nagawa ng


isang tao.

3.TEORYANG FEMINISMO

PATUNAY:Ang pagharap ni Psyche sa lahat ng pagsubok kahit mahirap ay nalagpasan


nya lahat ito ng walang takot at pag aalinlanagan, natapos nya ito.

PALIWANAG:Nagpapakita ang feminismo ng kalakasan ng isang babae at kakayahang


pambabae gaya ng patunay na nasa itaas

4.TEORYANG EKSISTENSYALISMO

PATUNAY: Inibig ni Cupid si Psyche kahit ang utos ng kanyang ina na si venus ay
paibigin si Psyche sa nakakatakot na nilalang ngunit sinunod niya ang kanyang gusto.

PALIWANAG:Ito ay eksistensyalismo dahil ito ay nagpapakita ng kalayaan ng tao na pumili o


magdesisyon para sa kanyang sarili.

You might also like