You are on page 1of 3

Name: Nerlyn G.

Par Date: July 27, 2019

Section: G-10 Acapulco

BUWANANG SURING BASA


i. PAMAGAT
Cupid at Psyche
ii. MAY AKDA
Lucius Apuleius Madaurensis
iii. PAGKILALA SA AY AKDA
Si Apuleius ay isang manunulat sa lengwahe ng Latin, philosopher at rhetorician. Siya ay
isang Numidyan na nabuhay sa ilalim ng pamamahala ng Roman Empire. Nag-aral siya ng
platismo sa Athens, naglakbay sa Italy
iv. URI NG PANITIKAN
Mitolohiya
v. TEMA/ PAKSA
Ang pag-iibigan ng isang mortal(Psyche) at anak ng Diyosa(Cupid).
vi. TAUHAN
 Cupid- anak ng Diyosa ng kagandahan na umibig sa isang mortal.
 Psyche- isang napakagandang mortal na umibig kay Cupid.
 Venus- Dyosa ng kagandahan at ina ni Cupid.
 Mga kapatid ni Psyche- naging kahinaan ni Psyche kaya’t napagtaksilan nya ang asawa
vii. TAGPUAN
Sa isang malayong lugar sa Mediterranean.
viii. KAISIPAN NG MAY-AKDA
Isinulat ito ng may akda upang ipaalala na lahat ay pantay-pantay sa pag-ibig, at ang
inggit ay walang maidudulot na mabuti.
ix. ISTILO NG PAGSULAT
Ginamitan ng mga matatalinhagang salita.
x. BUOD
Noong unang panahon, may isang napakagandang dilag na di aakalaing nalagpasan pa
ang kagandahan ni Venus, dyosa ng kagandahan. Dahil sa inggit nito, inutusan nya ang kanyang
anak na si Cupid na paibigin ang dalaga sa isang nakakatakot na nilalang ngunit sa di inaasahan
ay tila ang sarili nito ang napana dahil umibig agad sya sa dalaga nang makita nya ito. Naging
kampante si Venus na nagawa ni Cupid ang ipinag-uutos nya.
Nabahala ang magulang ni Psyche dahil ang kanyang mga kapatid ay nakapag-asawa na
ng mga hari ngunit siya ay wala pa kaya’t humingi ito ng tulong kay Apollo. Lingid sa kaalaman
ng hari na nauna nang humingi ng tulong si Cupid kaya’t sinabi nito na makakapangasawa si
Psyche ng isang nakakatakot na nilalang.
Sinunod ng hari ang utos ni Apollo at pinagbihis si Psyche ng pinakamagandang damit
at hinatid sa tuktok ng bundok hanggang sa balutin ito ng dilim. Di kalaunan ay inilipad si Psyche
ng malambing na ihip ng hangin ni Zephyr papunta sa damuhang ‘sing lambot ng kama at may
mahahalimuyak na bulaklak. Nang magising siya ay natanaw nya ang isang mansion na parang
ipinagawa para sa mga Diyos. Ito ay yari sa pilak at ginto ang mga haligi at ang sahig ay
napapalamutian ng mga hiyas. Nilibang ni Psyche ang sarili sa loob ng mansyon. Sumapit ang
gabi at naramdaman nya ang pagdating ng kanyang pinakahihintay na asawa. Bumulong ito sa
kanyang tainga at doon ay nawala ang takot na kanyang nararamdaman.
Isang araw ay binalaan siya ng lalaki, may panganib na darating sa pamamagitan ng
kanyang mga kapatid kaya’t wag syang magpapakita sa mga ito. Nangako si Psyche sa asawa na
susundin ang kagustuhan nito.
Kinabukasan narinig ni Psyche ang panangis ng mga kapatid, naantig ang kanyang
damdamin hanggang sa matagpuan nya ang sariling umiiyak na rin. Pinayagan siya ng kanyang
asawa na makita ang kanyang mga kapatid ngunit huwag siyang pabubuyo kanino man sa
subuking sulyapan ang mukha ng asawa.
Nang magkita ang magkakapatid, hindi magkamayaw ang iyakan at yakapan na tila
walang mapagsisidlan ang kaligayahan sa kanila. Nang pumasok ang magkakapatid sa mansyon,
labis na pagkamangha nito sa mga kayamanang naroroon. Ang kanilang kayamanan ay hindi
maihahambing sa kayamanang nakita nila sa tahanan ni Psyche. Binalot ng inggit ang kanilang
puso na humantong sa pagpaplano nila ng ikapapahamak ng bunsong kapatid. Kinagabihan ay
sinabihan ng asawa nyang huwag ng papupuntahing muli sa kanilang tahanan ang mga kapatid
ni Psyche ngunit nanumbat siya kaya’t muli nya itong pinayagan.
Kinabukasan, muling dumalaw ng mga kapatid ni Psyche nang malagim ng balak.
Inusisa nila nang inusisa si Psyche hanggang sa malito ito at sabihin ang katotohanan. Sinabi
nilang isang halimaw ang asawa ni Psyche gaya ng sinabi ni Apollo sa kanyang orakulo. Binuyo
nila si Psyche na dapat nitong malaman ang katotohanan dahil pag nagtagal ay kakainin siya ng
asawa. Takot ang namayani sa puso niya sa halip sa pagmamahal. Humingi siya ng payo sa
nakatatandang kapatid at sinabi nitong itarak ang punyal sa dibdib ng asawa habang tulog ito.
Nang mahimbing nang natutulog ang lalaki, sinindihan nya ang lampara at laking
ginhawa at kaligayahan ang kanyang nadama nang matantong hindi halimaw ang kanyang
asawa kundi pinakagwapong nilalang sa mundo. Sa labis na kahihiyan at kawalan ng pagtitiwala,
napaluhod si Psyche ang akmang itatarak ang punyal sa sarili nyang dibdib. Sa pagnanais na
masilayang muli ng asawa ay inilapit nya ang lampara at natuluan ng mainit na langis ang balikat
nito dahilan ng kanyang pagkakagising. Nagising ang lalaki at lumisan nang di nagsasalita.
Naglakbay si Psyche upang hanapin ang asawa. Samantalang si Cupid ay umuwi sa
kanyang ina upang pagalingin ang kanyang sugat. Isinalaysay ni Cupid ang nangyari sa kanyang
ina kaya’t lalong sumidhi ang galit nito at iniwan siyang hindi man lng tinulungang gamutin ang
kanyang sugat.
Patuloy sa paglalakbay si Psyche at pinipilit na makuha ang panig ng mga Diyos ngunit
wala sa kanila ang nais maging kaaway si Venus. Kaya minabuti nyang magtungo sa kaharian ni
Venus upang ialay ang kanyang sarili bilang alipin. Nagbabasakali rin syang naroon si Cupid.
Nang dumating si Psyche sa kaharian ni Venus, agad sya nitong binigyan ng mabibigat na
pagsubok na sa kabutihang palad ay may tumutulong sa kanya upang maisakatuparan ito. Di
naglaon ay tinanggap rin ni Venus si Psyche bilang manugang sapagkat siya ay naging isang
ganap na diyosa na at pormal na silang naikasal ng kanyang asawa.
xi. SANGGUNIAN

You might also like