You are on page 1of 2

David Emmanuel Ubamos Grade 10-12

I. PANIMULA:
Si Psyche ay bunso sa tatlong magkakapatid, siya rin ang may pinakamagandang mukha sa
kanilang tatlo. Ultimo ang Diyosang si Venus ay walang ubra ang kagandahan. Nagagalit si
Venus kay Psyche dahil mas inaalayan at sinasamba pa ito ng mga tao kaysa sa kaniya na isang
Diyosa. Hanggang napabayaan na ang templo ni Venus at unti-unti na itong nasira. Sa inis ni
Venus inutusan niya ang kaniyang anak na si Cupid upang paibigin si Psyche sa isang halimaw
agad na sumunod si Cupid at hinanap ang babae.

Nang mahanap na niya si Psyche, siya ay nabighani sa taglay nitong kagandahan at hindi na niya
na sunod ang utos ng ina. Samantala si Psyche naman ay nabalot ng lungkot dahil hindi pa siya
nakakapag asawa ang kaniyang dalawang kapatid ay may asawa ng hari at namumuhay nang
masaya sa kanilang palasyo. Nagtungo ang amang hari ni Psyche kay Apollo at humingi ng
tulong, hindi alam ng hari ng nauna na si Cupid sa kaniya. Sinabi ni Apollo na
makakapangasawa si Psyche ng halimaw ayusan ito at ilagay sa tuktok ng bundok. Agad na
sinunod ito ng amang hari.

Nang magising si Psyche nasa ilog na siya at papunta sa isang mansyon. Ang mansyon ay may
mga aliping hindi makita. Lumipas ang araw at dumating na ang gabi, dumating na rin ang
kaniyang asawa ngunit katulad ng nga alipin sa mansyon ay hindi niya rin ito makita. Binalaan
ng lalaki si Psyche na 'wag gagawa ng ikapapahamak niya, dahil mapusok si Psyche ay hindi
niya ito sinunod ngunit pinagbigyan siya ng lalaki at nagkita sila ng kaniyang mga kapatid na
nagluluksa sa bundok. Inanniyahan niya ang kaniyang mga kapatid sa mansyon namangha ang
kaniyang kapatid sa kayamanan na natatamasa ni Psyche na balot ng inggit ang dalawang kapatid
ni Psyche at humantong sa malagim na plano.

Kinagabihan sa utos ng kapatid ni Psyche nagbukas siya ng lampara upang makita ang mukha ng
kaniyang asawa, bitbit ang punyal nagulat si Psyche sa gwapong mukha ng lalaki nagsisi si
Psyche at ng itatarak na niya ang punyal sa kaniyang dibdib nabitwan na man niya ito. Sa
kagustuhang makita pa ang mukha ng lalaki lumapit siya at natuluan ng mainit na langis sa balat
ang lalaki. Nagising ang lalaki at iniwan si Psyche sa mansyon.

Nagsisi si Psyche sa kaniyang ginawa nagpasiya siyang maglakbay upang hanapin si Cupid ang
kaniyang asawa. Nalaman ito ni Venus at binigyan ng pagsubok si Psyche. Kalaunan matapos
ang pagpapahirap pinatawag lahat ng Diyos at Diyosa at ikinasal ni Jupiter sina Cupid at Pyche
kalaunan, pumayag na si Venus sa pag iibigan ni Cupid at Psyche dahil imortal na ang babae at
hindi na mapagaalayan pa ng mga mortal.

II. PAGTATALAKAY
Sa kwentong Cupid at Psyche ang sumasalanin na isyung panlipunan dito ay ang pagiging sakim
ni Venus sa posisyon o kapangyarihan, na mahahalintulad natin ngayon sa ating bansa. Nalalapit
na ang eleksyon at ngayon ay ang iilang mga kandidato ay gagawin ang lahat makuha lang ang
posisyong gusto nila. Sa kaso ni Venus gusto niya s'ya lamang ang sinasamabang maganda at sa
kaniyang templo lamang nag aalay, kung kaya't bumuo siya ng hakbang upang maalis si Psyche.
Sa atin ngayon ay naghihilaan, nag sisisiraan o bumubuo sila ng black propaganda upang hindi
tangkilikin ang isang kandidatong kalaban nila.

Sa kultura ng Roman at Griyego kaakibat na nito ang mga kwentong mitolohikal. Napapakita ng
Cupid at Psyche kung anong kultura ang meron sakanila simula nung unang panahon na
hanggang ngayon ay nangingibabaw parin. Ang paniniwala sa mga Diyos at Diyosa, na pati ang
ibang bansa ay nahumaling na rin sa ganitong mitolohikal na kwento.

III. PAGLALAHAT
Iugnay ito sa UNSDG4-CLO4, Understands the important role of culture in achieving
sustainability. 

You might also like