You are on page 1of 3

Cupid At Psyche

Noong unang panahon, may isang hari na may tatlong anak. Ang isa sa
kanila ay si Psyche. Ang bunso at pinakamaganda sa tatlo. Labis syang
hinangaan ng mga kalalakihan at kahit ang kagandahan ng Dyosang si
Venus ay hindi ito mapapantayan.

Dahil dito, ang lahat ng papuri ay napunta kay Psyche at lubos itong
ikinagalit ni Venus at agad nitong inutusan ang anak na si Cupid upang
paibigin si Psyche sa isang halimaw.

Ngunit taliwas ito sa nangyari sapagkat si Cupid ay agad na umibig kay


Psyche nung unang beses pa lamang nya itong nakita.

Nang makauwi na si Cupid ay inilihim nito sa ina ang nangyari at tiwala


naman dito si Venus.

Hindi naganap ang gustong mangyari ni Venus kay Psyche na ito ay umibig
sa isang halimaw. Sa halip ay sinamba lamang ito ng mga kalalakihan
maliban doon ay tila walang nangahas na umibig kay Psyche.

Lubos na nabahala ang mga magulang ni Psyche kaya't lumapit ito kay
Apollo upang himingi ng payo.

Ngunit lingid sa kaalaman ng mga magulang ni Psyche ay nauna nang


humingi ng tulong si Cupid kay Apollo at gumawa ng plano.

Sinabi ni Apollo sa ama ni Psyche na bihisan ng damit pamburol ang anak


na dalaga at dalhin sa tuktok ng bundok. Dito ay susunduin daw ito ng
mapapangasawa na isang halimaw.

Malungkot na umuwi ang amang hari ni Psyche. Gayunman ay sinabi ng


hari ang kapalaran ng anak at buong tapang itong hinarap ng dalaga.

Noong nasa tuktok na ng bundok si Psyche ay unti-unti na itong nilamon ng


dilim. Natakot ang dalaga sa kung ano ang naghihintay sa kanya.

Hanggang sa umihip ang malambing na hangin at inilipad sya ng hangin


patungo sa isang damuhan na parang kama sa lambot at napapaligiran ng
mababangong bulaklak.
Napakapayapa ng lugar at saglit na nalimutan ni Psyche ang kalungkutan at
agad na nakatulog sa kapayapaan ng gabi. Nagising si Psyche sa tabi ng ilog
at natanaw niya ang isang mansyon na tila ginawa para sa mga Dyos.

Napakaganda nito, ginto at pilak ang mga haligi. Maya maya lamang ay may
narinig na tinig si Psyche at ang sinabi ng tinig na sila ay mga alipin at
sinabihang mag-ayos ang dalaga sapagkat sila'y may inihandang piging.

Lubos na nalibang si Psyche at kumain ito ng kumain ng masasarap na


pagkain. Sa pagsapit ng gabi ay dumating na ang mapapangasawa nya.

Tulad ng mga tinig na di nya nakikita ay ganoon din ang kanyang


mapapangasawa ngunit nawala rin ang takot nya na akala nya'y halimaw
ito ngunit sa wari nya ito pala ay isang lalaking matagal na nyang hinihintay.

Isang gabi ay kinausap sya ng lalaki at binalaan na darating ang dalawang


kapatid ni Psyche doon sa bundok kung saan siya ay inihatid ng mga ito.
Ngunit pinagbawalan si Psyche na magpakita sa mga kapatid.

Ganoon nga ang nangyari at walang nagawa si Psyche kahit naririnig nya
ang pag iyak nang kanyang mga kapatid. Sa mga sumunod na araw ay
nakiusap si Psyche na kung pwede ay makita ang mga kapatid at malungkot
na sumang ayon ang lalaki.

Kinaumagahan ay inihatid ng ihip ng hangin ang mga kapatid ni Psyche at


agad nagkita ang magkakapatid.

Dito nalaman ni Psyche na alam pala ng kanyang mga kapatid na halimaw


ang lalaki ayon sa saad ni Apollo sa kanilang ama ay bawal makita ang
mukha nito.

Doon natanto ni Psyche na kaya pala hindi nagpapakita ng mukha ang lalaki
marahil ay tama nga ang sinabi ng kanyang kapatid. Humingi ng payo si
Psyche sa kanyang mga kapatid ay siya'y binigyan ng punyal at lampara
upang makita sa dilim ang mukha ng lalaking mapapangasawa.

Nang mahimbing nang natutulog ang lalaki ay sinindihan ni Psyche ang


lampara at kinuha ang punyal. Lumapit ito sa higaan ng lalaki at laking tuwa
nya ng malamang hindi naman pala ito halimaw bagkus ay napakagwapo
pala nito.

Wari nya ay ito na ang pinaka gwapong nilalang sa mundo.


Sa pagnanais na makita ang mapapangasawa ay inilapit pa ni Psyche ang
lampara at natuluan ito ng mainit na langis sa dibdib na syang dahilan
upang magising ito. nalaman ng lalaki ang pagtataksil ni Psyche at agad
itong umalis.

Sinundan ni Psyche ang lalaki sa labas ngunit hindi na nya ito nakita.

Narinig na lamang niya ang tinig nito at ipinaliwanag kung ano talaga ang
pagkatao nito.

Umuwi si Cupid sa kanyang ina upang pagalingin ang sugat sa balikat. Agad
naman nitong nalaman ang pangyayari at determinado si Venus na ipakita
dito kung paano magalit ang isang Dyosa.

Naglakbay si Psyche at humingi ng tulong sa ibang Dyos ngunit bigo


sapagkat ang mga ito ay tumangging makaaway si Venus.

Nang dumating si Psyche sa palasyo ni Venus ay napahalakhak na lamang


ito at nabatid na nagpunta doon si Psyche upang hanapin ang
mapapangasawa.

Binigyan nito ng mahihirap na pagsubok si Psyche kabilang na dito ang


pagbuo ng hiwa-hiwalay na buto bago dumilim, pagkuha ng gintong
balahibo ng mapanganib na tupa, pagkuha ng itim na tubig sa malalim na
talon at kahon na may lamang kagandahan mula kay Proserpine.

Magaling na si Cupid bago bumalik si Psyche ngunit ang kanyang inang si


Venus ay ibinilanggo siya upang di makita si Psyche.

Masayang bumalik si Psyche sa palasyo ni Venus at si Cupid naman ay


nagtungo sa kaharian ni Jupiter upang humingi ng tulong na wag na silang
gambalain ng kanyang ina.

Nagpatawag ng pagpupulong si Jupiter kasama na doon si Venus at


ipinahayag na si Cupid at Psyche ay pormal nang ikinasal.

Dinala ni Cupid si Psyche sa kaharian ng mga Dyos at doon ay iniabot ang


"Ambrosia" na kapag kinain ay magiging imortal.

Naging panatag na si Venus na mapangasawa ni Cupid si Psyche sapagkat


isa na din itong Dyosa.

You might also like