You are on page 1of 1

Narito ang iba pang sulitranin sa storyang Cupid at Psyche.

 Perpektong Kagandahan
Para sa mga tao sa kanilang lugar, ang kagandahan ni Psyche ay maihahalintulad kay Venus. Ito
ang dahilan kung bakit nagselos si Venus na siyang diyosa ng kagandahan at inutusan ang ama ni
Psyche na iwan siya sa pangpang dahil may mapapangasawa siyang halimaw.

 Selos ng mga Kapatid


Si Psyche ay pinagseselosan ng kanyang mga kapatid dahil sa angking kagandahan niya at ang
atensyon na nakukuha niya mula sa mga tao. Minsan ay nakakagawa sila ng masama para sa
kapatid at nagpa-plano ng ikakabagsak niya.

 Pag-iibigan at Kawalan ng Tiwala


Si Psyche ay hindi pwedeng makita ang kanyang asawa na si Cupid sa tuwing sila'y magkasama
pero si Psyche ay hindi matiis na hindi makita ang ama ng kanyang dinadala. Kumuha siya ng
lampara at doon niya nakita na anak pala ng isang diyosa ang kanyang asawa.

 Pagtanggap ng Magulang
Noong una ay ayaw ni Venus kay Psyche dahil sa sobrang kagandahan nito. Ngunit hindi sumuko
si Psyche. Dahil sa kagustuhan niyang makipag-isa kay Cupid, tinanggap niya ang mga hamon na
ibinibigay ni Venus.

 Mga Hamon
Ang mga hamon na ibinigay ni Venus ay mistulang walang solusyon. Ang tatlong hamon na ito
naman ay matagumpay namang nagawa ni Psyche at iyon ang naging tulay upang sila ay
magkabalikan ni Cupid.

You might also like