You are on page 1of 2

“Cupid at Psyche”

Hindi natin malalam kung kailan dadating ang pagibig o kung sino man ang magiging
kabiyak natin sa ating buhay kailangan lang nating maghintay para dumating ang tamang tao sa
tamang panahon. Sa lahat ng relasyon kailangan ang tiwala sa isa’t isa. Hindi magiging masaya
ang isang relasyon kung palagi ninyong kikwestyon ang tiwala at pagmamahal. Matatanggap ka
niya maging sino ka man.

May karapatan ba ang mga magulang na pumili kung sino ang iyong iibigin? Para sa
akin, hindi. Maaaring magbigay lamang sila ng mga paying pagiibig pero kailan man hinding
hindi matuturuan ang puso.
“Cupid at Psyche”

Sa isang kaharian may tatlong magagandang babae. Isa sa kanila ay nagngangalang


Psyche. Ang kanyang kagandahan ay sinasamba ng napakamaraming lalaki sa kanilang lugar.
Ito ang dahilan kung bakit si Venus na diyosa ng kagandahan ay parang kinalimutan na lamang.
Dahil dito inutusan niya ang kanyang anak na si Cupid na paibigin sa isang halimaw. Ginawa
niya ito dahil sag alit at inggit na kayang nararamdaman kay Psyche. Pero nawasak ang plano
sa dahilan na nahulog si Cupid kay Psyche. Hindi sinabi ni Cupid sa kanyang ina ang nangyari.
Sa kabilang banda ay nagaalala ang magulang ni Psyche dahil hindi pa sya nakapagasawa.
Pumunta sila kay Apollo para maghanap ng tulong. Sabi ni Apollo dalhin sya sa tuktok ng
bundok at bihisan ng pamburol. Pagdating ni Psyce doon ay may nakita siyang bahay na
ginawa na parang sa isang diyos dito niya na rin nakilala ang kang asawa na kailan man
hinding hindi na makikita. Isang araw, pinuntahan siya ng kanyang kapatid at dahil sa inggit nila
sinabi nila kay Psyche na halimaw daw ang kaniyang asawa. Dahil na din sa takot sinindihan
niya ang lampara at punyal, habang papalit siya sa kanyang asawa ay mas nakikita niya mabuti
kung ano ang hitsura niya at nang makita niya ito hindi siya makapaniwala na si Cupid pala ito.

Umalis si Cupid dahil napagtanto niyang walang tiwala si Psyche sa kanya. Hinanap ni
Psyche si Cupid kung saan saan at sa huli pumunta siya kay Venus. Nagalit si Venus sa kaniya
at binigyan siya ng mga pagsubok. Sa kaniyang huling pagsubok ay inutusan siya nga kumuha
ng kagandahan kay Proserpine nagtagumpay naman si Psyche. Nang buksan niya ang kahon
na naglalaman daw ng kagandahan ay nahimatay si Psyche. Sa mga oras na ito ay nagising na
Cupid at sabik na sabik na makita ang kaniyang asaw pero ikinulong siya nang kaniyang ina.
Nakatakas naman si Cupid sa isang bintana ay agad nakita si Psyche malapit sa palasyo.
Pumunta si Cupid kay Jupiter at humingi nang tulong na sana any huwag na silang gambalain
ng kaniyang ina. Nagpatawag naman si Jupiter ng isang pagpupulong kasama si Venus at
pormal na sinabi na magpapakasal na si Cupid at Psyche. Dinala naman ni Mercury si Psyche
sa kaharian at ibinagay ang ambrosia na pagkain ng diyos para maging isang imortal. Dahil dito
naging panatag na si Venus na malaman na ang kaniyang manugang ay isa nang imortal.

You might also like