You are on page 1of 2

PAMAGAT

Cupid at Psyche

MAY - AKDA

Hindi Matukoy

PAGKILALA NG MAY-AKDA

Ang may-akda sa kuwentong ito ay hindi matukoy dahil ang kuwentong ito ay
isang mito na nagpasalin-salin na mula sa isang henerasyon patungo sa iba. Ito ay
isinulat upang ipakita o ipahayag ang kultura ng mga sinaunang tao sa
Mediterranean.

URI NG PANITIKAN

Isang mito, kwento na may kinalaman sa mga Diyos at Diyosa.

TEMA O PAKSA NG MAY-AKDA

Ang pag-iibigan nina Cupid at Psyche,isang mortal at isang anak ng Diyosa.

MGA TAUHAN

Cupid - Ang anak ng Diyosa ng kagandahan na umibig sa isang mortal

Psyche - Isang napakagandang mortal na walang umibig na iba kundi si Cupid

Venus - Ang nanay ni Cupid na tutol sa kanilang pagmamahalan

Mga kapatid ni Venus


TAGPUAN

Sa isang malayong lugar sa Mediterranean

KAISIPAN NG MAY-AKDA

Isinulat ito ng may-akda upang muling ipaalala sa lahat na pantay-pantay ang


lahat pagdating sa pag-ibig.

ISTILO NG PAGSULAT

Angkop ang mga salitang ginamit.

BUOD:

Noong unang panahon may isang napakagandang dilag na inibig ng isang anak ng
Diyosa na si Cupid. Tutol ang nanay ni Cupid na si Venus sa pagmamahalang ito.
Ngunit naging mag-asawa pa rin ang dalawa kahit hindi pa nakikita ni Psyche si
Cupid. Sinulsulan si Psyche ng kanyang mga kapatid na dapat niyang makita ang
mukha ng asawa dahil baka ito ay isang halimaw. Naniwala naman si Psyche at
sinuway ang utos ng asawa na hindi muna nito dapat makita ang kanyang mukha.
Nagkasugat sa mukha si Cupid sanhi ng pagkatagas ng langis mula sa ilawan na
ginamit ni Psyche upang sipatin ang anyo ng dalaga. Nagalit si Cupid dahil sinuway
siya ni Psyche at nagpasyang umalis muna.Ginawa lahat ni Psyche upang bumalik
ang asawa sa kanya kahit pinahihirapan siya ni Venus ay hindi siya sumuko.Sa huli,
ay naging imortal din si Psyche dahil sa ambrosia na binigay ni Jupiter at namuhay
sila ng maligaya.

You might also like