You are on page 1of 2

CUPID AT PSYCHE (BUOD)

Ang akdang "Psyche at Cupid" ay umiikot sa pag-ibig ng dalawang nilalang na nagmula sa magkaibang mundo.
Tinangkang sirain ng ina ni Cupid na si Venus. Ngunit ang pag-iibigan nila ay naging matagumpay sa kabila ng
mga pagsubok. Sa huli, ay naging immortal na rin si Psyche at wala ng hadlang sa pagsasama nilang dalawa

Noong unang panahon mayroong isang hari na may tatlong anak na babae. Isa si Psyche sa tatlong
magkakapatid at siya ang pinaka maganda sa mga magkakapatid. Sa sobrang ganda ni Psyche ay talaga
namang maraming umibig sa kanya. Sinasabi rin na kahit ang diyosa ng kagandahan na si Venus ay hindi
kayang tumapat sa gandang taglay ni Psyche. Ikinagalit ito ni Venus at mas lalo pang nakapag pagalit sa kanya
ay nakalimot na rin ang mga kalalakihan na magbigay ng alay sa kanya, maging ang kanyang templo ay
napabayaan na. Ang dapat sana na atensyon at mga papuri na para sa kanya ay napunta sa isang mortal.

Dahil dito, nagalit si Venus at inutusan niya ang kanyang anak na si Cupid upang paibigin si Psyche sa isang
nakatatakot na nilalang, ngunit ang nangyari ay ang kabaligtaran. Si Cupid ang umibig kay Psyche na tila siya
ang nabiktima ng sarili niyang pana. Inilihim ito ni Cupid sa kanyang ina, at dahil sa kampante naman si Venus
sa kanyang anak hindi na rin ito nag-usisa.

Hindi umibig si Psyche sa sa isang nakakatakot na nilalang, ngunit wala ring umibig sa kanya. Kahit na sobra
ang pagmamahal ng mga ginoo kay Psyche ay sapat na sa kanila ang nakikita lang nila ang dalaga. Samantalang
ang kanyang dalawang kapatid ay nakapag-asawa na ng hari. Nagging malungkot si Psyche sa mga nangyayari.
Kaya naglakbay ang amang hari ni Psyche upang humingi ng payo kay Apollo upang makahanap ng mabuting
lalaking makakabiyak ng kanyang anak. Hindi alam ng amang hari na naunahan na siya ni Cupid upang hingin
ang tulong ni Apollo kaya sinabi ni Apollo sa hari na makakapangasawa ng isang nakakatakot na halimaw ang
kanyang anak at kailangan nilang sundin ang kanyang ipapayo.

Nang nagawa na ng amang hari ang lahat ng ipinayo ni Apollo. Ipinag-utos niyang bihisan si Psyche ng
pinakamaganda niyang damit. Pagkatapos mabihisan si Psyche, ipinabuhat ng hari ang anak na parang ihahatid
sa kaniyang libingan papunta sa tuktok ng bundok. Nang makarating sa bundok na paroroonan naghintay ang
magandang dalaga sa kanyang mapapangasawa. Walag kamalay mala yang magandang dalaga na ang kanyang
mapapangasawa ay ang Diyos ng pag-ibig na si Cupid.

Naging Masaya naman ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa mahal na mahal nila ang bawat isa ngunit
may isang bagay ang hindi masilayan ni Psyche, ang mukha ng kanyang kabiyak. Nangako si Psyche sa kanyang
kabiyak na kahit kalian ay hindi niya sasabihin sa mga kapatin niya na hindi pa niya nasisilayan ang mukha ng
kanyang asawa, ngunit ang mga kapatid pala ni Psyche ay may masamang binabalak at sa pangalawang
pagbisita ng mga ito kay Psyche sinulsulan nila ito na suwain ang kondisyon ng kanyang asawa.
Sa unang pagkakataon ay nasilayan niya ang napakagwapong mukha ni Cupid ngunit ito ay muntik ng ikamatay
ni Cupid dahil sa isang aksidente .Nang malaman ito ni Venus ay lalo itong nagalit kay Psyche at irto ay
pinahirapan niya ng husto. Iba’y ibang mga pagsubok ang ipinagawa niya kay Psyche subalit nalagpasan itong
lahat ni Psyche at ‘di naglaon Ang pag-ibig (Cupid), at kaluluwa (Psyche) ay nagkatagpo sa likod ng mapapait na
pagsubok sa kanilang pagsasama ay hindi na mabubuwag kailanman.

You might also like