You are on page 1of 2

CUPID AND PSYCHE

Ang akdang "Psyche at Cupid" ay umiikot sa pag-ibig ng dalawang nilalang na nagmula sa magkaibang
mundo. Tinangkang sirain ng ina ni Cupid na si Venus. Ngunit ang pag-iibigan nila ay naging matagumpay
sa kabila ng mga pagsubok. Sa huli, ay naging immortal na rin si Psyche at wala ng hadlang sa pagsasama
nilang dalawa

Noong unang panahon mayroong isang hari na may tatlong anak na babae. Isa si Psyche sa tatlong
magkakapatid at siya ang pinaka maganda sa mga magkakapatid. Sa sobrang ganda ni Psyche ay talaga
namang maraming umibig sa kanya. Sinasabi rin na kahit ang diyosa ng kagandahan na si Venus ay hindi
kayang tumapat sa gandang taglay ni Psyche. Ikinagalit ito ni Venus at mas lalo pang nakapag pagalit sa
kanya ay nakalimot na rin ang mga kalalakihan na magbigay ng alay sa kanya, maging ang kanyang
templo ay napabayaan na. Ang dapat sana na atensyon at mga papuri na para sa kanya ay napunta sa
isang mortal.

Dahil dito, nagalit si Venus at inutusan niya ang kanyang anak na si Cupid upang paibigin si Psyche sa
isang nakatatakot na nilalang, ngunit ang nangyari ay ang kabaligtaran. Si Cupid ang umibig kay Psyche
na tila siya ang nabiktima ng sarili niyang pana. Inilihim ito ni Cupid sa kanyang ina, at dahil sa kampante
naman si Venus sa kanyang anak hindi na rin ito nag-usisa.

Hindi umibig si Psyche sa sa isang nakakatakot na nilalang, ngunit wala ring umibig sa kanya. Kahit na
sobra ang pagmamahal ng mga ginoo kay Psyche ay sapat na sa kanila ang nakikita lang nila ang dalaga.
Samantalang ang kanyang dalawang kapatid ay nakapag-asawa na ng hari. Nagging malungkot si Psyche
sa mga nangyayari. Kaya naglakbay ang amang hari ni Psyche upang humingi ng payo kay Apollo upang
makahanap ng mabuting lalaking makakabiyak ng kanyang anak. Hindi alam ng amang hari na naunahan
na siya ni Cupid upang hingin ang tulong ni Apollo kaya sinabi ni Apollo sa hari na makakapangasawa ng
isang nakakatakot na halimaw ang kanyang anak at kailangan nilang sundin ang kanyang ipapayo.

Nang nagawa na ng amang hari ang lahat ng ipinayo ni Apollo. Ipinag-utos niyang bihisan si Psyche ng
pinakamaganda niyang damit. Pagkatapos mabihisan si Psyche, ipinabuhat ng hari ang anak na parang
ihahatid sa kaniyang libingan papunta sa tuktok ng bundok. Nang makarating sa bundok na paroroonan
naghintay ang magandang dalaga sa kanyang mapapangasawa. Walag kamalay mala yang magandang
dalaga na ang kanyang mapapangasawa ay ang Diyos ng pag-ibig na si Cupid.

Naging Masaya naman ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa mahal na mahal nila ang bawat isa
ngunit may isang bagay ang hindi masilayan ni Psyche, ang mukha ng kanyang kabiyak. Nangako si
Psyche sa kanyang kabiyak na kahit kalian ay hindi niya sasabihin sa mga kapatin niya na hindi pa niya
nasisilayan ang mukha ng kanyang asawa, ngunit ang mga kapatid pala ni Psyche ay may masamang
binabalak at sa pangalawang pagbisita ng mga ito kay Psyche sinulsulan nila ito na suwain ang kondisyon
ng kanyang asawa.

Sa unang pagkakataon ay nasilayan niya ang napakagwapong mukha ni Cupid ngunit ito ay muntik ng
ikamatay ni Cupid dahil sa isang aksidente .Nang malaman ito ni Venus ay lalo itong nagalit kay Psyche at
irto ay pinahirapan niya ng husto. Iba’y ibang mga pagsubok ang ipinagawa niya kay Psyche subalit
nalagpasan itong lahat ni Psyche at ‘di naglaon Ang pag-ibig (Cupid), at kaluluwa (Psyche) ay nagkatagpo
sa likod ng mapapait na pagsubok sa kanilang pagsasama ay hindi na mabubuwag kailanman.

----------------------------

Ang mitolohiyang Cupid at Psyche ay isang kwento ng dalawang nag-iibigan na nagmula sa


hindi magkaparehong angkan, ang isa ay mortal samantalang imortal naman ang isa. Ito ay kwento ng
pag-iibigang sinubok ng pagkakataon at tadhana ng paulit-ulit at patuloy ding lumaban kaya't naangkin
din ang kaligayang nararapat sa kanila.

---------------------------

Sinundan ni Psyche ang asawa subalit paglabas niya, hindi na niya nakita ang lalaki. Narinig na lamang
niya ang tinig ng asawa. Ipinaliwanag nito kung sino siyang talaga. “Hindi mabubuhay ang pag-ibig
kung walang tiwala,” wika niya bago tuluyang lumipad papalayo. “Si Cupid, ang diyos ng pag-ibig!” ang
naisip ni Psyche. “ Siya ang asawa ko. Ako na isang hamak lamang ay hindi tumupad sa aking pangako
sa kaniya." (excerpt sa buod)

Sa mitolohiya na ukol kina Psyche at Cupid nagmula ang quote na "Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung
walang tiwala".

Ito rin ang isa sa mga aral na mapupulot sa kuwento.

Sinasabi rito na hindi sapat ang magkaroon lamang ng pakiramdam ng pagmamahal, nagmamahal o may
nagmamahal. Kung paghanga lamang ito o may mga kundisyon, hindi ito matatawag na totoong
pagmamahal.

Sa pagtitiwala masusukat ang tunay na pag-ibig.

Kaya nang binigyan ni Venus si Psyche ng maraming pagsubok ay hinamak niya itong lahat para lamang
makuhang muli ang tiwala ng asawang si Cupid at bumalik ito sa kanya.

Nagtiwala si Psyche sa kanyang pag-ibig na magagawa niya ang lahat para lamang sa ngalan nito.

Sa huli, nanaig pa rin ang pagmamahalan nina Cupid at Psyche.

You might also like