You are on page 1of 3

Name: James Matthew DP.

Paguio Petsa: Hulyo 11, 2023


Guro: Bb. Ellaine Khrizia M. Culalic Section: 10 - Resiliency

Cupid at Psyche

Noong unang panahon, may hari na may tatlong magagandang


anak na babae. Isa na dito si Psyche, ang pinakamaganda sa tatlo.
Labis siyang hinahangaan at sinasamba ng mga kalalakihan. Dahil
dito, napapabayaan at nakakalimutan nilang mag-alay kay Venus, ang
diyosa ng kagandahan. Sinabi rin nilang kahit si Venus ay hindi
mapapantayan ang ganda ni Psyche. Dahil sa inggit at galit, inutusan
ni Venus ang kanyang anak na si Cupid na paibigin si Psyche sa isang
halimaw. Sinunod naman ni Cupid ang utos ni Venus. Ngunit, nang
masilayan nito ang kagandahan ni Psyche ay umibig siya rito na
parang napana niya ang kaniyang sariling puso. Nang maka-uwi si
Cupid ay nilihim niya ang nangyari sa kaniyang ina. Nagtitiwala
naman si Venus sa kanyang anak kaya hindi na niya tinanong pa.
Ngunit hindi naganap ang kagustuhan ni Venus dahil walang nangyari.
Sa kabilang dako naman, nag-aalala ang mga magulang ni Psyche
dahil wala pa rin siyang asawa, kaya pinuntahan ng haring ama ni
Psyche si Apollo para humingi ng tulong. Sinabi naman ni Apollo na
dalhin nila ang kanilang anak sa tuktok ng bundok at bihisan ng
pamburol. Matapang naman na hinarap ni Psyche ang kanyang
kapalaran. Pagdating niya sa bundok, may nakita siyang mansiyon na
parang ginawa para sa mga diyos. Dito niya nakilala ang kaniyang
asawa, na hindi niya nakikita. Isang araw, pinuntahan siya ng
kaniyang mga kapatid. Dahil sa awa, tinulungan niya ang mga ito
kahit binalaan siya ng kaniyang asawa na huwag silang tutulungan.
Naingit naman ang mga kapatid ni Psyche dahil sa kayamanan nito
kaya sinabi nilang halimaw ang kaniyang asawa. Natakot naman si
Psyche. Binilin siya ng kanyang mga kapatid na sindihan ang lampara
at punyal para itarak sa dibdib ng kanyang asawa. Isang gabi, ng
natutulog na ang kanyang asawa ay ginawa na ni Psyche ang bilin ng
kaniyang mga kapatid. Nang makita nito ang mukha ng kanyang
asawa, agad siyang namangha dahil sa kagwapuhan nito at labis
naman siyang natuwa dahil hindi halimaw ang kaniyang asawa.
Ngunit, natuluan ng langis ang balikat ng kaniyang asawa kaya
nagising ito. Dito niya napagtanto na walang tiwala sa kaniya si
Psyche at umalis palayo. Nang malaman ni Psyche na si Cupid ang
kaniyang asawa, nagpasya siyang hanapin ito. Hinanap niya ito kung
saan-saan ngunit wala ito kaya pumunta siya kay Venus dahil
maaaring nandoon si Cupid. Ngunit, dahil sa galit si Venus sa kaniya,
binigyan niya ito ng mga pagsubok. Sa panghuling pagsubok, inutusan
ni Venus si Psyche na kumuha ng kagandahan kay Proserpine, ang
diyosa sa ilalim ng lupa. Nang makuha niya ito, nasubok ang
karupukan ni Psyche. Binuksan niya ang kahon kung saan niya nilagay
ang kagandahan na hiningi kay Proserpine. Nahimatay siya ng buksan
niya ito. Sa mga panahon na ito, magaling na si Cupid at sabik na
siyang makita ang kaniyang asawa. Pero, ikinulong siya ng kaniyang
ina. Nakatakas naman si Cupid sa bukas na bintana. Nakita niya si
Psyche malapit sa palasyo. Tinusok niya ang kaniyang busog upang
siya’y magising. Pinagalitan niya naman agad ito dahil sa ginawa niya.
Inutusan na niya itong ibigay kay Venus ang kahon. Pinuntahan
naman ni Cupid si Jupiter, ang diyos ng mga diyos at tao at hiniling na
huwag na gambalain ng kaniyang ina ang kanilang pag-iibigan ni
Psyche. Nagpatawag si Jupiter ng pagpupulong ng mga diyos kasama
si Venus. Sinabi nitong pormal ng ikinasal si Cupid at Psyche at wala na
dapat gumambala sa kanila. Idinala ni Mercury si Psyche sa kaharian
ng mga diyos at iniabot ang ambrosia, ang pagkain ng mga diyos
para maging immortal. Naging panatag na rin si Venus na maging
manugang si Psyche dahil diyosa na ito. Dito na nagtatapos ang
istorya.
Mensahe ng istorya: Hindi lahat ng gusto mo ay nakukuha mo, matuto
kang maghintay at hindi lahat ay nakukuha sa madaliang paraan tulad ng
ginawa ni Psyche upang maibalik niya ulit ang pagmamahal ni Cupid
sakanya. Wala ring pagmamahal na nabubuhay ng walang pagtitiwala na
katulad ng sabi ni Cupid nang tinangkang patayin siya ni Psyche dahil ang
tiwala ay ang pundasyon at tulay sa matibay na relasyon at isa rin ito sa
dapat na ingatan sapagkat hindi na ito maaaring ibalik o kung maibabalik
man ay hindi na buo.

You might also like