You are on page 1of 11

Pagsusuri sa Mitolohiya

I. Panimula
a. Pamagat: Cupid at Psyche
b. May-akda: Lucius Apuleius Madaurensis (ika-2 siglo) na isinalin sa Ingles ni Edith
Hamilton at isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
c. Sanggunian: https://brainly.ph/question/474525/

II. Tauhan
 Psyche – Isang prinsesa at bunsong anak sa tatlong magkakapatid na babae
na labis na hinahangaan at sinasamba ng kalalakihan dahil sa kaniyang
walang kapantay na kagandahan.Isang marupok na babae na naging asawa ni
Cupid at naging imortal dahil sa pagkaing tinatawag na Ambrosia.
 Venus – Diyosa ng kagandahan na na-inggit sa papuri at pagsambang natamo
ng isang mortal na si Psyche. Siya ay Ina ni Cupid.
 Cupid – Ang diyos ng pag-ibig. Isang imortal na umibig kay Psyche. Kapilas ng
buhay ni Psyche. Mabait at may aking taglay na kagwapuhan. Pinaniwalaan
ng Ama ni Psyche na siya ay isang halimaw na ahas na may pakpak.
 Apollo – Diyos na tagapayo ng mga mortal at imortal. Ang diyos na nagbigay
ng orakulo patungkol sa mapapangasawa ni Psyche.

 Haring Ama ni Psyche – Isang mapagmahal na Ama ng tatlong magagandang


prinsesa.
 Zephyr – ang hangin na nagsilbing taga-hatid.

 Mga alipin – Mga katulong sa mansiyon na nilikha ni Cupid para kay Psyche.
Sila’y maririnig subalit hindi nakikita.
 Mga Langgam – Ang tumulong kay Psyche sa unang pagsubok upang
makahanap ng asawa na ibinigay ni Venus.
 Mga Tupa – Sila’y nagtataglay ng gintong balahibo na pinakuha ni Venus kay
Psyche bilang pangalawang pagsubok. Mga mababangis at mapanganib na
hayop na nagpapahinga tuwing hapon sa tabi ng ilog.
 Tinig mula sa halamanang nasa tabi ng ilog – Ang tumulong kay Psyche sa
pangalawang pagsubok na ibinigay ni Venus.
 Agila – Isang hayop na may pakpak na tumulong kay Psyche sa ikatlong
pagsubok. Dinagit niya ang prasko na hawak-hawak ni Psyche at kumuha ng
itim na tubig sa ilog ng Styx. Dahil sa kaniya ay napalayo si Psyche sa
kapahamakan at panganib.
 Proserpine – Ang Reyna sa ilalim ng lupa na asawa ni Hades. Siya ay
mayroong pamganda na gumagana lamang sa mga imortal.
 Hades – Ang Diyos ng kamatayan naasawa ni Proserpine sa ilalim ng lupa.
 Isang Tore – Ang tumulong kay Psyche sa ikaapat at huling pagsubok ng
mortal. Ito’y nagbigay ng detalyadong hakbang patungo sa kaharian sa ilalim
ng lupa.
 Charon – Bangkero sa ilog ng kamatayan.
 Asong may tatlong ulo – Hayop na tagabantay ng palasyo sa ilalim ng lupa.
Kapag binigyan ito ng cake ay nagiging maamo at pumapayag na patuluyin
ang nagbigay ng cake sa kaniya.
 Jupiter –Ang diyos ng mga diyos at tao. Ang pormal na nagpahayag na sina
Cupid at Psyche ay mag-asawa na at wala nang dapat gumambala sa kanilang
dalawa. Ang nagbigay kay Psyche ng Ambrosia na isang pagkain ng mga Diyos
upang maging isang imortal ang isang tao. Siya’y maunawaing Diyos.
 Mercury – Ang dumala kay Psyche sa kaharian ng mga Diyos.
 Mga nakakatandang kapatid ni Psyche – Mga anak ng Hari at ate ni Psyche na
may angking kagandahan pero walang kapantay sa kanilang bunso. Sila’y
naunang nakapanga-asawa kay Psyche at nagkaroon ng kani-kaniyang
palasyo. Nainggit sa natamong kapalaran ni Psyche at nagplano ng masama
sa asawa ng bunso nilang kapatid.

III. Tagpuan
 Palasyo ng Hari (Ama ni Psyche)
 Damuhan
 Tabi ng Ilog
 Mansiyon
 Kaharian ni Venus
 Ilog ng Styx
 Ilalim ng Lupa / Kaharian ni Proserpine at Hades
 Ilog ng Kamatayan
 Kaharian ni Jupiter

IV. Mga Simbolo/Tayutay


 Psyche – sinisimbolo niya ang isang nilalang na hinahangad ng lahat ng
kababaihan at hinahangaan ng lahat ng kalalakihan. Sinisimbolo rin niya ang
isang bagay na madaling masira.
 Apollo – sinisimbolo niya ang isang nilalang na tapat sa salita at gawa na
gagawin ang lahat upang mapasaya ang iniirog. Simbolo ng kalinisan,
katapatan at pagmamahal.
 Venus – sinisimbolo niya ang isang nilalang na nagkaroon ng poot dahil sa
inggit.
 Apollo – sinisimbolo niya ang isang nilalang na bukas ang loob sa lahat ng
pagkakataon. Simbolo ng kabaitan at kawanggawa.
 Proserpine – sinisimbolo niya ang isang nilalang na may angking kayamanan
na hinahangad ng kababaihan.
 Charon – sinisimbolo niya ang isang nilalang na kailangan muna ng bayad
bago tumulong sa kaniyang kapuwa.
 Asong may tatlong ulo – sinisimbolo niya ang isang nilalang na kailangan
muna ng pagmamagandang loob bago humingi ng tulong sa kaniya.
 Jupiter – sinisimbolo niya ang isang nilalang na may angking katalinuhan at
pagkakaroon ng malawak na isipan.
 Mga kapatid ni Psyche – sinisimbolo nila ang isang nilalang na hindi
mapagkakatiwalaan sa harap ng problema at buhay. Simbolo ng inggit at
pagkaganid.
 Amang Hari ni Psyche – sinisimbolo niya ang isang Amang mapagmahal na
gagawin ang lahat para lamang mabigyan ng masaya at magandang bukas
ang kaniyang mahal na anak.
 Punyal – sumisimbolo sa kawalan ng tiwala.
 Lampara – sumisimbolo sa kaliwanagan at katotohanan.
 Mga pagsubok ni Venus kay Psyche – sumisimbolo sa pagpapahirap.
 Mga tumulong kay Psyche sa kaniyang pagsubok – sumisimbolo sa mga
nilalang na palaging maaasahan sa hirap ng buhay at kapighatian.
 Ambrosia – sumisimbolo sa kaginhawaan at kapangyarihan.
 Patalinghaga – ang ilan sa mga nakalimbag na simbolo sa nasabing akda ay
sadyang malalim ang kahulugan o gumagamit ng masining na pagpapahayag
katulad ng “labis na kalumbayan ang baon ng hari sa kaniyang pagbabalik sa
palasyo subalit agad pa rin siyang tumalima sa payo ni Apollo” at “siya ay
palagiang nag-aalay ng marubdob na panalangin sa mga diyos subalit wala sa
kanila ang nais maging kaaway si Venus”.
 Pagmamalabis – sa kadahilanang wala naman talagang ilog sa ilalim ng lupa
sapagkat ito ay purong kumukulong lava at wala naming aso dito sa
mundong ibabaw na may tatlong ulo. Pawang kathang isip lamang na ginawa
ng mga Italyano.
 Personipikasyon – ang halamang nasa tabi ng ilog ay binigyan ng buhay sa
nasabing miolohiya, ito ay nagkapagsalita at tinulungan si Psyche sa
ikalawang pagsubok na gustong ipagawa ni Venus.
 Paurintao – binigyang buhay ang Tore na wala namang buhay sapagkat ito ay
nakapagsalita at tumulong kay Psyche sa huli nitong pagsubok kay Venus.
Ang Tore ay isang istruktura lamang ng isang gusali at hindi nilalang na may
buhay katulad ng tao.
 Patanong – ang iilan sa mga salitang nakalimbag sa nasabing bahagi ng
mitolohiya ay naglalaman ng mga salitang patanong kagaya ng “mawawala
na nga ba siya sa akin nang tuluyan?” at “nagpunta kaba rito upang
maghanap ng mapapangasawa?”
 Padamdam – ang tauhang si Venus sa nasabing mitolohiya ay gumamit ng
pananalitang nagpapahayag ng matinding damdamin gaya ng “may tumulong
sa iyo!”
V. Buod

Noong unang panahon ay may isang napakagandang dilag na inibig ng isang anak ng
Diyosa. Tutol ang nanay ni Cupid na si Venus sa pagmamahalang ito. Ngunit naging mag-asawa
pa rin ang dalawa kahit hindi pa nakikita ni Psyche si Cupid dahil sa kahilingan at tulong na
hiningi ni Cupid kay Apollo na tinupad naman ng Diyos ng Musika at Pagpapayo at sa
kagandahan ng pagkakataon ay katulad din sa hinihingi ng Ama ni Psyche. Sinulsulan at binuyo
si Psyche ng kaniyang mga kapatid na dapat niyang makita ang mukha ng asawa dahil baka ito
ay isang halimaw. Naniwala naman si Psyche at sinuway ang utos ng asawa na hindi muna nito
dapat makita ang kaniyang mukha. Nagkasugat sa balikat si Cupid sanhi ng pagkatagas ng langis
mula sa ilawan na ginamit ni Psyche upang sipatin ang anyo ng guwapong asawa. Nagalit si
Cupid dahil sinuway siya ni Psyche at nagpasyang umalis muna dahil sa sakit sa balat at
damdaming natamo. Ginawa lahat ni Psyche upang bumalik ang asawa sa kaniya kahit
pinahihirapan siya ni Venus, siya ay hindi siya sumuko sa apat na pagsubok at pagpapahirap na
ibinigay ni Venus sa kaniya at dahil na rin sa tulong mga nilalang sa kaniyang paligid na naawa
sa magandang dilag. Sa huli ay naging imortal din si Psyche dahil sa ambrosia na binigay ni
Jupiter at namuhay ang mag-asawang Cupid (pag-ibig) at Psyche (kaluluwa) nang maligaya na
walang gumagambala sa kanila magpakailaman.

VI. Galaw ng Pangyayari


a. Simula – Ang pagpapakilala sa anak ng Hari na nagngangalang Psyche. Si Psyche
ay lubos na hinahangaan ng lahat ng kalalakihan na humantong sa pagsasamba
sa kaniya. Ang kaganapang ito ay humantong sa pagbabalewala sa Diyosa ng
kagandahan na si Venus, dahil dito ay nagalit ang Diyosa at pinapunta niya ang
kaniyang anak na si Cupid kay Psyche upang parusahan ang mortal. Ang resulta
ng pagpunta ni Cupid kay Psyche ay pagkabuo ng pagmamahal ni Cupid sa
nasabing mortal. Si Cupid ay tumungo kay Apollo upang humingi ng tulong na
sinagot naman ni Apollo sa pamamaraang sinunod niya ang utos ni Cupid na
kaniyang pinayuhan ang Haring Ama ni Psyche na si Psyche ay bihisan at
papuntahin sa tuktok ng bundok sapagkat dito ay may darating na halimaw na
ahas na magiging asawa ni Psyche. Kahit mahirap ay sinunod ng Hari ang
nasabing payo at lubos namang hinarap ng magandang dilag ang kapalarang
darating at pagkatapos nito ay kaniyang pinaalis ang lahat ng nagsidalo sa
paghahatid sa kaniyang kapupuntahan na sinasabing doon ay susunduin siya ng
kaniyang asawang iibig sa kaniya ng tunay. Naghintay ang dalaga sa nasabing
bundok at labis na takot ang kanyang naramdaman, dito ay kinuha siya ng ihip ng
hangin ni Zephyr at inilipad papunta sa isang damuhang singlambot ng kama na
naging sanhi sa kaniyang pagkatulog ng mahimbing na naging bunga sa
pagkapawi ng kaniyang dinaramdam na kalungkutan. Sa pagkagising ng dalaga ay
may natanaw siyang isang mansiyon na parang itinayo para sa mga diyos. Siya’y
nagandahan sa nasabing mansiyon dahil yari ito sa pilak, ginto at mga hiyas. Sa
paglapit niya sa nasabing mansiyon ay may tinig na nagsambit na siya’y pumasok
dahil ito’y sadyang inihanda para sa kaniya.

b. Gitna – Ang patuloy na pakikibaka ni Psyche sa kaniyang kapalaran. Ang kaniyang


paglilibang sa nasabing mansiyon na inihanda para kaniya. Ang pagdating ng
kanyang asawa sa kanilang manisyon. Ang pag-uusap nila ng kaniyang asawa na
hindi niya nakikita at ang mga paalala ng asawa sa kaniya na huwag itong
magpapakita sa kaniyang mga kapatid. Ang pagtangis ni Psyche dahil hindi nito
maaaring makita ang mga kapatid. Ang kabaitang ipinakita ng asawa ni Psyche
dahil pinayagan nitong makita ni Psyche ang kaniyang mga kapatid pero ito’y
may paalalang ibinigay na “sige gawin mo ang iyong nais subalit parang
hinahanap mo ang sarili mong kapahamakan”at may dagdag na “nanaisin kong
mamatay nang isandaang beses kaysa mabuhay nang wala ka sa aking piling.” Sa
kanilang pag-uusap ay isinambit ng asawa ni Psyche na huwag siyang pabubuyo
sa mga kapatid nito kapag sila’y nagkita. Ang pagkikita nina Psyche at nang
kanyang mga kapatid. Ang pagkamangha ng mga kapatid ni Psyche sa kanilang
nasilayan at ang pagtatanim ng mga ito ng inggit sa kanilang bunsong kapatid.
Ang pagpapakita ng kabaitan ni Psyche sa pagbibigay sa mga nakakatandang
kapatid ng mga ginto at hiyas at ang paglilihim nito sa katauhan ng kaniyang
asawa. Ang muling pagpapaalala ng asawa ni Psyche sa kaniya na huwag na itong
makipagkita sa mga kapatid. Ang muling pagsunod ng asawa ni Psyche sa
kaniyang kagustuhan. Ang pagdalaw muli ng mga kapatid ni Psyche sa mansiyon
nito. Ang maiitim na balak ng mga kapatid ni Psyche sa kaniya at ang pagkalason
naman ni Psyche sa mga salita ng kaniyang mga kapatid. Ang pagbubulgar at
pagtatanong ng mga kapatid niya sa kaniya na humantong sa pagkakasabi nito sa
tunay na katauhan nang kaniyang asawa at ang pagsunod ni Psyche sa planong
sinabi ng kaniyang mga kapatid. Ang takot at pagkalito na nabuo sa isipan ni
Psyche tungkol sa kaniyang asawa. Ang pagdala ni Psyche ng punyal at lampara
na payo at plano sa kaniya ng kaniyang mga kapatid para sa kaniyang asawa na
hindi nakikita. Ang pagpunta ni Psyche sa silid ng asawa at ang pagkatuklas ni
Psyche sa tunay na katauhan ng kaniyang asawa na isa pala itong
napakagwapong lalaki sa mundong ibabaw at hindi isang halimaw. Ang pagtulo
ng langis ng lampara sa balikat ng kaniyang asawa . Ang pagkagising ni Cupid at
ang pagkakatuklas nito na si Psyche ay hindi sumunod sa usapan at ito ay
nagtaksil. Ang paglisan ni Cupid sa mansiyon at ang pagsasabi na “hindi
mabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala.” Ang pagkakatuklas ni Psyche na
ang kaniyang asawa pala ay diyos ng pag-ibig na si Cupid. Ang pag-uwi ni Cupid
sa kaharian ng kaniyang ina na si Venus at ang dagdag na galit na nabuo kay
Venus sa pangyayaring kaniyang natuklasan. Ang paghingi ng tulong ni Psyche sa
mga diyos upang makapiling muli ang kaniyang asawa subalit walang naging
sagot. Ang pagpunta ni Psyche sa kaharian ni Venus upang maging isang alipin
dahil alam niya na siguradong pumunta si Cupid sa kaniyang ina para gamutin
nito ang kaniyang mga sugat na natamo pero hindi naman ginamot ni Venus sa
kauna-unahan. Ang pagbibigay ni Venus ng mga mahihirap na pagsubok sa
mortal na si Psyche. Ang tulong na ibinigay ng mga nilalang sa pagsubok kay
Psyche dahil sa pagkaawa nila sa nasabing mortal. Ang karupukang ipinakita ni
Psyche sa pagnanais na kumuha ng ganda para gumanda sa kahon na ibinigay ni
Proserpine para kay Venus. Ang pagkakatulog ni Psyche malapit sa kaharian ni
Venus.

c. Wakas – Ang pagkakahilom ng mga sugat ni Cupid. Ang pagkasabik nitong makita
ang asawang si Psyche dahil mahirap bihagin ang pagmamahal. Ang pagtakas ni
Cupid sa pagkakakulong na inihanda nang inang si Venus. Ang pagkakakita ni
Cupid na si Psyhe ay nahimatay. Ang pagkikitang muli nina Cupid at Psyche at
ang muling pagpapaalala ni Cupid kay Psyche sa pagiging mausisa nito na muling
humantong sa kaniyang kapahamakan. Ang pag-uutos ni Cupid kay Psyche na
pumunta kay Venus. Ang pagpunta naman ni Cupid kay Jupiter (diyos ng mga
diyos at tao) upang humingi ng tulong. Ang kabaitang ipinakita ni Jupiter sa
pagtupad at pagpayag sa kahilingan ni Cupid na tiyaking hindi na sila ni Psyche
gagambalain pang muli ng kaniyang ina. Ang pagpapatawag ni Jupiter ng isang
pulong ng mga diyos kasama na si Venus. Ang pagdadala ni Mercury kay Psyche
sa nasabing pulong ng mga diyos. Ang pagpapahayag ni Jupiter na si Cupid at
Psyche ay pormal ng mag-asawa. Ang pagpapakain ni Jupiter kay Psyche ng
ambrosia na pagkain ng mga diyos upang maging imortal. Ang pagkapanatag ni
Venus sa nasabing pangyayari dahil si Psyche ay isa nang diyos at hindi na si
Psyche magiging panggambala sa pagsamba kay Venus bilang diyosa. Ang
pagsasamang muli nina Cupid at Psyche kahit maraming hirap at pasakit ang
kanilang nadaanan. Ang pagsasama nilang dalawa bilang mag-asawa
magpakailan man.
VII. Pagsusuri

a. Uri ng Panitikan: Panitikang Mediterranean – Mitolohiyang Italyano


b. Estilo ng Paglalahad: Naging mabisa ang kaniyang mga salita at kataga, masining
ang pagkakagawa niya ng mitolohiya dahil sa mga pangyayaring naganap na
hindi inaasahan ng mga mambabasa. Mahusay ang may-akda dahil naging
malinaw ang gusto niyang ipahiwatig sa mga mambabasa. Ang may-akda rin ay
gumamit ng mga panipi “” na nangangahulugang may dayalogong naganap sa
nasabing mitolohiya na nagbigay pa lalo ng buhay sa mga tauhan . Ang estilo ng
pagkasulat ng akda ay nagbigay-diin sa angkop na pagpili ng mga gagamiting
salita na nakapagdagdag kagandahan sa daloy ng kwentong mito.

c. Sariling Reaksyon

Matapos kong mabasa ang nasabing italyanong mitolohiya ay sadya akong nasiyahan sa
kabaitang ipinakita nang tauhang si Cupid, pati na rin ang pag-ibig, pagkamaunawain at
katapatan niya sa asawa ay lubos na kakaiba, si Cupid ay isang halimbawa na dapat tularan ng
mga kalalakihan sa ngayong kapanahunan. Ako rin ay lubos na nasiyahan sa pagmamahal na
ipinakita ng Amang Hari ni Psyche sa kaniya, ito’y nagpapakita na ang pagmamahal ng magulang
ay isa sa mga pagmamahal na hindi mapapantayan. Ako’y nagalit at nalungkot sa inggit at
pangingimbulong ipinakita ng mga kapatid ni Psyche, ang kanilang ugali ay hindi dapat tularan
ng mga magkakapatid sapagkat ito’y magreresulta sa kapahamakan at kahirapan sa panig ng
lahat o sa iisang panig. Ang ugaling ipinakita nina Apollo at Jupiter ay sadyang maganda
sapagkat ang pagiging maunawain at pagiging mabait ay isang magandang moral na dapat ituro
sa mundo sapagkat ito ay magdudulot ng kasaganahan at katiwasayan sa buong lipunan.
Samantalang ang ugaling ipinakita ni Venus ay hindi angkop na gayahin ng mga ina sa
kinabukasan at hindi angkop na maging ina dahil ang inggit ay magbubunga sa masasamang
gawain na hindi magandang makita at maranasan ng mga bata at ng mga naapektuhang
katauhan. Bilang ina ay dapat maging maunawain at mabuti dapat sa mga anak at kapuwa tao
dahil batay nga sa sikat na pilipinong kataga na ang ina ay “ilaw ng tahanan” na ang ibig sabihin
ay dapat, bilang ina ay maging mabuti modelo sa mga tao at bata, isang taong dapat tularan ng
madla. Sa ibang bahagi ng mitolohiya ay lubos din na naghalo ang aking damdamin at isipan,
ang una ay sa pagkakaroon ng sugat ni Cupid, ako’y lubos na naguluhan dahil papano magiging
malala ang sugat ng langis nang maraming araw at kung papano napuntahan ni Psyche at
nahanap si Cupid sa mansiyon dahil hindi niya naman ito nakikita? Pero masasabi ko pa ring
ang mitolohiyang ito ay lubos na maganda at mabuting ihalimbawa sa institusyon ng pagkatuto
dahil maraming moral ang makukuha sa mitong ito. Napansin ko na parang alam ni Cupid ang
kinabukasan sapagkat batay sa daloy ng mito ay binalaan ni Cupid si Psyche na huwag na dapat
nitong makita ang mga kapatid na ang ibig sabihin ay alam na niya na gustong makipagkita ang
mga kapatid ni Psyche. Ang mga bagay din ay binigyang buhay sa mito gaya ng tore at pati na
rin ang mga hayop ay binigyan ng karakter gaya ng agila, aso at langgam. Napakaraming tauhan
at tagpuan ang nakapaloob sa mito. Ipinakita rin sa mito ang buhay at paniniwala ng mga
italyano na sila’y naniniwala sa maraming diyos at diyosa at ang kanilang mga lugar ay sadyang
kakaiba pati na rin ang kanilang paniniwala. Napansin ko rin na maraming masisining na salita
ang ginamit ni Vilma C. Ambat na tagasalin sa Filipinong wika kagaya ng tatalima, patahanin,
ibsan, pangingimbulo, binuyo, punyal at marubdob na lubos din na nagpaganda sa nasabing
daloy ng banghay ng mito. Ang tagpuan at panahon ng akda ay nakaayon sa paniniwala nila sa
pagsamba sa kanilang mga diyos at diyosa na nagbigay sa panunuring pampanitikan ng mga
taga-Roma. Ang mga pangayayari ay nagpapahayag ng pananaw ng may-akda, tulad ng aking
nabanggit, kahit ang mga aksyon sa akda ay di-kapanipaniwala dulot ng mga supernatural na
kapangyarihan ng mga tauhan pero ito pari’y nagsilbing simbolo sa isang makatotohanang ideya
ng pagmamahal, kung kaya’t ang mga pagkapit ng mga pangyayari ay may kaisahan mula
umpisa hanggang wakas. Nakapaloob din ang mensaheng pagkakaroon ng tiwala at katapatan
sa kabiyak kung kaya’t maraming matututuhang aral sa kwentong mito na ito. Kakabit ng
pagsulat ng akdang ito ang iba’t ibang uri ng pamumuhay, paniniwala, kaugalian at maging ang
kulturang nagingibabaw at nakakaimpluwensyang pananaw sa ibang tao at maging sa bansa.

d. Aral / Pag-uugnay sa tunay na sitwasyon sa buhay

Ang mga aral na aking napulot sa nasabing mitolohiya ay kapag mahal mo ay


ipaglalaban mo kagaya ng ipinakitang pagmamahal ni Cupid at Psyche sa isa’t isa na kagaya rin
sa tunay na sitwasyon sa buhay na maraming tao ang nagmamahalan at pinaglalaban ng mga
magkasintahan ang kanilang pagmamahalan sa harap ng maraming unos na naging resulta sa
pagkakapiling nila ng matagal. Ang isa pa ay ang kagandahan ay isa sa mga dahilan ng buhay
na sawi kagaya sa pinagdaanan ni Psyche na siya’y nagdusa sa kanyang kagandahan dahil
nagalit sa kaniya si Venus at siya’y pinadaan nito sa paghihirap na kagaya rin sa tunay na buhay
na kung maganda o guwapo ka ay magiging sawi ang iyong buhay dahil kapag maganda at
guwapo ka ay maraming babae (gwapo) ang mag-aawayan dahil sa iyo at kung babaeng
maganda ka naman ay maraming lalake ang mag-aawayan dahil sa iyo, dahil sa kagandahan ay
nagiging sawi ang mga lalake at babae dahil kung may maganda/gwapo kang kabiyak ay
maraming gustong umangkin sa kanya at ikaw na kasintahan niya ay magseselos dahil tao ka
rin, halimbawa katulad ng mga babaeng nagkaroon ng kasintahan na guwapong lalake na ang
kanilang buhay ay magiging magulo at mapupuno ng awayan dahil sa pagseselos ng babae dahil
maraming babae ang nagpaparamdam sa kasintahan nitong guwapong lalaki kaya’t masasabi ko
na ang kagandahan ay isa sa mga dahilan ng buhay na sawi. Ang kagandahan ay isa sa mga
dahilan ng buhay na sawi dahil maraming maganda ang nagiging sawi kagaya ni Psyche sa
unang tagpo ng mito na siya’y nahabag sa lungkot dahil walang lalake ang naging seryoso sa
kaniya na sila’y andyan lamang na nakatingala pero walang tapat na maging kasintahan siya
kaya’t ayan ay masasabing totoo na ang kagandahan ay sawi dahil minsan ay wala nang tao na
seseryoso sa iyo kung maganda/gwapo ka dahil baka sa isipan nila maganda/gwapo ka ibig
sabihin maraming kang nobyo/nobya o baka sila’y natatakot na mapuno ng paghihirap sa mga
pagsubok na darating kagaya ng pagseselos nila sa mga babae/lalake na naka-aligid sa iyo.
Natutunan ko rin na nasa huli ang pagsisi sapagkat batay sa aking mga nabasa sa nasabing
mitolohiya ay nagsisi si Psyche sa pagtataksil na ginawa niya sa asawang si Cupid, bilang isang
labing-walong anyos na estudyante ay natuto ako na bilang tao ay dapat na maging tapat tayo
lalung-lalo na sa ating mga mahal sa buhay, huwag nating pahihintulutan na tayo’y maangkin ng
tukso na magiging daan upang ating sirain ang ating pangako dahil kapag na nasira na ang
pangakong pinag-usapan ay hindi na ito maibabalik pang muli at ito’y hahantong sa paghihirap
natin o ng ibang kasangkot kagaya ng nangyari kay Psyche sa kaniyang pagtataksil kay Cupid.
Tayo’y magpakatotoo at tularan ang ginawang pag-uugali ni Cupid sapagkat ang halimbawang
yaon ay masasabing maganda bilang isang tao, tayo’y maging matapat, mabuti, maunawain at
mapagmahal kagaya ni Cupid dahil lubos itong kinalulugdan ng Poong Maykapal. Ating gamitin
ang ating talino bilang tao at huwag tayong pabubuyo at tatalima sa mga masasamang salita ng
iba. Samantala, kapag mababasa ito ng mga Ina ay masasabi kong marami rin silang
matututunan kagaya ng hayaang yumabong ang pag-iibigan at marapat na buksan nila ang
kanilang puso dahil ang pagmamahal ay sadyang dapat na hinahayaan sapagkat kung ito’y
iyong pipigilan batay sa nasabing mito ay ito ay magpupuyos sa galit at hindi hihinto na
hahanap ito ng mga kaparaanan upang makalabas at makaahon, sa mga Ina sa tunay na buhay
ay dapat nilang matutunan batay sa mito na dapat ay hayaan nila ang pagmamahalan ng
kanilang anak sa mga iniibig nito sapagkat sa huli ay matuto rin naman ang mga bata kapag
sila’y nagkamali, bilang Ina ay magsilbi dapat silang tagapayo at tagagabay hindi isang mahigpit
na kontrabida, dapat buksan nila ang puso at ipakita ang pagmamahal dahil ito ay daan sa
magandang samahan ng mag-anak lalong-lalo na sa mag-ina. Huwag pairalin ang pagiging
inggitera (Venus at mga kapatid ni Psyche) dahil hindi ito magbubunga ng magandang resulta
dapatpuwa’t ay masamang karma. Bilang mga nilalang sa mundong ibabaw ay pagka-isipin
natin na tayo’y mamuhay ng matiwasay at payak lamang sapagkat ito’y kinalulugdan ng Poong
Maykapal, huwag nating pairalin ang inggit at pagkaganid na ipinakita nina Venus at mga
kapatid ni Psyche sapagkat ang pag-uugaling pagiging inggiterro/inggiterra ay hindi mabuti at
isang kasalanang mortal at ika-sampu na labag sa utos ng Diyos batay sa sampung utos. Sa pag-
ibig naman ay natutunan ko na ang pag-ibig ay sinusuong ang lahat ng unos kahit buhay man
ang kapalit (sa katunayan ay ilang beses ko na itong natutunan batay sa aking mga nabasang
akda) kagaya ng pag-iibigang ipinakita nina Cupid at Psyche na kahit anong pahirap ang ibinigay
sa kanila ng tadhana ay hindi pa rin sila nabuwag at napigil na sa kahuli-hulihan ay nagtagumpay
silang dalawa at nagkasama magpakailaman na tulad din sa tunay na buhay na ang tunay na
pag-ibig ay masusukat sa mga pinagdaanang pahirap na nalagpasan kahit anong unos man ang
dumaan ay napagtatagumpayan pa rin, ang nasabing mitolohiya ay nagpatunay kong ano talaga
ang isa sa mga tunay na depinisyon ng salitang pag-ibig. Ang aral naman na nakuha ko sa
Amang Hari ni Psyhe ay masasabing isang dakilang pagpupunyagi na siya ay dapat tularan ng
lahat ng mga Ama sa tunay na buhay, isang Amang mapagmahal na lahat ay gagawin para
lamang mapasaya at mabigyan ng mabuti at maliwanag na kinabukasan ang kaniyang mga anak.
Dapat nating iwaksi ang ugaling hindi maganda dahil hindi ito magbibigay sa atin ng
magandang resulta kundi ay masamang karma, alam mo naman at alam ko na mayroong
nagbabantay at nakatingin sa atin sa itaas, na Kaniyang sinusuri kung sino man ang mabuti at
masama kaya’t bilang isang tao ay maging mabuti tayo at iwaksi ang hindi magandang ugali
dahil ito’y masama at huwag nating tularan ang ugaling ipinakita nina Venus at mga kapatid ni
Psyche, iyon ang aking tinutukoy na hindi magandang pag-uugali. Natutunan ko ang respeto na
dapat na ginawad ni Venus kina Cupid at Psyche, bilang isang nilalang na nakatataas sa lahat ng
mga nabubuhay (pagiging tao) ay dapat nating ipakita ang pagbubuo ng respeto sa kahit ano
mang kaparaanan lalung-lalo na sa pagmamahal, bilang isang Ina o Ama man halimbawa lang ay
dapat nating respetuhin ang pagmamahal na nararamdaman ng ating mga anak sapagkat sila’y
tao lamang na may damdamin na sinusunod, ang ating atubilihin ay ang paggabay sa kanila at
pagpayo sa tuwid at tamang landas na dapat nilang tahakin, napakahalaga ng respeto. Sina
Apollo at Jupiter ay isa rin sa mga tauhan na nagbigay sa akin ng mabuting aral na dapat kong
gayahin kagaya ng pagtulong at pagtanggap, ang mga nasabing mabuting pag-uugali/aral ay
dapat nating tularan dahil yaon ay magbibigay sa atin ng mabuting epekto, ang pagtulong at
pagtanggap ay maaari rin nating maranasan kong tayo din ay nasa mahirap na sitwasyon, ang
ating tinanggap ay tatanggapin tayo at ang ating tinulungan ay tutulungan din tayo batay sa
plano ng Poong Maykapal. Ang tunay na pag-ibig ay masusukat sa katapatan at pagiging
seryoso kagaya nang sa akda na nasukat ang pag-ibig nina Cupid at Psyche sa kanilang mga
pinagdaanan na napatunayan nila na ang kanilang pag-iibigan ay tunay dahil nalagpasan ng mga
ito ang mga pagsubok na dumating sa kanilang buhay katulad din sa mga mag-asawa sa tunay
na buhay. Sadyang mahirap ang buhay at walang buhay na madali katulad kabagay sa
nasabing mito na pinagdaanan ng mga antagonistang sina Cupid at Psyche, kanilang
inihalimbawa na ang buhay ay hindi simple na ito’y mahirap katulad sa mga pagpapahirap na
kanilang pinagdaanan, bilang tao ay may implikasyon ito sa tunay na buhay, at ang ating
gagawin lamang ay patuloy na magsikap at manalanagin para makaahon at makatapos sa mga
hirap sapagkat may bukas pa na kung may hirap ay may ginhawa. Ang kagandahan ay may
kaakibat na kalungkutan kagaya ng sinapit ni Psyche sa unang tagpo ng banghay ng nasabing
mitolohiya na siya’y nalungkot dahil walang seryosong lalaki ang gustong mapangasawa siya
dahil ito’y ubod ng ganda na sa tingin nila ay ang kagandahan ay may hatid na kalungkutan
sapagkat marami-rami ang kanilang makakasagupa sa daan dahil marami ang may gusto sa
nasabing kagandahang taglay.

You might also like