You are on page 1of 13

Ang Huling Bahagi ng

CUPID AT
PSYCHEMitolohiya ng Rome

Isinulat ni: Apuleius


Isinalin sa Ingles ni: Edith
Hamilton
Isinalin sa Tagalog ni: Vilma C.
Ambat
Nalaman ni Psyche
na alam pala ng kanyang
mga kapatid na halimaw
ang kanyang
mapapangasawa, saad ni
Apollo sa kanilang ama
ay bawal makita ang
mukha nito.
Doon natanto ni Psyche na
marahil tama ang sinabi ng kaniyang
mga kapatid. Humingi ng payo si
Psyche sa kapatid at siya’y binigyan
ng punyal upang patayin ang lalaki
at lampara upang ito’y makita sa
dilim.
Nang mahimbing ng
natutulog ang lalaki,
sinindihan ni Psyche ang
lampara at kinuha ang
punyal. Lumapit siya sa
higaan nito at laking tuwa
niya ng malamang hindi
pala ito halimaw bagkus
ay napakagwapo pala
nito.
Wari niya ito ang pinakagwapong
nilalang sa buong mundo.
Sa pagnanais na makita pa ang mukha ng
mapapangasawa, inilapit pa ni Psyche ang
lampara at natuluan ng langis ang dibdib ng
lalaki na siyang dahilan upang magising ito.
Nalaman nito ang ginawang pagtataksil ni
Psyche at agad itong umalis.
Umuwi si Cupid sa
bahay ng kaniyang ina
upang pagalingin ang sugat
sa dibdib. Agad namang
nalaman ni Venus ang
nangyari at determinado
itong ipakita kay Psyche
kung paano magalit ang
isang diyosa.
Naglakbay si Psyche upang hanapin
ang mapapangasawa at humingi ng tulong sa
ibang mga diyos ngunit bigo sapagkat ang mga
ito ay ayaw makaaway si Venus.

Sa kaniyang paglalakbay ay nakarating siya


sa palasyo ni Venus at napahalhak na lamang
ang diyosa dahil nabatid niya na nagpunta ang
dalaga doon upang hanapin ang
mapapangasawa.
Bilang kapalit sa kagustuhang makita
ang mapapangasawa, binigyan ni Venus
si Psyche ng mga mahihirap na pagsubok,
kabilang dito ang pag-uuri ng hiwa-
hiwalay na buto bago dumilim, pagkuha
ng gintong balahibo mula sa mapanganib
na tupa, pagkuha ng itim na tubig sa
malalim na talon, at kahon na laman ang
kagandahan ni Proserpine.
Lahat ng mga pagsubok na ito ay
nalampasan ni Psyche dahil sa pagmamahal
at kagustuhang makita si Cupid.

Bago pa man makabalik si Psyche sa


palasyo ay magaling na ang lalaki ngunit
napagtanto ni Cupid na binilanggo siya ng
kaniyang inang si Venus, kaya naman
naghanap siya agad ng paraan upang
makatakas.
Nang nakataks si Cupid
ay nagtungo siya agad sa
kaharian ni Jupiter, ang hari
ng mga diyos at kalawakan,
upang humingi ng tulong
na huwag na silang
gambalain ng kaniyang ina.
Kaya naman, nagpatawag ng
pagpupulong si Jupiter kasama ang
mga diyos pati na si Venus at
ipinahayag na pormal ng ikinasal si
Cupid at Psyche, at wala ng dapat na
manggambala pa sa kanila.
Matapos ang pagpupulong, dinala ni
Mercury si Psyche sa kaharian ng mga diyos.
Dito inabot ni Jupiter ang “Ambrosia”, ang
pagkain ng mga diyos upang maging
immortal. Naging panatag si Venus na
maging manugang si Psyche sapagkat isa na
itong diyosa. At kung maninirahan na ang
manugang sa kaharian ng mga diyos, hindi
na muling makakagambala si Psyche sa
pagsamba ng tao kay Venus.
Ang pag-ibig
(Cupid) at kaluluwa
(Psyche) ay
nagkatagpo sa likod ng
mapapait na pagsubok
sa kanilang pagsasama
ay hindi na
mabubuwag kailan
man.

You might also like