You are on page 1of 4

Cupid at Psyche

I.PANIMULA
URI NG PANITIKAN: -Kwentong mitolohikal
BANSANG PINAGMULAN: -Ang kuwento nina Cupid ay
Psyche ay nagmula sa Roma kung saan nagsimula rin ang
iba't ibang uri ng mitolohiya at panitikan. Ang kuwentong
ito ang tinaguriang pinagmulan ng bagong henerasyon ng
mga tao.
PAGKILALA SA MAY AKDA: -Ang kwentong cupid at
psyche ay isinalin sa ingls ni Edith Hamilton at isinalin sa
filipino ni Vilma C. Ambat
LAYUNIN NG MAY AKDA: -Ang layunin nito ay ipahayag
sa lahat na tiwala ang pinaka-importanteng parte ng
pagmamahalan at nais rin nitong ipaalam sa mambabasa na
ang anumang tagumpay o kasiyahan ay nagmula sa
paghihirap
II.PAGSUSURING PAGNINILAY
TEMA O PAKSA NG AY AKDA: -Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala
MGA TAUHAN \KARAKTER SA AKDA: -Cupid -Psyche -Apollo -Hari -Dalawang
Kapatid ni Psyche -Zephyr -Jupiter -Mercury -Proserpine -Eenus -Charon -Laggam -Halaman -
Agila -Tore -Asong May tTatlong Ulo

TAGPUAN/PANAHON -Sa kaharian ng ama ni Psyche -Sa templo ng Diyosang si Venus -Sa
tuktok ng Bundok kung saan dinala si Psyche ng kanyang amang hari. -Sa palasyo ng bagong
asawa ni Psyche -Sa Kaharian ni Zeus, ang Hari o Ama ng lahat ng Diyos sa Olympus.

BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI:


1. May isang napakagandang mortal na tinatawag na Psyche. Lubha siyang maganda kaya't
nakakalimutan na ng lahat ang mag-alay sa Diyosa ng kagandahan na si Venus dahil nandoon
na kay Psyche ang kanilang oras. Nagalit si Venus kaya't inutusan ang anak na si Cupid na
paibigin si Psyche sa isang nakakatakot na nilalang.j

2. Hindi sinunod ni Cupid ang utos ng ina dahil siya man ay napaibig din sa ganda ni Psyche
ngunit ito ay nanatiling lihim mula sa kanyang ina.

3. Dahil labis na nabagabag ang ama ni Psyche kung bakit walang lalaking umiibig sa kanya
kaya humingi siya ng payo kay Apollo at siya'y sinabihan na dalhin si Psyche at damitan ng
maganda sa isang bundok.

4. Imbes na mapahamak sa bundok ay doon pa niya nakilala ang lalaking magpapaibig sa


kanya at nagdala kay Psyche sa palasyo ngunit hindi pa nagpapakita ang lalaki sa kanya.

5. Dumalaw ang mga kapatid ni Psyche at sinulsulan siya na alamin ang pagkatao ng asawa
dahil baka ito ay halimay at sinunod naman ito ni Psyche resulta kung kaya't nasaktan niya si
Cupid at umalis.

6. Pumunta si Psyche sa kaharian ni Cupid upang suyuin ito ngunit pinahirapan lamang siya ni
Venus at kung anu-anong pagsubok ang binigay.

7. Nang malaman ni Cupid na nandoon ang asawa ay agad niya itong tinulungan at hiniling
mula kay Jupiter ang ambrosia, isang pagkain upang magiging imortal.

8. Simula sa araw na iyon ay naging imortal na si Psyche at namuhay sila ng maligaya

KULTURANG NAGSALIN SA AKDA: -Ang akdang Cupid at Psyche ay isang


mitolohiya na nagpapakita ng kultura ng mga sinaunang Griyego at Romano. Ang
labis na paniniwala nila sa kanilang intinuturing na mga diyos at diyosa ay malaking
impluwensya sa kanilang panitikan. Ang moral na batas na inilahad ng mga
pinaniniwalaang diyos nila ay naging batayan ng pamumuhay ng mga sinaunang
Griyego at Ehipto.Ang akdang ito ay tungkol sa pag-iibigan nina Cupid (diyos ng pag-
ibig) at Psyche (mortal na naging imortal sa tulong ni Jupiter o Zeus). Ang kwento ng
kanilang pag-iibigan ay sumisimbolo ng Kahirapan at Walang pantay na pag-iibigan.
III.PAGSUSURING PANGKAISIPAN

MGA KAISIPAN\IDEYANG TAGLAY NG AKDA: -


Hindi mabubuhay ang pag ibig kung walang tiwala
ESTILO NG PAGSUSULAT NG AKDA: -May mga
malalim at talinhagang salita.
IV. Buod
Noong unang panahon mayroong isang hari na may tatlong anak na babae. Isa si
Psyche sa tatlong magkakapatid at siya ang pinaka maganda sa mga magkakapatid.
Sa sobrang ganda ni Psyche ay talaga namang maraming umibig sa kanya. Sinasabi
rin na kahit ang diyosa ng kagandahan na si Venus ay hindi kayang tumapat sa
gandang taglay ni Psyche. Ikinagalit ito ni Venus at mas lalo pang nakapag pagalit
sa kanya ay nakalimot na rin ang mga kalalakihan na magbigay ng alay sa kanya,
maging ang kanyang templo ay napabayaan na. Ang dapat sana na atensyon at mga
papuri na para sa kanya ay napunta sa isang mortal.

Dahil dito, nagalit si Venus at inutusan niya ang kanyang anak na si Cupid upang
paibigin si Psyche sa isang nakatatakot na nilalang, ngunit ang nangyari ay ang
kabaligtaran. Si Cupid ang umibig kay Psyche na tila siya ang nabiktima ng sarili
niyang pana. Inilihim ito ni Cupid sa kanyang ina, at dahil sa kampante naman si
Venus sa kanyang anak hindi na rin ito nag-usisa.

Hindi umibig si Psyche sa sa isang nakakatakot na nilalang, ngunit wala ring


umibig sa kanya. Kahit na sobra ang pagmamahal ng mga ginoo kay Psyche ay
sapat na sa kanila ang nakikita lang nila ang dalaga. Samantalang ang kanyang
dalawang kapatid ay nakapag-asawa na ng hari. Nagging malungkot si Psyche sa
mga nangyayari. Kaya naglakbay ang amang hari ni Psyche upang humingi ng
payo kay Apollo upang makahanap ng mabuting lalaking makakabiyak ng kanyang
anak. Hindi alam ng amang hari na naunahan na siya ni Cupid upang hingin ang
tulong ni Apollo kaya sinabi ni Apollo sa hari na makakapangasawa ng isang
nakakatakot na halimaw ang kanyang anak at kailangan nilang sundin ang
kanyang ipapayo.

Nang nagawa na ng amang hari ang lahat ng ipinayo ni Apollo. Ipinag-utos niyang
bihisan si Psyche ng pinakamaganda niyang damit. Pagkatapos mabihisan si
Psyche, ipinabuhat ng hari ang anak na parang ihahatid sa kaniyang libingan
papunta sa tuktok ng bundok. Nang makarating sa bundok na paroroonan
naghintay ang magandang dalaga sa kanyang mapapangasawa. Walag kamalay
mala yang magandang dalaga na ang kanyang mapapangasawa ay ang Diyos ng
pag-ibig na si Cupid.

Naging Masaya naman ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa mahal na mahal
nila ang bawat isa ngunit may isang bagay ang hindi masilayan ni Psyche, ang
mukha ng kanyang kabiyak. Nangako si Psyche sa kanyang kabiyak na kahit kalian
ay hindi niya sasabihin sa mga kapatin niya na hindi pa niya nasisilayan ang mukha
ng kanyang asawa, ngunit ang mga kapatid pala ni Psyche ay may masamang
binabalak at sa pangalawang pagbisita ng mga ito kay psyche sinulsulan nila ito na
suwain ang kondisyon ng kanyang asawa.

Sa unang pagkakataon ay nasilayan niya ang napakagwapong mukha ni Cupid


ngunit ito ay muntik ng ikamatay ni Cupid dahil sa isang aksidente .Nang malaman
ito ni Venus ay lalo itong nagalit kay Psyche at irto ay pinahirapan niya ng husto.
Iba’y ibang mga pagsubok ang ipinagawa niya kay Psyche subalit nalagpasan itong
lahat ni Psyche at ‘di naglaon Ang pag-ibig (Cupid), at kaluluwa (Psyche) ay
nagkatagpo sa likod ng mapapait na pagsubok sa kanilang pagsasama ay hindi na
mabubuwag kailanman.

You might also like