Professional Documents
Culture Documents
Cupid and Psyche
Cupid and Psyche
Noong unang panahon, may isang hari na may tatlong anak. Ang isa sa kanila ay si
Psyche. Ang bunso at pinakamaganda sa tatlo. Labis syang hinangaan ng mga
kalalakihan at kahit ang kagandahan ng Dyosang si Venus ay hindi ito mapapantayan.
Dahil dito, ang lahat ng papuri ay napunta kay Psyche at lubos itong ikinagalit ni
Venus at agad nitong inutusan ang anak na si Cupid upang paibigin si Psyche sa
isang halimaw.
Ngunit taliwas ito sa nangyari sapagkat si Cupid ay agad na umibig kay Psyche nung
unang beses pa lamang nya itong nakita.
Nang makauwi na si Cupid ay inilihim nito sa ina ang nangyari at tiwala naman dito
si Venus.
Hindi naganap ang gustong mangyari ni Venus kay Psyche na ito ay umibig sa isang
halimaw. Sa halip ay sinamba lamang ito ng mga kalalakihan maliban doon ay tila
walang nangahas na umibig kay Psyche.
Lubos na nabahala ang mga magulang ni Psyche kaya''t lumapit ito kay Apollo upang
himingi ng payo.
Ngunit lingid sa kaalaman ng mga magulang ni Psyche ay nauna nang humingi ng tulong
si Cupid kay Apollo at gumawa ng plano.
Sinabi ni Apollo sa ama ni Psyche na bihisan ng damit pamburol ang anak na dalaga
at dalhin sa tuktok ng bundok. Dito ay susunduin daw ito ng mapapangasawa na isang
halimaw.
Malungkot na umuwi ang amang hari ni Psyche. Gayunman ay sinabi ng hari ang
kapalaran ng anak at buong tapang itong hinarap ng dalaga.
Napakaganda nito, ginto at pilak ang mga haligi. Maya maya lamang ay may narinig na
tinig si Psyche at ang sinabi ng tinig na sila ay mga alipin at sinabihang mag-ayos
ang dalaga sapagkat sila''y may inihandang piging.
Tulad ng mga tinig na di nya nakikita ay ganoon din ang kanyang mapapangasawa
ngunit nawala rin ang takot nya na akala nya''y halimaw ito ngunit sa wari nya ito
pala ay isang lalaking matagal na nyang hinihintay.
Isang gabi ay kinausap sya ng lalaki at binalaan na darating ang dalawang kapatid
ni Psyche doon sa bundok kung saan siya ay inihatid ng mga ito. Ngunit pinagbawalan
si Psyche na magpakita sa mga kapatid.
Ganoon nga ang nangyari at walang nagawa si Psyche kahit naririnig nya ang pag iyak
nang kanyang mga kapatid. Sa mga sumunod na araw ay nakiusap si Psyche na kung
pwede ay makita ang mga kapatid at malungkot na sumang ayon ang lalaki.
Dito nalaman ni Psyche na alam pala ng kanyang mga kapatid na halimaw ang lalaki
ayon sa saad ni Apollo sa kanilang ama ay bawal makita ang mukha nito.
Doon natanto ni Psyche na kaya pala hindi nagpapakita ng mukha ang lalaki marahil
ay tama nga ang sinabi ng kanyang kapatid. Humingi ng payo si Psyche sa kanyang mga
kapatid ay siya''y binigyan ng punyal at lampara upang makita sa dilim ang mukha ng
lalaking mapapangasawa.
Nang mahimbing nang natutulog ang lalaki ay sinindihan ni Psyche ang lampara at
kinuha ang punyal. Lumapit ito sa higaan ng lalaki at laking tuwa nya ng malamang
hindi naman pala ito halimaw bagkus ay napakagwapo pala nito.
Sinundan ni Psyche ang lalaki sa labas ngunit hindi na nya ito nakita.
Narinig na lamang niya ang tinig nito at ipinaliwanag kung ano talaga ang pagkatao
nito.
Umuwi si Cupid sa kanyang ina upang pagalingin ang sugat sa balikat. Agad naman
nitong nalaman ang pangyayari at determinado si Venus na ipakita dito kung paano
magalit ang isang Dyosa.
Naglakbay si Psyche at humingi ng tulong sa ibang Dyos ngunit bigo sapagkat ang mga
ito ay tumangging makaaway si Venus.
Magaling na si Cupid bago bumalik si Psyche ngunit ang kanyang inang si Venus ay
ibinilanggo siya upang di makita si Psyche.
Dinala ni Cupid si Psyche sa kaharian ng mga Dyos at doon ay iniabot ang "Ambrosia"
na kapag kinain ay magiging imortal.