You are on page 1of 2

Buod Cupid at Psyche

Noong unang panahon, may hari na may tatlong magagandang anak na babae at isa rito si Psyche na
pinakamaganda sa tatlong magkakapatid. Sa sobrang ganda ni Psyche asy talaga namang maraming napapaibig sa
kanya. Sa kagandahan ni Psyche at nalimutan ng magbigay ng alay at mapuri ang diyosa na si Venus. Maging sa
kanyang templo ay napabayaan. Ang dapat na karangalan niya ay napunta lamang sa isang mortal. Dahil dito,
nagalit si Venus at at inutusan nito si Cupid na kanyang anak upang paibigin si Psyche sa isang nakakatakot na
nilalang. ngunit sa hindi inaasahan ay nabaliktad ang nangyari at si Cupid and umibig kay Psyche na tila ba ay
napana ang kaniyang puso, umuwi si cupid at inilihim niya ito at dahil sa may tiwala si Venus ay hindi ito nausisa sa
anak.

Hindi umibig si Psyche sa isang nakakatakot na nilalang, kahit na siya'y sinasamba ngunit wala pa ring umiibig sa
kanya. Samantalang ang kanyang dalawang kapatid naman na malayo ang hitsura sa taglay niyang kagandahan ay
may mga asawa ng hari. Naging malungkot naman si Psyche at tila walang nais magmahal sa kaniya. Naglakabay
naman ang amang hari ni Psyche upang manghingi ng payo kay Apollo kung paano makakahanap ng mabuting iibig
may Psyche ngunit hindi alam ng amang hari na nauna ng humingi ng tulong si Cupid kay Apollo, ang sabi ni Apollo
sa hari na makapangangasawa si Psyche ng isang nakakatakot na nilalang kaya't sinabi ni Apollo na dapat sundin ng
amang hari ang kaniyang mga ipapayo.

Nang masunod na ng amang hari ang pinayo ni Apollo ay ipinag-utos niyang bihisan si Psyche ng pinakamaganda
niyang damit at pagkatapos ay ipinabuhat ng hari ang anak na parang ihahatid sa kaniyang libingan papuntang
tuktok ng bundok. Sa kabila naman ng mabigat na sitwasyon ay buong tapang na hinarapng dalaga na si Psyche ang
kaniyang kapalaran. Naghintay si Psyche habang padilim na ang bundok. Kahit na takot siya at hindi niya alam kung
ano man ang naghihintay sa kaniya ay patuloy pa rin siyang tumatangis sa takot hanggang dumating ang malaming
na ihip na hangin ni Zephyr. Inilipad siya nito at inilapag sa damuhang kasinlambot ny kama at pinahalimuyak ng
mabangong bulaklak. Nakatulog ito at nang magising na ay na sa tabing ilog at tanaw ang pampang nito ang isang
mansiyon. Nalibang si Psyche sa mansiyon, kumain ito at naaliw sa musika. Nag-iisa ito sa mansiyon, at sa
pagdating ng gabi ay darating na ang kaniyang mapapangasawa.

Nang alam niyang nakarating na ang lalaki ay nawala lagat ng takot nito ay alam niyang hindi halimaw ang
mapapangasawa. Nang makusap nito ang lalaki ay binalaan siyang may panganib may panganib na darating sa
kaniyang dalawang kapatid. Kinabukasan, narinig ni Psyche ang panangis ng kaniyang mga kapatid. Nais niyang
ibsan ang kanilang kalungkutan. Kinagabihan ay naabutan siya ng kaniyang asawa na umiiyak, sabi ng lalaki na
maari niya itong makita ngunit hinahanap mo ang sarili mong kapahamakan. Kinaumagahan, inihatid ng ihip ng
hangin ni Zephyr ang mga kapatid ni Psyche. Nag-uumapaw ang kaligayahan ng makita-kita sila, pumasok sila sa
mansiyon at pagkamangha ang naramdaman ng magkapatid. Nang matapos na ang pagdalaw ng kaniyang mag
kapatid ay dumakot si Psyche ng mga ginto at hiyas upang ibigay sa mga kapatid.

Noong gabing iyon, nakausap muli ng lalaki si Psyche. Sinabi ng lalaki na 'wag na ulit patuluyin ang kaniyang mga
kapatid sa kanilang tahanan. Kinabukasan muling dumalaw ang mga kapatid nito na may balak na sa kanilang
bunsong kapatid. Napilitang sabihin ni Psyche ang katotohanang bawal niya makita ang mukha ng kaniyang asawa.
Binuyi ng magkapatid kay Psyche na dapat na niyang malaman ang katotohanan bago pa mahuli ang lahat. Nang
nasabi na ng kaniyang mga kapatid ay humingi ito ng payo at isinagawa na ng mga kapatid niya ang kanilang balak.
Nang nabigay na ng mga kapatid niya ang payo ay iniwan nilang litong-lito si Psyche. Sa wakas, gagawin na ni
Psyche ang payo ng mga kapatid ngunit ng malaman niyang hindi halimaw ang
asawa niya at ito ang pinakaguwapong nilalang sa mundo ay labis na ang kahihiyan nito sa sarili at binalak niyang
saksakin ang sarili. Nang akma niyang itatarak ang punyal sa kaniyang dibdib ay nahulog niya ito, sa pagnanais
niyang pagmasdan ang asawa ay inilapit nito ang lampasa at natuluan ang lalaki ng langis sa balikat nito at nagising
at nang natuklasan nito amg pagtatakdil ay napalisan ang lalaki at hindi nagsalita.

Sinundan ni Psyche ang asawa sa paglabas at nang hindi na niya ito makita aytinig na lang ang marinig niya rito,
Ipinaliwanag ng asawa niya kung sino talaga siya sinabi pa nito ay "Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang
tiwala" bago tuluyang lumipad papalayo.
Inipon ni Psyche ang nalalabi niyang lakas at sinabing "Ibubuhos ko ang bawat patak ng aking buhay upang hanapin
siya, kung wala na siyang natitirang pagmamahal sa akin, maipapakita ko sa kaniya kung gaano ko siya kamahal".
Samantalang si Cupid ay umuei na sa kaniyang ina, Isinalaysay niya ang nangyari.
Nagpupuyos sa galit si Venus at lalong nagselos kay Psyche. Iniwan niya si Cupid at hindi man lang tinulungang
gamutin ang sugat nito.

Patuloy na naglakabay si Psyche, Siya ay nag-aalay ng marubdob na panalangin sa mga diyos ngunit wala ds kanila
ang naid maging kaaway si Venus. Alam ni Psychr na wala siyang pag-asa sa lupa o langit man, kaya't minabuti
niyang magtungo sa kaharian ni Venus at iaalay niya kaniyang sarili upang maging alipin para sa ganitong paraan ay
humupa ang galit ni Venus. Nang nakarating si Psyche ay humalakhak ng malakas ang diyosa na si Venus. Sinabi
nig diyosa kay Psyche ang mga sinabi ni Cupid sa kaniya at sinabi rin ni Venus na tutulongan niya ito sa pagsasanay.
Ibinuhos nito ang isang malaking lalagyang ng puno na iba't ibang uri ng maliliit na buto, Inutusan niya si Psyche na
bago dumilim dapat ay nagpagsama-sama na niya ang magkakauring buto.

Tinignan ni Psyche asng tumpokbna mga buto. Nasa ganitong pagmumuni si Psyche nang pagmasdan siya ng mga
langgam, tinulungan siya ng mga langgam at agad na natapos ang gawain,
pagdasting ni Venus ay hindi siya natuwa
nakita niya. Binigyan ni Venus si Psyche ng matigas na tinapay at sinabing sa sahig siya matutulog. Sinigurado niya
namang hindi makakalabas ng silid si Cupid habang pinapahilom ang sugat.
Kinaumagahan, isang mapanganib pagsubok ang binigay kay Psyche. Pinakukuha niya si Psyche ng gintong
balahibo ng mag tupa at ang nga tupa na iyon ay mapanganib. Nang marating ni Psyche ang ilog ay natukso itong
tumalon at nagpalunod na lamang upang matapos ang paghihirap ngunit may narinig siyang tinig mula sa halamang
nasa tabi at binigyan ito ng payo, sinunod ni Psyche ang payo ng halamang nasa tabi ng ilog at umuwi siya sa
kaharian ni Venus na dala ang mga gintong balahibo ng tupa.

Nagalit si Venus kay Psyche dahil inaakala nitong may tumulong sa kanya, Itinuro ni Venus sa malayo ang itim na
tubig ng balon, binigyan niya si Psyche ng prasko at pupunuin ng itim na tubig. Nagtungo na si Psyche sa ilog ng
Styx at nakita niyang malalim ito at mabato. Sa lahat ng mga pagsubok ay ito ang pinakamapanganib. Isang agila
ang dumagit sa praskong tangan ni Psyche at lumipad sa talon, pagbalik ng agila ay puno na ng yubiiang prasko.
Hindi pa rin sumuko si Venus kay Psyche at ipinagpatulog ang pagpapahirap dito. Binigyan niya si Psyche ng isang
kahon na pinaglalagyan niya ng kagandahang kukunin niya kay Psyche na kailangan kay Proserpine . Dala ang
kahon pinuntahan nito ang kaharian ni Hades.
Tinulungan si Psyche ng isang tore at nagbigay ito ng detalyadong hakbang patungo sa kaharian ng lupa. Nang
nagaea na ni Psyche ang lahat ng ipinaliwanag ng tore ay pinaunlakan din ni Proserpine amg kahilingan ni Venus. Sa
paghangad niya dng karagdagang kagandahan ay binuksan ni Psyche ang kahon at tila walang laman subalit
nakadama siya ng matinding panghihina at agad nakatulog.

Sa panahong ito ay magaling na si Cupid. Sabik na siyang makita si Psyche ngunit binilanggo ito ng kaniyang ina.
Humanap ng paraan si Cupind upang makatakas, Nakakita ito ng bukas na binatana at tumakas. Nahanap agad ni
Cupid ang asawa at agad niyang sinilid ang gayuma, Bahagya niyang tinusok ang kaniyang busog upang magising si
Psyche. Sinabi niyang magtungo si Psyche sa kaniyang ina ay ibigay ang kahon. Nagtungo na si Psyche sa palasyo
at si Cupid naman ay pumuntang kahatian ni Jupiter, ang diyos ng mga diyos at tao at humiling ito na tiyaking hinti na
sila gagambalaun ng ina at pumayag si Jupiter. Nagpulong-pulony ang nga diyos at diyosa. Ipinahayag na ikakasal
sina Cupid at Psyche at walang dapat gumambal sa kanila maging si Venus. Naging masaya naman ang kanilang
pagsasama at mahal nila ang isa't isa.

You might also like