You are on page 1of 1

Si Cupid at Psyche

Mitolohiyang Griyego

Presi:

May hari na may tatlong anak na babae. Ang dalwa dito ay may asawa ng hari at
masaya na,tanging ang bunso nalang na si Psyche ang hindi pa naiikasal.
Sinasabing mas maganda pa siya sa Dyosa ng Kagandahan. Sa kadahalinang
napupunta ang atensyon kay Psyche nagalit si Venus. Inutusuan ni Venus ang
kaniyang anak na si Cupid para hanapan ng isang halimaw na pakakasalan, ngunit
sa taglay na kagandahan ni Psyche naipaibig niya si Cupid.
Isang gabi, napakinggan ni Psyche ang pagluluksa ng kanyang mga kapatid sa
kanya, at ipinakiusap niya na ibig niya makita ang mga ito. Ang asawa ni Psyche
ay binalaan siya na huwag magpadala sa tukso at nangako si Psyche. Nang makita
ng dalawang kapatid ang pilak na mansyon may binalak silang masama sa asawa ni
Psyche. Labis na pinagsisihan ni Psyche ng isinasagawa niya na ang pagsaksak sa
dibdib ni Cupid sapagkat hindi niya natupad ang kaniyang pangako.
Dahil dito mas nagalit si Venus kay Psyche. Binigyan niya ng mga pagsubok si
Psyche upang pahirapan. Sa unang pagsubok ay dapat pagsama-samahin ang mga
butong magkakauri, nagawa niya ito sa tulong ng mga langgam. Sa pangalawang
pagsubok ay kumuha ng Gintong balahibo mula sa mga mapanganib na tupa,
Natutukso na siyang tumalon sa ilog, ngunit pinayuhan niya ng mga halaman at
nakakuha siya ng gintong balahibo. Ang huling pagsubok ang pinakamapanganib
sapagkat kailangan pa niyan pumunta sa kaharian ni Hade para kumuha ng kahon
upang humingi ng kagandahan kay Proserpine. Nang nakuha niya ang kahon
nagpadala siya sa tukso binuksan niya ang kahon para kumuha ng kagandahan para
pa-ibigin niya ulit si Cupid dahil dito siya ay nakatulog. Tinulungan siya ni Cupid
para mapunta ang kahon kay Venus. Nalagpasan niya lahat ng pagsubok.
Pinaka-usapan ni Cupid si Jupiter para hindi na mangambala si Venus,
sumangayon si Jupiter. Pinulong ni Jupiter and lahat ng dyos kasama si Venus para
ipahayag ang kasal nina Cupid at Psyche. Inabot ni Jupiter kay Psyche ang
Ambrosia para maging isang immortal at wala ng mangambala. Panatag narin si
Venus dahil isa naging Dyosa si Psyche.

You might also like