You are on page 1of 3

Carlos Aldreine Del Rosario

10 Fortitude

a. Simula
Ang pagpapakilala sa anak ng hari na nagngangalang Psyche. Si Psyche
ay lubos na hinahangaan ng lahat ng kalalakihan na humantong sa
pagsasamba sa kaniya. Ang kaganapang ito ay humantong sa pagbabalewala
sa Diyosa ng kagandahan na si Venus, dahil dito ay nagalit ang Diyosa at
pinapunta niya ang kaniyang anak na si Cupid kay Psyche upang parusahan
ang mortal. Ang resulta ng pagpunta ni Cupid kay Psyche ay pagkabuo ng
pagmamahal ni Cupid sa nasabing mortal.

Si Cupid ay tumungo kay Apollo upang humingi ng tulong na sinagot


naman ni Apollo sa pamamaraang sinunod niya ang utos ni Cupid na
kaniyang pinayuhan ang Haring Ama ni Psyche na si Psyche ay bihisan at
papuntahin sa tuktok ng bundok sapagkat dito ay may darating na halimaw
na ahas na magiging asawa ni Psyche. Kahit mahirap ay sinunod ng Hari ang
nasabing payo at lubos namang hinarap ng magandang dilag ang kapalarang
darating at pagkatapos nito ay kaniyang pinaalis ang lahat ng nagsidalo sa
paghahatid sa kaniyang kapupuntahan na sinasabing doon ay susunduin siya
ng kaniyang asawang iibig sa kaniya ng tunay.

Naghintay ang dalaga sa nasabing bundok at labis na takot ang


kanyang naramdaman, dito ay kinuha siya ng ihip ng hangin ni Zephyr at
inilipad papunta sa isang damuhang singlambot ng kama na naging sanhi sa
kaniyang pagkatulog ng mahimbing na naging bunga sa pagkapawi ng
kaniyang dinaramdam na kalungkutan. Sa pagkagising ng dalaga ay may
natanaw siyang isang mansiyon na parang itinayo para sa mga diyos. Siya’y
nagandahan sa nasabing mansiyon dahil yari ito sa pilak, ginto at mga hiyas.
Sa paglapit niya sa nasabing mansiyon ay may tinig na nagsambit na siya’y
pumasok dahil ito’y sadyang inihanda para sa kaniya.
b. Gitna

Ang patuloy na pakikibaka ni Psyche sa kaniyang kapalaran. Ang


kaniyang paglilibang sa nasabing mansiyon na inihanda para sa kaniya. Ang
pagdating ng kanyang asawa sa kanilang manisyon. Ang pag-uusap nila ng
kaniyang asawa na hindi niya nakikita at ang mga paalala ng asawa sa
kaniya na huwag itong magpapakita sa kaniyang mga kapatid. Ang pagtangis
ni Psyche dahil hindi nito maaaring makita ang mga kapatid. Ang kabaitang
ipinakita ng asawa ni Psyche dahil pinayagan nitong makita ni Psyche ang
kaniyang mga kapatid ngunit ito’y may paalalang ibinigay na “sige gawin mo
ang iyong nais subalit parang hinahanap mo ang sarili mong
kapahamakan”at may dagdag na “nanaisin kong mamatay nang isandaang
beses kaysa mabuhay nang wala ka sa aking piling.”

Sa kanilang pag-uusap ay sinabi ng asawa ni Psyche na huwag siyang


magpabubuyo sa mga kapatid nito kapag sila’y nagkita. Ang pagkikita nina
Psyche at nang kanyang mga kapatid. Ang pagkamangha ng mga kapatid ni
Psyche sa kanilang nasilayan at ang pagtatanim ng mga ito ng inggit sa
kanilang bunsong kapatid. Ang pagpapakita ng kabaitan ni Psyche sa
pagbibigay sa mga nakakatandang kapatid ng mga ginto at hiyas at ang
paglilihim nito sa katauhan ng kaniyang asawa. Ang muling pagpapaalala ng
asawa ni Psyche sa kaniya na huwag na itong makipagkita sa mga kapatid.
Ang muling pagsunod ng asawa ni Psyche sa kaniyang kagustuhan. Ang
pagdalaw muli ng mga kapatid ni Psyche sa mansiyon nito. Ang maiitim na
balak ng mga kapatid ni Psyche sa kaniya at ang pagkalason naman ni
Psyche sa mga salita ng kaniyang mga kapatid.

Ang pagbubulgar at pagtatanong ng mga kapatid niya sa kaniya na


humantong sa pagkakasabi nito sa tunay na katauhan nang kaniyang asawa
at ang pagsunod ni Psyche sa planong sinabi ng kaniyang mga kapatid. Ang
takot at pagkalito na nabuo sa isipan ni Psyche tungkol sa kaniyang asawa.
Ang pagdala ni Psyche ng punyal at lampara na payo at plano sa kaniya ng
kaniyang mga kapatid para sa kaniyang asawa na hindi nakikita. Ang
pagpunta ni Psyche sa silid ng asawa at ang pagkatuklas ni Psyche sa tunay
na katauhan ng kaniyang asawa na isa pala itong napakagwapong lalaki sa
mundong ibabaw at hindi isang halimaw. Ang pagtulo ng langis ng lampara
sa balikat ng kaniyang asawa.
Ang pagkagising ni Cupid at ang pagkakatuklas nito na si Psyche ay
hindi sumunod sa usapan at ito ay nagtaksil. Ang paglisan ni Cupid sa
mansiyon at ang pagsasabi na “hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang
tiwala.” Ang pagkakatuklas ni Psyche na ang kaniyang asawa pala ay diyos
ng pag-ibig na si Cupid. Ang pag-uwi ni Cupid sa kaharian ng kaniyang ina na
si Venus at ang dagdag na galit na nabuo kay Venus sa pangyayaring
kaniyang natuklasan. Ang paghingi ng tulong ni Psyche sa mga diyos upang
makapiling muli ang kaniyang asawa subalit walang naging sagot.

Ang pagpunta ni Psyche sa kaharian ni Venus upang maging isang


alipin dahil alam niya na siguradong pumunta si Cupid sa kaniyang ina para
gamutin nito ang kaniyang mga sugat na natamo pero hindi naman ginamot
ni Venus sa kauna-unahan. Ang pagbibigay ni Venus ng mga mahihirap na
pagsubok sa mortal na si Psyche. Ang tulong na ibinigay ng mga nilalang sa
pagsubok kay Psyche dahil sa pagkaawa nila sa nasabing mortal. Ang
karupukang ipinakita ni Psyche sa pagnanais na kumuha ng ganda para
gumanda sa kahon na ibinigay ni Proserpine para kay Venus. Ang
pagkakatulog ni Psyche malapit sa kaharian ni Venus.

c. Wakas - Ang pagkakahilom ng mga sugat ni Cupid. Ang pagkasabik nitong


makita ang asawang si Psyche dahil mahirap bihagin ang pagmamahal. Ang
pagtakas ni Cupid sa pagkakakulong na inihanda nang inang si Venus. Ang
pagkakakita ni Cupid na si Psyhe ay nahimatay. Ang pagkikitang muli nina
Cupid at Psyche at ang muling pagpapaalala ni Cupid kay Psyche sa pagiging
mausisa nito na muling humantong sa kaniyang kapahamakan.

Ang pag-uutos ni Cupid kay Psyche na pumunta kay Venus. Ang


pagpunta naman ni Cupid kay Jupiter (diyos ng mga diyos at tao) upang
humingi ng tulong. Ang kabaitang ipinakita ni Jupiter sa pagtupad at
pagpayag sa kahilingan ni Cupid na tiyaking hindi na sila ni Psyche
gagambalain pang muli ng kaniyang ina. Ang pagpapatawag ni Jupiter ng
isang pulong ng mga diyos kasama na si Venus. Ang pagdadala ni Mercury
kay Psyche sa nasabing pulong ng mga diyos. Ang pagpapahayag ni Jupiter
na si Cupid at Psyche ay pormal ng mag-asawa.

Ang pagpapakain ni Jupiter kay Psyche ng ambrosia na pagkain ng mga


diyos upang maging imortal. Ang pagkapanatag ni Venus sa nasabing
pangyayari dahil si Psyche ay isa nang diyos at hindi na si Psyche ay
magiging panggambala sa pagsamba kay Venus bilang diyosa. Ang
pagsasamang muli nina Cupid at Psyche kahit maraming hirap at pasakit ang
kanilang nadaanan. Ang pagsasama nilang dalawa bilang mag-asawa
magpakailan man.

You might also like