You are on page 1of 2

Buod: Cupid at Psyche

Noong unang panahon, may hari na may tatlong magagandang anak na babae. Isa
na dito si Psyche, ang pinakamaganda sa tatlo. Labis siyang hinahangaan at
sinasamba ng mga kalalakihan. Dahil dito, napapabayaan at nakakalimutan nilang
mag-alay kay Venus, ang diyosa ng kagandahan. Sinabi rin nilang kahit si Venus ay
hindi mapapantayan ang ganda ni Psyche. Dahil sa inggit at galit, inutusan ni
Venus ang kanyang anak na si Cupid na paibigin si Psyche sa isang halimaw.
Sinunod naman ni Cupid ang utos ni Venus. Ngunit, nang masilayan nito ang
kagandahan ni Psyche ay umibig siya rito na parang napana niya ang kaniyang
sariling puso. Nang maka-uwi si Cupid ay nilihim niya ang nangyari sa kaniyang ina.
Nagtitiwala naman si Venus sa kanyang anak kaya hindi na niya tinanong pa.
Ngunit hindi naganap ang kagustuhan ni Venus dahil walang nangyari. Sa kabilang
dako naman, nag-aalala ang mga magulang ni Psyche dahil wala pa rin siyang
asawa, kaya pinuntahan ng haring ama ni Psyche si Apollo para humingi ng tulong.
Sinabi naman ni Apollo na dalhin nila ang kanilang anak sa tuktok ng bundok at
bihisan ng pamburol. Matapang naman na hinarap ni Psyche ang kanyang
kapalaran. Pagdating niya sa bundok, may nakita siyang mansiyon na parang
ginawa para sa mga diyos. Dito niya nakilala ang kaniyang asawa, na hindi niya
nakikita. Isang araw, pinuntahan siya ng kaniyang mga kapatid. Dahil sa awa,
tinulungan niya ang mga ito kahit binalaan siya ng kaniyang asawa na huwag silang
tutulungan. Naingit naman ang mga kapatid ni Psyche dahil sa kayamanan nito
kaya sinabi nilang halimaw ang kaniyang asawa. Natakot naman si Psyche. Binilin
siya ng kanyang mga kapatid na sindihan ang lampara at punyal para itarak sa
dibdib ng kanyang asawa. Isang gabi, ng natutulog na ang kanyang asawa ay
ginawa na ni Psyche ang bilin ng kaniyang mga kapatid. Nang makita nito ang
mukha ng kanyang asawa, agad siyang namangha dahil sa kagwapuhan nito at
labis naman siyang natuwa dahil hindi halimaw ang kaniyang asawa. Ngunit,
natuluan ng langis ang balikat ng kaniyang asawa kaya nagising ito. Dito niya
napagtanto na walang tiwala sa kaniya si Psyche at umalis palayo. Nang malaman
ni Psyche na si Cupid ang kaniyang asawa, nagpasya siyang hanapin ito. Hinanap
niya ito kung saan-saan ngunit wala ito kaya pumunta siya kay Venus dahil
maaaring nandoon si Cupid. Ngunit, dahil sa galit si Venus sa kaniya, binigyan niya
ito ng mga pagsubok. Sa panghuling pagsubok, inutusan ni Venus si Psyche na
kumuha ng kagandahan kay Proserpine, ang diyosa sa ilalim ng lupa. Nang makuha
niya ito, nasubok ang karupukan ni Psyche. Binuksan niya ang kahon kung saan
niya nilagay ang kagandahan na hiningi kay Proserpine. Nahimatay siya ng buksan
niya ito. Sa mga panahon na ito, magaling na si Cupid at sabik na siyang makita
ang kaniyang asawa. Pero, ikinulong siya ng kaniyang ina. Nakatakas naman si
Cupid sa bukas na bintana. Nakita niya si Psyche malapit sa palasyo. Tinusok niya
ang kaniyang busog upang siya’y magising. Pinagalitan niya naman agad ito dahil
sa ginawa niya. Inutusan na niya itong ibigay kay Venus ang kahon. Pinuntahan
naman ni Cupid si Jupiter, ang diyos ng mga diyos at tao at hiniling na huwag na
gambalain ng kaniyang ina ang kanilang pag-iibigan ni Psyche. Nagpatawag si
Jupiter ng pagpupulong ng mga diyos kasama si Venus. Sinabi nitong pormal ng
ikinasal si Cupid at Psyche at wala na dapat gumambala sa kanila. Idinala ni
Mercury si Psyche sa kaharian ng mga diyos at iniabot ang ambrosia, ang pagkain
ng mga diyos para maging immortal. Naging panatag na rin si Venus na maging
manugang si Psyche dahil diyosa na ito. Dito na nagtatapos ang istorya.

You might also like