You are on page 1of 4

CUPID AT PSYCHE

By: Lucius Apuleius

PAMAGAT
Cupid at Psyche

MAY - AKDA
Hindi Matukoy

PAGKILALA NG MAY-AKDA
Ang may-akda sa kuwentong ito ay hindi matukoy dahil ang kuwentong ito ay
isang mito na nagpasalin-salin na mula sa isang henerasyon patungo sa iba. Ito
ay isinulat upang ipakita o ipahayag ang kultura ng mga sinaunang tao sa
Mediterranean.

URI NG PANITIKAN
Isang mito, kwento na may kinalaman sa mga Diyos at Diyosa.

TEMA O PAKSA NG MAY-AKDA


Ang pag-iibigan nina Cupid at Psyche,isang mortal at isang anak ng Diyosa.

MGA TAUHAN
Cupid - Ang anak ng Diyosa ng kagandahan na umibig sa isang mortal.

Psyche - Isang napakagandang mortal na walang umibig na iba kundi si Cupid

Venus - Ang nanay ni Cupid na tutol sa kanilang pagmamahalan

Mga kapatid ni Venus


TAGPUAN
Sa isang malayong lugar sa Mediterranean

KAISIPAN NG MAY-AKDA
Isinulat ito ng may-akda upang muling ipaalala sa lahat na pantay-pantay ang
lahat pagdating sa pag-ibig.

ISTILO NG PAGSULAT
Angkop ang mga salitang ginamit.

BUOD:
Noong unang panahon may isang napakagandang dilag na inibig ng isang anak
ng Diyosa na si Cupid. Tutol ang nanay ni Cupid na si Venus sa pagmamahalang
ito. Ngunit naging mag-asawa pa rin ang dalawa kahit hindi pa nakikita ni
Psyche si Cupid. Sinulsulan si Psyche ng kanyang mga kapatid na dapat niyang
makita ang mukha ng asawa dahil baka ito ay isang halimaw. Naniwala naman si
Psyche at sinuway ang utos ng asawa na hindi muna nito dapat makita ang
kanyang mukha. Nagkasugat sa mukha si Cupid sanhi ng pagkatagas ng langis
mula sa ilawan na ginamit ni Psyche upang sipatin ang anyo ng dalaga. Nagalit si
Cupid dahil sinuway siya ni Psyche at nagpasyang umalis muna.Ginawa lahat ni
Psyche upang bumalik ang asawa sa kanya kahit pinahihirapan siya ni Venus ay
hindi siya sumuko.Sa huli, ay naging imortal din si Psyche dahil sa ambrosia na
binigay ni Jupiter at namuhay sila ng maligaya.
Balangkas ng mga panyayare sa Cupid at Psyche

1. May isang napakagandang mortal na tinatawag na Psyche. Lubha siyang


maganda kaya't nakakalimutan na ng lahat ang mag-alay sa Diyosa ng
kagandahan na si Venus dahil nandoon na kay Psyche ang kanilang oras.
Nagalit si Venus kaya't inutusan ang anak na si Cupid na paibigin si Psyche sa
isang nakakatakot na nilalang.j

2. Hindi sinunod ni Cupid ang utos ng ina dahil siya man ay napaibig din sa
ganda ni Psyche ngunit ito ay nanatiling lihim mula sa kanyang ina.

3. Dahil labis na nabagabag ang ama ni Psyche kung bakit walang lalaking
umiibig sa kanya kaya humingi siya ng payo kay Apollo at siya'y sinabihan na
dalhin si Psyche at damitan ng maganda sa isang bundok.

4. Imbes na mapahamak sa bundok ay doon pa niya nakilala ang lalaking


magpapaibig sa kanya at nagdala kay Psyche sa palasyo ngunit hindi pa
nagpapakita ang lalaki sa kanya.

5. Dumalaw ang mga kapatid ni Psyche at sinulsulan siya na alamin ang


pagkatao ng asawa dahil baka ito ay halimay at sinunod naman ito ni Psyche
resulta kung kaya't nasaktan niya si Cupid at umalis.

6. Pumunta si Psyche sa kaharian ni Cupid upang suyuin ito ngunit


pinahirapan lamang siya ni Venus at kung anu-anong pagsubok ang binigay.

7. Nang malaman ni Cupid na nandoon ang asawa ay agad niya itong


tinulungan at hiniling mula kay Jupiter ang ambrosia, isang pagkain upang
magiging imortal.
8. Simula sa araw na iyon ay naging imortal na si Psyche at namuhay sila ng
maligaya

Epekto sa mambabasa
Ang layunin nito ay ipahayag sa lahat na tiwala ang pinaka-importanteng parte
ng pagmamahalan at nais rin nitong ipaalam sa mambabasa na ang anumang
tagumpay o kasiyahan ay nagmula sa paghihirap.

Konklusiyon:
a. Aral - hindi sapat ang magkaroon lamang ng pakiramdam ng
pagmamahal, nagmamahal o may nagmamahal. Kung paghanga lamang
ito o may mga kundisyon, hindi ito matatawag na totoong pagmamahal.
b. Puna - Ang naging kalakasan ni Psyche ay ang malagpasan ang lahat ng
pagsubok na ibinigay ni Venus samantalang ang Cupid naman ay ang
tapat na pagmamahal nito kay Psyche. ata ng konklusyon naman ya ang
"ang tiwala sa isa't isa ang magpapatibay sa dalawang nag iibigan."

You might also like