You are on page 1of 3

Buod ng Cupid at Psyche

Mitolohiyam ula sa Roma


isinulat ni Lucius Apuleius Madaurensis
Isinalin sa Ingles ni Edith Hamilton Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat

Nagsimula ang istoryang “Cupid at Psyche” sa isang mortal na dalaga na


ubod ng ganda na si Psyche. Ngunit kahit gaano pa siyang kaganda, wala pa rin
siyang asawa. Sa sobrang ganda niya ay hindi na siya iniibig ng kalalakihan, sa
halip ay gusto nalang nila siyang sambahin. Lingid sa kaalaman ni Psyche,
nagagalit sa kanya ang Diyosa ng kagandahan na si Venus, sapagkat tila ba
nalilimutan na siyang sambahin ng mga kalalakihan dahil lamang sa isang mortal.
Dahil sa inggit nabuo ang plano ni Venus na paibigin si Psyche sa isang halimaw.
Nagpatulong siya kay Cupid, ngunit maging si Cupid ay napaibig din sa kanyang
kagandahan kaya hindi niya nasunod ang plano. Samantala, sa kagustuhan ng
amang hari ni Psyche na magkaroon na siya ng mapapangasawa, komunsulta siya
kay Apollo. Hindi alam ng ama ni Psyche na nauna ng humingi ng tulong si
Cupid. Nagbigay ng payo si Apollo sa hari kung paano matatagpuan ni Psyche
ang halimaw na iibig sa kaniya. Sumunod ang hari sa gabay ni Apollo. Pinadala
nila si Psyche sa bundok kung saan siya susunduin ng kanyang mapapangasawa.
Nagluksa ang lahat sa pag-aakalang katapusan na iyon ni Pysche. Takot at
pangamba ang nangingibabaw kay Psyche. Dumating na si Zypher, ang susundo
kay Psyche patungo sa kaniyang asawa. Nang maihatid na niya si Psyche sa
palasyo ng kanyang mapapangasawa, nawala ang lahat ng kanyang takot, lalo na
ng mapakinggan ang malambing na boses ng kanyang mapapangasawa. Hindi
niya nakikita ang asawa, sa halip ay naririnig lamang niya ang tinig nito. Isang
gabi, nag-uusap sina Cupid at Psyche tungkol sa kanyang mga kapatid na
magdadala sa kanya ng kapahamakan.Noong nagluluksa ang mga kapatid ni
Psyche para sa kanya, narinig niya iyon. Sa sobrang awa, nakiusap si Psyche kay
Cupid. Kahit sobrang bigat ng desisyon na iyon kay Cupid ay pinayagan niya si
Psyche. Inihatid ni Zephyr ang dalawang kapatid patungo sa palasyo. Lubos na
namangha ang mga ito dahil ang palasyo ay ginto. Naiingit sila kay Psyche kaya
gumawa sila ng masamang plano laban sa kanyang kapatid. Ginulo ng dalawang
kapatid ni Psyche ang isip niya hanggang hindi na niya alam ang kanyang
gagawin. Sinabi ng mga kapatid niya na halimaw si Cupid at marapat niya itong
patayin.
Noong gabi na gagawin na ni Psyche ang pagpaslang kay Cupid, siya ay
natigilan. Sa liwanag ng dala niyang lampara, sa wakas, nakita na niya ang mukha
ng kanyang asawa. Nakita niya si Cupid na hindi halimaw, kundi ang
pinakagwapong nilalang sa buong mundo. Labis ang kanyang pagsisisi. Sa
kagustuhan niyang pagmasdan ang mukha ni Cupid, inilapit niya ang lampara. Sa
kasamang palad, natuluan si Cupid ng langis at siya ay nagising at nalaman ang
pagtataksil ng asawa. Agad siyang umalis upang pumunta sa kanyang inang si
Venus. Kinuwento ni Cupid ang nangyari at dumagdag pa ito lalo sa galit ni
Venus kay Psyche.Alam ni Psyche na hindi siya mapapatawad ng diyosa na si
Venus dahil sa kanyang nagawa. Ganunpaman, gagawin niya ang lahat para
patunayan ang kanyang pagmamahal kay Cupid.

Naglakbay si Psyche papunta sa kaharian ni Venus, nagbabakasakaling


nandoon ang kanyang asawa para humingi ng tawad kay Venus. Sa mga
panahong iyon, nagpapagaling pa si Cupid. Binigyan ni Venus si Psyche ng
tatlong pagsubok. Una, ang pagsasama-sama ng uri ng mga buto, natapos niya
iyon sa tulong ng mga langgam. Pangalawa, ang pagkuha ng gintong buhok sa
mga mababangis na tupa, nalagpasan niya ang pangalawang pagsubok sa payo
ng isang halaman. Pangatlo, ang pagkuha ng maitim na tubig sa ilog ng Styx
mula sa malalim at mabatong balon, naisakatuparan niya iyon sa tulong ng isang
agila.

Hindi pa rin sumusuko si Venus sa pagpapahirap kay Psyche binigyan niya


ng pang-apat na pagsubok si Psyche. Ang pagpakuha ng kagandahan na ilalagay
sa isang kahon. Makukuha ito mula kay Proserpine na reyna sa ilalim ng lupa.
Tinalunton niya ang daan papunta sa kaharian ni Hades bago siya makarating
siya makarating sa kaharian sa ilalim ng lupa sa tulong ng isang Tore, ni charon
na isang bangkero, at asong may tatlong ulo. Napagtagumpayan niya ang
pagkuha ng kahon ng kagandahan subalit nasubok muli ang kanyang karupukan
sa paghahangad na madagdagan pa ang kanyang kagandahan.

Dahil dito, siya ay hinimatay at kinulong ni Venus. Sa kabilang dako


gumaling na si Cupid at sabik na sabik nang makita ang kanyang asawa kaya
hinanap niya ito at nakita niya malapit sa kanilang palasyo. Agad niyang isinilid
ang gayuma sa kahon at muling nagsama ang dalawa. Binigyan na ng
pagkakataon si Psyche na maging immortal sa pamamagitan ng pagkain ng
ambrosia. Mula noon silay namuhay ng masaya at mapayapa.

You might also like