You are on page 1of 2

Cupid at Psyche

Isinulat ni: Apuleius

Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat

GENRE:

Mitolohiya

BUOD:

May isang napakagandang mortal na tinatawag na Psyche. Lubha siyang maganda kaya'tnakakalimutan
na ng lahat ang mag-alay sa Diyosa ng kagandahan na si Venus dahil nandoonna kay Psyche ang kanilang
oras. Nagalit si Venus kaya't inutusan ang anak na si Cupid napaibigin si Psyche sa isang nakakatakot na
nilalang. Hindi sinunod ni Cupid ang utos ng ina dahil siya man ay napaibig din sa ganda ni Psychengunit
ito ay nanatiling lihim mula sa kanyang ina.

Dahil labis na nabagabag ang ama ni Psyche kung bakit walang lalaking umiibig sa kanyakaya humingi
siya ng payo kay Apollo at siya'y sinabihan na dalhin si Psyche at damitan ngmaganda sa isang bundok.
Imbes na mapahamak sa bundok ay doon pa niya nakilala ang lalaking magpapaibig sakanya at nagdala
kay Psyche sa palasyo ngunit hindi pa nagpapakita ang lalaki sa kanya.

Dumalaw ang mga kapatid ni Psyche at sinulsulan siya na alamin ang pagkatao ng asawadahil baka ito ay
halimay at sinunod naman ito ni Psyche resulta kung kaya't nasaktan niya siCupid at umalis. Pumunta si
Psyche sa kaharian ni Cupid upang suyuin ito ngunit pinahirapan lamang siya niVenus at kung anu-anong
pagsubok ang binigay.

Nang malaman ni Cupid na nandoon ang asawa ay agad niya itong tinulungan at hinilingmula kay Jupiter
ang ambrosia, isang pagkain upang magiging imortal. Simula sa araw na iyon ay naging imortal na si
Psyche at namuhay sila ng maligaya

TEMA O PAKSA:

-Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala


BISA SA ISIP:

Mas pinalawak nito ang aming kaalaman sa mga malalalalim na salita tulad ng kabiyak na ang ibig
sabihin ay kasintahan o asawa

BISA SA DAMDAMIN:

Nakaramdam kami ng kasiyahan sapagkat kahit anong hirap ang pinagdaanan ng dalawa ay sila parin
ang nagkatuluyan sa huli

MENSAHE/ARAL:

-Tiwala ang pinakaimportanteng parte ng pagmamahalan

-Anumang tagumpay o kasiyahan ay nagmula sa paghihirap

-Kapag mahal mo, ipaglaban mo

TEORYANG GINAMIT:

-Realismo

-Humanismo

You might also like