Si Psyche ang pinakamagandang nilalang sa lupa at agad na
nainggit si Venus sa kanya. Inutusan ni Venus ang kanyang anak na si Psyche na gumawa ng paraan upang turuan ng leksyon si Psyche ngunit umibig rin siya dito.
Sinabi ni Cupid sa ama ni Psyche na dapat siyang iwanan sa
bundok upang makapangasawa siya ng isang halimaw. Napadpad si Psyche sa isang palasyo. Kinausap siya ni Cupid ngunit hindi ito nagpapakita kay Psyche.
Bumisita ang mga kapatid ni Psyche at nainggit sila dito.
Inutusan nila ang kapatid na patayin habang natutulog si Cupid. Nang makit ni Psyche ang itsura ng kanyang asawa na si Cupid agad siyang nagsisi sa kanyang pinlano at sinubukang patayin ang kanyang sarili. Nanginig ang kamay niya kaya't natuluan ng mainit na langis si Cupid. Nagising ito ay umalis sapagkat sumuway si Psyche sa kanyang utos.
Nagsisi si Psyche at ninais na hanapin si Cupid at suyuiin ito.
Napagdesisyonan niyang pumunta kay Venus upang humingi ng tulong. Iba't iba ang pagsubok na binigay ni Venus upang pahirap si Psyche. Sa huli, nalampasan ni Psyche ang mga pagsubok at nagpakasal sila ni Cupid. Naging immortal na rin si Psyche at hindi na siya kinainggitan ni Venus. Cupid