You are on page 1of 5

Saint Joseph’s Institute Inc.

San Juan, Candon City, Ilocos sur


S.Y 2020-2021

AKDANG PAMPANITIKAN

“Cupid at Psyche”
I. Panimula
A. Ang Cupid at Psyche ay mula sa panitikan ng Mediterranean. Isinulat ito ni Lucius Apuleius
Madaurensis (mas kilala bilang Platonicus) noong ikadalawang siglo. Ang kwentong ito ay
tungkol sa pagsubok na pinagdaan nina Cupid at Psyche para sa pag-iibigan nila. Ang kwentong
ito ay isinalin ni Edith Hamilton at isinalin naman sa Filipino ni Vilma C. Ambat.
B. Buod ng Cupid At Psyche
Nagsimula ang istoryang “Cupid At Psyche” sa isang mortal na dalaga na ubod ng ganda na si
Psyche. Ngunit kahit gaano pa siyang kaganda, wala pa rin siyang asawa. Sa sobrang ganda niya
ay hindi na siya iniibig ng kalalakihan, sa halip ay gusto nalang nila siyang sambahin. Lingit sa
kaalaman ni Psyche, nagagalit na niya ang Diyosa ng kagandahan na si Venus, sapagkat tila ba
nalilimutan na siyang sambahin ng mga kalalakihan dahil lamang sa isang mortal.
Dahil sa inggit nabuo ang plano ni Venus na paibigin si Psyche sa isang halimaw. Nagpatulong
siya kay Cupid, ngunit maging si Cupid ay napaibig din sa kanyang kagandahan kaya hindi niya
nasunod ang plano.

Samantala, sa kagustuhan ng amang hari ni Psyche na magkaroon na si Psyche ng


mapapangasawa, komunsulta siya kay Apollo. Hindi alam ng ama ni Psyche na nauna ng
humingi ng tulong si Cupid. Nagbigay ng payo si Apollo sa hari kung paano matatagpuan ni
Psyche ang halimaw na iibig sa kaniya.
Sumunod ang hari sa gabay ni Apollo.
Pinadala nila si Psyche sa bundok kung saan siya susunduin ng kanyang mapapangasawa.
Nagluksa ang lahat sa pag-aakalang katapusan na iyon ni Pysche. Takot at pangamba ang
nangingibabaw kay Psyche. Dumating na si Zypher, ang susundo kay Psyche patungo sa
kaniyang asawa. Nang maihatid na niya si Psyche sa palasyo ng kanyang mapapangasawa,
nawala ang lahat ng kanyang takot, lalo na ng mapakinggan ang malambing na boses ng kanyang
mapapangasawa. Hindi niya nakikita ang asawa, sa halip ay naririnig lamang niya ang tinig nito.

C. Hindi mo kailan man mabibihag ang pag-ibig. Sa kwento nila Cupid at Psyche, madami man
silang hinarap na pagsubok, hindi sila natinag hanggang makamit ang pag-ibig nilang ninanais.

II. Nilalaman
A. Kagandahan Taglay ng Akda
 Naipahayag ng manunulat ng akda ang magandang aral o mensahe nito sa
mgamambabasa.
 Simple at hindi kumplikado ang daloy ng kuwento.
 Makatotohanan, maayos at malinaw ang mga pangyayari ng akda.

B. Epekto ng Kalagayan ng Manunulat sa Kabuoan ng Akda

 Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob a akda sa nangyayari sa sarili, pamilya sa


Lipunan at Pamayanan

C. Mga Bahagi sa Elementong Nagpatibay sa Mensahe ng Akda


 Iwasan na mainggit sa magandang kapalaran ng iba, lalo't sa ating kapamilya. Mas
mabuti ay maging masaya tayo sa tagumpay ng iba kaysa magpasakop sa inggit.
 Maging determinado tayo sa ating mga gusto sa buhay. At matuto din tayong umako ng
ating mga pagkakamali.
 Dapat na matuto tayong tanggapin na may mas magaling pa sa'tin sa kahit anong aspeto.
Pero hindi natin ito dapat isipin na masama. Dapat na isipin natin na kahit na may mas
magaling sa lipunan at pamayanan, gawin natin itong dahilan na pagsikapan pa at
tulungan ang isa't isa na makamit ang nais katulad na lamang ng pagtulong ng mga iba
pang diyos kay Psyche.

1. Mga Tauhan
1. : Cupid
o Diyos ng Pag-big
o Mapagmahal na asawa
o Handang magsakripisyo para sa pinakamamahal niya
2. Psyche
o Pinakamaganda sa magkakapatid
o Sinasamba ng mga kalalakihan
o Asawa ni Cupid
o Diyosa ng Kaluluwa
o Determinado sapagkat hindi siya sumuko sa mga pagsubok na binigay sa
kanya ni Venus
3. Venus
o Diyosa ng kagandahan
o Ina ni Cupid
o Inggit sa kagandahan at papuring natatamo ni Psyche

2. Banghay
Nagsimula ang kuwentong “Cupid At Psyche” sa isang mortal na dalaga na ubod ng
ganda na ang pangalan ay Psyche. Kahit gaano pa kaganda ni Psyche, wala pa rin siyang
asawa. Sa sobrang ganda niya ay hindi na siya iniibig ng kalalakihan; sa halip ay gusto na
lang nila siyang sambahin.
Lingid sa kaalaman ni Psyche, nagagalit na sa kaniya ang diyosa ng kagandahan na
si Venus, dahil nalilimutan na siyang sambahin ng mga kalalakihan dahil sa isang mortal.
Dahil sa inggit, nabuo ang plano ni Venus na paibigin si Psyche sa isang halimaw.
Nagpatulong siya kay Cupid, ngunit maging si Cupid ay napaibig din kay Psyche, kaya
hindi natuloy ang plano ni Venus.
Samantala, sa kagustuhan ng amang hari ni Psyche na magkaroon na si Psyche ng
mapapangasawa, komunsulta siya kay Apollo. Hindi alam ng ama ni Psyche na nauna
nang humingi ng tulong si Cupid. Nagbigay ng payo si Apollo sa hari kung paano
matatagpuan ni Psyche ang halimaw na iibig sa kaniya. Sinunod ang hari sa payo ni
Apollo.
Pinadala nila si Psyche sa bundok kung saan siya susunduin ng kanyang mapapangasawa.
Nagluksa ang lahat sa pag-aakalang katapusan na iyon ni Pysche. Tákot at pangamba ang
nangingibabaw sa babae.
Dumating si Zypher, ang susundo kay Psyche at magdadala sa kaniya sa kanyang asawa.
Nang maihatid na niya si Psyche sa palasyo ng kanyang mapapangasawa, nawala ang
lahat ng kanyang takot, lalo na ng narinig niya ang malambing na boses ng kanyang
mapapangasawa. Hindi niya nakikita ang kanyang asawa — naririnig lamang niya ang
tinig nito.
Isang gabi, nag-usap sina Cupid at Psyche tungkol sa kanyang mga kapatid na magdadala
sa kanya ng kapahamakan. Noong nagluluksa ang mga kapatid ni Psyche para sa kanya,
narinig niya iyon. Sa sobrang awa, nakiusap si Psyche kay Cupid. Kahit sobrang bigat ng
desisyon na iyon kay Cupid ay pinayagan niya si Psyche. Inihatid ni Zephyr ang dalwang
kapatid sa palasyo. Lubos na namangha ang mga ito dahil ang palasyo ay gawa sa ginto.
Nainggit sila kay Psyche kaya gumawa sila ng masamang plano. Ginulo ng dalawang
kapatid ni Psyche ang isip niya hanggang hindi na niya alam ang kanyang gagawin.
Sinabi ng mga kapatid niya na halimaw si Cupid at marapat niya itong patayin.
Noong gabi na gagawin na ni Psyche ang pagpaslang kay Cupid, siya ay natigilan. Sa
liwanag ng dala niyang lampara, sa wakas nakita na niya ang mukha ng kanyang asawa.
Nakita niyang si Cupid ay hindi halimaw, kundi ang pinaka-giwapong nilalang sa buong
mundo. Labis ang kanyang pagsisisi. Sa kagustuhan niyang pagmasdan ang mukha ni
Cupid, inilapit niya ang lampara. Sa kasamang palad, natuluan si Cupid ng langis at siya
ay nagising at nalaman ang pagtataksil ng asawa. Agad siyang umalis upang pumunta sa
kanyang inang si Venus. Kinuwento ni Cupid ang nangyari at dumagdag ito sa galit ni
Venus kay Psyche.
Alam ni Psyche na hindi siya mapapatawad ng diyosa na si Venus, ngunit susubukan
niyang gawin ang lahat upang patunayan ang kanyang pag-ibig kay Cupid.
Naglakbay si Psyche papunta sa kaharian ni Venus, nagbabakasakaling nandoon ang
kanyang asawa at para humingi ng tawad kay Venus. Sa mga panahong iyon,
nagpapagaling pa si Cupid. Binigyan ni Venus si Psyche ng tatlong pagsubok.
Una, ang pagkolekta sa iba’t ibang uri ng buto. Natapos ni Psyche ang pagsubok na iyon
sa tulong ng mga langgam. Pangalawa, ang pagkuha ng buhok sa mga mababangis na
tupa. Nagawa ni Psyche ito sa payo ng isang halaman. Pangatlo, ang pagkuha ng maitim
na tubig mula sa mabatong balon. Naisakatuparan niya iyon sa tulong ng isang agila.
Hindi nakontento si Venus sa pagpapahirap kay Psyche kaya naman binigyan pa niya ito
ng isa pang pagsubok. Binigyan ni Venus si Psyche ng kahon at inutusan niya itong
humingi ng kaunting kagandahan kay Persephone, ang diyosa sa ilalim ng lupa. Tulad ng
mga naunang pagsubok, may tumulong sa kaniya. Binigyan siya ng gabay ng
isang tore kung paano siya makakapunta at makakapasok sa kahariaan ni Hades.
Nagtagumpay si Psyche sa pagpunta sa kaharian sa ilalim ng lupa at nakuha ang hinihingi
ni Venus. Si Psyche ay pabalik na sa kaharian, ngunit natukso siyang buksan ang kahon
at kumuha ng kaunting kagandahan para umibig ulit sa kanya si Cupid, sa pag-aakalang
‘di na siya mahal ng kanyang asawa. Sa pagbukas niya ng kahon, bigla siyang nanghina
at nakatulog.
Sa panahong iyon magaling na si Cupid. Hinanap niya ang kanyang asawa at natagpuang
walang malay. Tinulungan niya ang kanyang asawa para matanggal ang gayuma at
tuluyan nang matapos ang kaniyang pagsubok. Nagpatuloy si Psyche kay Venus upang
dalhin ang kahon at tuluyang tapusin ang pagsubok, samantalang si Cupid naman ay
humingi ng tulong kay Jupiter upang hindi na gambalain pa ng ina ang pagmamahalan
nila. Pinulong si Jupiter ang mga diyos — sinabihan niya ang lahat na wala nang maaari
pang gumabala kina Cupid At Psyche, maging ang ina ni Cupid na si Venus. Sa
pamamagitan ng pagkain ng ambrosia, naging diyosa narin si Psyche. Siya ay tinaguriang
diyosa ng mga kaluluwa. Nagpakasal sina Cupid at Psyche. Ang ina ni Cupid ay
napanatag na sapagkat diyosa n arin si Pysche. Naging maligaya na rin ang mag-asawa.

3. Tagpuan
-Sa kaharian ng ama ni Psyche
-Sa templo ng Diyosang si Venus
-Sa tuktok ng Bundok kung saan dinala si Psyche ng kanyang amang hari.
-Sa palasyo ng bagong asawa ni Psyche
-Sa Kaharian ni Zeus, ang Hari o Ama ng lahat ng Diyos sa Olympus.

4. Estilo sa Pagsusulat
-Nagbibigay ng ideya hingil sa paniniwala, kaugalian, at tradisyon.
-Nagpapahayag ng mga katangian ng tao (kalakasan, kahinaan atbp.)
-Kadalasang tungkol sa mga kakaibang nilalang at pangyayari.
-May paniniwalang kayang malampasan ng bida ang mga pagsubok.

III. Kongklusyon
Sa panahong iyon magaling na si Cupid. Hinanap niya ang kanyang asawa at natagpuang
walang malay. Tinulungan niya ang kanyang asawa para matanggal ang gayuma at
tuluyan ng matapos ang kaniyang pagsubok.
Nagpatuloy si Psyche kay Venus upang dalhin ang kahon at tuluyang tapusin ang
pagsubok, samantalang si Cupid naman ay humingi ng tulong kay Jupiter upang hindi na
gambalain pa ng ina ang pagmamalan nila.
Nagpapulong si Jupiter sa mga diyos, sinabihan niya ang lahat na wala nang pwede pang
gumabala kay Cupid At Psyche maging ang ina ni Cupid na si Venus. Sa pamamagitan
ng pagkain ng ambrosia, naging diyosa narin si Psyche. Siya ay tinaguriang diyosa ng
mga kaluluwa.
Nagpakasal sina Cupid at Psyche. Ang ina ni Cupid ay napanatag na sapagkat diyosa
narin si Pysche. Naging maligaya narin ang mag-asawa.

Ipinasa nina:

Andrea Zareene Gonzalo


Sofia Isidro

10- St. Francis de Sales

Ipinasa kay:

Ms. Janine Mariel Ballocanag

You might also like