You are on page 1of 11

Alamin

Magandang araw!

Kumusta ka ngayon kaibigan? Handa ka na ba sa panibagong kaalamang iyong matututunan sa modyul


na ito? Alam kong kayang-kaya mong tapusin ang modyul na ito katulad sa mga nagdaang modyul na
natutunan mo noong ika’y nasa ikasiyam na baitang. Tara na’t mamingwit tayo ng kaalaman sa dagat ng
karunungan.

Sa kahit anuman/kaninumang relasyon mayroon ang tao napakahalaga ang magtiwala sa isa’t isa. Isa ito
sa dahilan kung bakit nagtatagal ang samahan o kaya nama’y masaya at matagumpay ang pagsasama.

Kadalasan sa mga pangako natin ay napapako, kaya nga yata nabuo ang katagang “Promises are made
to be broken.” Marahil ang ilan sa inyo ay may mga pagsintang parurot na o iyong mga umuusbong na
pag-ibig at malamang naranasan mo na ring pangakuan ka, na hindi naman natupad. Masakit ba besh?
Dahil diyan, tunghayan na natin ang isang Mito na pumapatungkol sa pagtitiwala at pagtupad ng
pangako.

Alam kong sabik na sabik ka nang mabasa ito kaya’t huwag na tayong magpatumpik-tumpik pa.
Simulan na natin ito.

Sa modyul na ito ay matatalakay at matututunan natin ang tungkol sa:

Panitikan: Cupid at Psyche (Mitolohiya ng Rome)

Wika: Kayarian ng Salita

Narito ang mga kasanayang malilinang sa iyo sa pagtahak sa araling ito:

1. Naipahahayag ang mahahalagang kaisipan/pananaw sa napakinggan, mitolohiya. (F10PN-Ia-b-


62)
2. Naiuugnay ang mga mahahalagang kaisipang nakapaloob sa binasang akda sa nangyayari sa
(F10PB-Ia-b-62):
a. Sariling karanasan
b. Pamilya
c. Pamayanan
d. Lipunan
e. Daigdig
3. Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kayarian nito. (F10PT-Ia-b-61)

1|Page
Lesson 1
MITOLOHIYA
Cupid at Psyche

Tuklasin
Ang Cupid at Psyche ay isa sa mga Mitolohiya ng Rome. Basahin at unawain mo ito upang
masagot mo nang tama ang mga gawaing kaugnay dito.

Cupid at Psyche
Isinalin sa Filipino ni: Vilma C. Ambat
Binuod ni: Bb. Charline B. Apalis
Noong unang panahon, mayroong hari na may tatlong naggagandahang anak na babae. Ang
pinakamaganda sa kanila ay ang bunso na si Psyche. Sa sobrang ganda niya halos lahat ng mga
kalalakihan ay humahanga sa kanya. Dahil dito galit na galit ang diyosa ng kagandahan na si Venus.
Nakalimutan na siya ng mga kalalakihan mula ng dumating si Psyche, maging ang templo nito ay unti-
unti ng nasisira. Dahil dito inutusan ni Venus ang kanyang anak na si Cupid na paibigin si Psyche sa isang
nakakatakot na nilalang. Agad namang tumalima si Cupid, at sa sobrang kagandahang taglay ni Psyche si
Cupid mismo ang umibig sa kanya. Inilihim niya ito sa kanyang ina.

Sa kabilang banda naman ay nababahala ang ama ni Psyche sa kalungkutan ng kanyang anak. Ang
dalawang nakatatandang kapatid ni Psyche ay nakapag-asawa na at nasa kani-kanilang palasyo na,
samantalang si Psyche ay nag-iisa. Wari bang walang naglalakas ng loob na ibigin siya. Kontento na ang
mga kalalakihan na pagmasdan ang kanyang kagandahan. Kung kaya’t naglakbay ang amang hari.
Humingi siya ng tulong kay Apollo kung paano makakahanap ng mabuting asawa ang kanyang anak.
Lingid sa kanyang kaalaman na nauna na palang humingi ng tulong si Cupid sa kanya. Pinayuhan naman
siya ni Apollo kung anong gagawin niya.

Labis na nalungkot ang hari sa naging payo ni Apollo sa kanya ngunit sumunod pa rin ito. Dali-dali
nilang binihisan si Psyche ng kanyang pinakamagandang kasuotan at pagkatapos ay malungkot nila itong
iniwan sa tuktok ng bundok. Takot na takot si Psyche sa kanyang pag-iisa sapagkat napakadilim sa
kabundukan ng mga oras na iyon. Siya’y tumatangis at nanginginig sa takot ng bigla siyang inilipad ng
ihip ng hangin ni Zephyr. Lumapag ito sa napakalambot na damuhan. Nakatulog siya sa kapayapaan ng
gabing iyon. Kinaumagahan ay nagising siya sa tabi ng ilog at doon ay nakita niya ang isang
napakagandang mansiyon na wari bang inaakit nito si Psyche na pumasok. Habang siya’y manghang-
mangha, may tinig siyang narinig at pinapapasok siya sa mansiyong ito.

2|Page
Nalibang si Psyche sa mansiyon. Buong araw siyang inaliw ng musika. Magisa siya sa mansiyong
iyon ngunit parang ramdam niyang darating ang kanyang mapapangasawa. Pagsapit ng gabi, nangyari
nga ang kanyang inaasahan. Nang marinig niya ang tinig ng lalaki, naramdaman niyang ito na ang lalaking
matagal na niyang hinihintay.

Isang sabi ay kinausap siya ng kanyang asawa at binalaan siyang huwag magpapakita sa kanyang
mga kapatid, sapagkat darating sila upang magluksa sa lugar kung saan siya nila iniwan. Pumayag naman
si Psyche at nangako ito sa kanyang asawa.

Kinabukasan ay narinig ni Psyche ang panangis ng kanyang mga kapatid. Naantig ang kanyang
damdamin kaya’t maging siya ay umiiyak na rin. Danatnan siya ng kanyang asawa na umiiyak kaya’t
pinayagan siya nito na makipagkita sa kanyang mga kapatid ngunit binalaan siya nito. “Sige gawin mo
ang iyong nais subalit parang hinahanap mo ang sarili mong kapahamakan.”

Kinaumagahan, inihatid ng ihip ng hangin ni Zephyr ang dalawang kapatid ni Psyche. Labis na
kasiyahan ang naramdaman nila sa oras na iyon. Nang pumasok sila sa mansiyon labis silang namangha,
naisip nilang ni hindi ito papantay sa kani-kanilang mansiyon. Nang matapos na ang kanilang pagdalaw,
dumakot si Psyche ng ginto at hiyas para sa kaniyang mga kapatid. At sila’y inihatid na ng ihip ng hangin
ni Zephyr. Labis silang nangimbulo kaya’t sila’y nagplano ng ikapapahamak ng bunso nilang kapatid.
Noong gabi ring iyon, nagmakaawa ang lalaki kay Psyche na huwag na muling patuluyin sa mansiyon ang
kanyang mga kapatid. “Tandaan mong hindi mo na ako makikitang muli kapag binali mo ang iyong mga
pangako.” wika ng lalaki. “Bawal na nga kitang makita, pati ba naman ang mga mahal kong kapatid?”
pagmamaktol na sagot ni Psyche. Dahil dito, muli siyang pinagbigyan ng kanyang asawa.

Kinabukasan, muling dumalaw ang mga kapatid ni Psyche na mayroong ng masamang


binabalak. Inusisa nila ng inusisa si Psyche hanggang sa malito ito. Napilitan siyang aminin na hindi pa
niya nakikita ang kanyang asawa kailanman. Inamin ng kanyang mga kapatid na isang halimaw ang
kanyang asawa kaya raw hindi pa nito nakikita ang kanyang mukha. Humingi sila ng pasensiya kung bakit
hindi nila ito sinabi kaagad sa kanya. Binuyo nila si Psyche na tignan ang itsura ng kanyang asawa bago
pa siya nito kainin. Takot ang namayani kay Psyche imbes na pagmamahal. Pinayuhan nila si Psyche na
patayin ang kanyang asawa gamit ang punyal at lampara. Gawin niya raw ito habang natutulog ang
kanyang asawa at saka siya tutulungang tumakas ng dalawa. Iniwan nila si Psyche na litong-lito. Mahal
na mahal ni Psyche ang kanyang asawa ngunit hindi pa rin maalis sa kanyang isipan ang sinabi ng
kanyang mga kapatid. Paano kung halimaw nga siya? Kaya’t nabuo ang kanyang desisyon. Kailangan na
niyang makita ang itsura ng kaniyang asawa.

Kinagabihan habang mahimbing na natutulog ang kaniyang asawa, isinagawa niya ang
planong pagpatay sa kanya. Dahan-dahan siyang lumapit sa kaniyang asawa dala-dala ang lampara at
punyal. Para siyang nabunutan ng tinik nang masilayan niya ang kagwapuhan ng kanyang asawa. Labis na
kahihiyan ang kanyang naramdaman kaya’t nagtangka itong magpakamatay. Iniligtas lamang siya ng
panginginig ng kanyang kamay. Ninais niyang masulyapan muli ang itsura ng kanyang asawa kaya’t
nilapitan niya itong muli. Hindi sinasadyang natuluan niya ng kumukulong langis ang balikat nito.
Nagising ang lalaki at nalaman niya ang kanyang pagtataksil. Bago pa man tuluyang umalis ang lalaki ay
ipinaliwanag niya kung sino siya talaga. Labis na pagsisisi ang naramdaman ni Psyche. Si Cupid, ang diyos
ng pagibig pala ang kanyang asawa. Napagtanto niyang napakaswerte niya sa kanyang asawa kaya’t
gagawin niya ang lahat bumalik lang ito sa kanya. “Ibubuhos ko ang bawat patak ng aking buhay upang

3|Page
hanapin siya. Kung wala na siyang natitirang pagmamahal sa akin, maipapakita ko sa kanya kung gaano
ko siya kamahal.” Sinimulan ni Psyche ang kanyang paglalakbay. Umuwi naman si Cupid sa kanyang ina
at isinalaysay nito ang lahat ng nangyari. Lalong tumindi ang galit nito kay Psyche.

Narating nga ni Psyche ang palasyo ni Venus. Nang makita siya ni Venus pinagtawanan siya
nito at sinabing “Isa kang kasumpa-sumpang nilalang. Kailanman ay hindi ka magkakaroon ng asawa
kung hindi ka dadaan sa butas ng karayom.” Dahil dito, binigyan ni Venus ng iba’t ibang pagsubok si
Psyche. Una ay kailangan niyang pagsamahin ang mga butong magkakauri. Tinitigan lamang ito ni
Psyche. Sa pakiwari niya’y hindi niya ito magagawa. Nasa ganitong kalagayan si Psyche nang bigla siyang
tinulungan ng mga langgam. Hindi nasiyahan ang diyosa kaya’t kinabukasan ay binigyan niya uli ito ng
pagsubok. Kailangan niyang kumuha ng puting balahibo ng tupa. Mapanganib ang pagsubok na ito kaya’t
ninais na lamang niyang magpakamatay. Bago pa ito mangyari, narinig niya ang tinig ng halaman.
“Huwag kang magpakamatay. Hindi naman ganoon kahirap ang pinapagawa sa iyo. Kailangan mo lang
maghintay ng tamang panahon upang makakuha ng gintong balahibo ng tupa.” Sinunod ni Psyche ang
payo ng halaman kaya’t nagawa niya ang ikalawang pagsubok. Galit na galit si Venus dahil hindi
ginagawa mag-isa ni Psyche ang kanyang mga pagsubok. Dahil dito, binigyan niya ulit ito ng pagsubok.
Sa ikatlong pagsubok, pinakukuha niya si Psyche ng itim na tubig sa talon. Bukod sa mapanganib, ay
imposible rin itong magawa ni Psyche. Tanging may pakpak lang daw ang makagagawa nito. Tulad ng
inaasahan, tinulungan ng agila si Psyche. Hindi matanggap ni Venus ang mga nangyayari kaya’t binigyan
niya uli ito ng pagsubok. Gamit ang kahon, kailangang humingi ng kagandahan ni Psyche sa reyna sa
ilalim ng lupa na si Proserpine. Sa tulong ni Tore nagawa ni Psyche ang ikaapat at huling pagsubok. Agad
nakabalik si Psyche dala-dala ang kahon ng kagandahan. Sa kagustuhang madagdagan ang kanyang
ganda upang mapaibig muli si Cupid sa kanya, natukso itong kumuha ng kagandahan sakahon. Dahil dito
nakaramdam siya ng matinding panghihina at agad nakatulog.

Sa kabilang banda ay magaling na ang sugat ni Cupid. Nais niyang makita ang kanyang asawa
kaya’t gumawa ito ng paraan para makatakas mula sa pagkakakulong ng kanyang ina sa kanya. Nakita
niyang bukas ang bintana at doon siya nakatakas. Sa kanyang paglalakad ay nahanap niya agad si Psyche.
Natagpuan niya ito malapit sa palasyo. Bahagya niyang tinusok si Psyche upang magising. Pinagsabihan
niya si Psyche sa kanyang pagiging mausisa na nagpahamak sa kaniya. Saka nito pinayuhan na magtungo
sa kanyang ina at ibigay ang kahon ng kagandahan. Nagpunta naman si Cupid kay Jupiter, ang diyos ng
mga diyos at tao. Hiniling nito na huwag na silang gambalain pa ng kanyang ina. Pumayag naman si
Jupiter at dali-daling nagpatawag ng pulong sa mga diyos ay diyosa. Ipinahayag niyang pormal ng ikinasal
si Cupid at Psyche kaya’t wala ng makagagambala sa kanila kahit pa ang diyosa ng kagandahan na si
Venus. Pinakain din nila ng Ambrosia si Psyche upang maging isa ng ganap na diyosa. Naging panatag na
ang kalooban ni Venus dahil titira na si Psyche sa kaharian ng mga diyos at ang mga tao ay
manunumbalik ng pagsamba sa kanya.

Sa kabila ng hirap na kanilang dinanas, ang pag-ibig (Cupid) at kaluluwa (Psyche) ay


nagkatagpo pa rin at hindi na kailanman mabubuwag

4|Page
Suriin
A. Your dialogue sounds familiar!
Tukuyin kung sino sa mga tauhan sa kwento ang nagsabi sa mga diyalogong ito. Pagkatapos ay ibigay
ang inyong pananaw o reaksiyon mula sa diyalogong kanilang sinambit. Babasahin ito ng guro o ng iyong
kaklase at malaya mong maibabahagi ang iyong kasagutan sa klase.
1. “Sige gawin mo ang iyong nais subalit parang hinahanap mo ang
sarili mong kapahamakan.

2. “Bawal na nga kitang makita,


i bapat
naman ang mga mahal kong
kapatid?”

3. “ Tandaan mong hindimo na ako makikitang muli kapag binali


mo ang iyong mga pangako

4. “Isa kang kasumpa-sumpang nilalang. Kailanman ay hindi ka magkakaroon ng asawa kung


hindi ka daraan sa butas ng karayom.”

5. “Ibubuhos ko ang bawat patak ng aking buhay upang hanapin


siya.”

6. “Huwag kang magpakamatay. Hindi naman ganoon kahirap ang pinapagawa sa iyo.
Kailangan mo lang maghintay ng tamang panahon para makakuha ng balahibo ng tupa.”

A. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa kwentong iyong binasa.


1. Bakit gayun na lamang ang galit ni Venus kay Psyche?
2. Paano mo mailalarawan ang amang hari ni Psyche?
3. Ano ang malaking pagkakamali ni Psyche na talaga namang nagpahirap ng kanyang buhay?
4. Sa mga pagsubok ni Venus kay Psyche, ano ang iyong napuna? Ano ang pagkakatulad ng mga
ito?
5. Ano ang nag-udyok sa mga kapatid ni Psyche para sulsulan nilang gumawa ng ‘di kanai-nais si
Psyche? Tama ba ang kanilang ginawa? Pangatwiranan ang sagot.

5|Page
B. Pagbabahagi ng Opinyon

1. Kung ikaw si Psyche, pakikinggan mo ba ang iyong mga kapatid kahit alam mong masasaktan mo
ang taong mahal mo/ si Cupid? Bakit?
2. Ibigay ang iyong sariling reaksiyon sa pahayag ni Cupid na:

“Hindi mabubuhay ang pag


-ibig kungwalang pagtitiwala.”

C. Pag-uugnay
Batay sa nakuha mong aral o mensahe mula sa mitolohiyang Cupid at Psyche paano mo ito maiuugnay
sa iyong sariling karanasan, pamilya, pamayanan,

Sariling karanasan

pamilya

Pamayanan

Lipunan

daigidig

Pagsasanib ng Gramatika at Retorika

Pamilyar ka ba sa mga kayarian ng salita? Alam mo bang mayroong apat na kayarian ang salita? Ito ay
ang mga sumusunod:

Mga Kayarian ng Salita at Halimbawa

1. Payak - binubuo ng salitang- ugat lamang ,walang panlapi ,hindi inuulit ,at walang katambal na
ibang salita
Halimbawa : Anim ,dilim ,presyo,langis,tubig
2. Maylapi – binubuo ng salitang -ugat at isa ohigit pang panlapi .
May limang paraan ng paglalapi ng salita
a. Unlapi – ang panlapi ay nakakabit sa unahan ng salitang-ugat

6|Page
Halimbawa: Kasabay ,paglikha ,marami
b. Gitlapi - -ang panlapi ay nakasingit sa gitna ng salita
Halimbawa : Sinabi,sumahod,tumugon
c. Hulapi - ang panlapi ay nasa hulihan ng salita
Halimbawa : Unahin ,Sabihin ,Linisan
d. Kabilaan – ang panlapi ay nasa unahan at hulihan ng salita
Halimbawa : Pag-isipan ,pag-usapan ,kalipunan
e. Laguhan – ang panlapi ay nasa unahan ,hulihan at loob ng salita
Halimbawa : Pagsumikapan
3. Inuulit – ang kabuuan o isa o higit pang pantig sa dakong unahan ay inuulit .
May dalawang uri ng pa-uulit
a. Pag-uulit na Ganap – inuulit ang buong salitang- ugat
Halimbawa : Araw-araw,Sabi-sabi ,sama-sama
b. Pag-uulit na Parsyal -isang pantig o bahagi lamang ng salita ang inuulit
4. Tambalan – binubuo ng dalawang salitang pinagsama para makabuo ng isang salita
May dalawang uri ng Pagtatambal
a. Malatambalan o Tambalang Parsyal – nananatili ang kahulugan ng dalawang salitang
pinagtatambal .Ginagamitan ito ng gitling sa pagitan
Halimbawa – Bahay -kalakal ,balik-bayan ,bahay -kubo
b. Tambalang -Ganap – nakabubuo ng ikatlong kahulugang iba kaysa sa kahulugan ng dalawang
salitang pinagsama.

Halimbawa: Hampaslupa,bahaghari,kapitbahay
Kadalasang nagbabago ang kahulugan ng salita batay sa kayarian nito.
Halimbawa:
1. Kapit ka lang para hindi ka mahulog.
Ang salitang kapit ay nasa payak na kayarian na nangangahulugang “hawak”
2. Ang taling nakasabit ang pinagkapitan niya para hindi mahulog.
Ang salitang pinagkapitan ay nasa kayariang maylapi na nangangahulugang bagay na ginamit sa
pagkapit.
3. Kakapit siya sa Mayor upang magkaroon ng trabaho.
Ang salitang kakapit ay nasa inuulit na kayarian ng salita na nangangahulugang gagawin o pinaplano pa
lang gawin.
4. Kapitbahay niya ang tumulong sa kanyang maglinis.
Ang salitang kapitbahay ay tambalang salita na nangangahulugang taong malapit ang tirahan sa inyo.

Pagyamanin

7|Page
Naunawaan mo na ba ang mga kayarian ng salita at kung paano nagbabago ang kahulugan nito batay sa
pagkakayari sa salita? Kung gayon ay isagawa mo ang mga sumusunod na pagsasanay upang malinang
ang iyong kasanayan sa kayarian ng salita.
Pagsasanay 1
Panuto : Tukuyin kung anong kayarian ng salita ang mga nakasalungguhit. Isulat lamang ang P kung
Payak, I kung Inuulit, M kung Maylapi at T kung Tambalan.
____1. Umibig ang mga kalalakihan kay Psyche.
____2. Sisidhi talaga ang galit ni Venus kay Psyche lalo’t nahulog ang loob ni Cupid sa kanya.
____3. Balang araw mapapatawad din ni Venus si Psyche.
____4. Maging ang mga kapitbahay ni Psyche ay namangha sa kanyang kagandahan.
____5. Labis na nanibugho si Venus kay Psyche.
____6. Naranasan ni Psyche ang mahihirap na pagsubok ni Venus.
____7. Si Psyche ay sasabak sa mga matitinding pagsubok ni Venus.
____8. Paggising ni Cupid nasaksihan niya ang napakagandang bukangliwayway.
____9. Urung-sulong si Psyche sa pagkuha ng balahibo ng tupa.
____10. Tinanggap ni Venus si Psyche nang maging ganap na diyosa na siya.
Pagsasanay II
Panuto : Gumawa ng isang HUGOT mula sa kwentong Cupid at Psyche gamit ang iba’t ibang kayarian ng
salita.
Halimbawa:
Sana ikaw na lang ang Cupid ng buhay ko, para kahit ilang beses kitang sasaktan handa mo pa rin akong
patawarin at tanggapin habambuhay.
*ikaw- payak *patawarin- maylapi
*sasaktan- inuulit *habambuhay- tambalan
Pagsasanay 3

Magtala ng sampung salita mula sa binasang akdang Cupid at Psyche, isulat kung anong kayarian ito ng
salita at ibigay ang kahulugan nito.
Halimbawa:
Umibig- maylapi- nagkagusto, nagmahal

Isaisip
Dugtungan ng sariling diyalogo ang mga sumusunod

Ang tiwala ay…

8|Page
Huwag mangangako…

Lahat ng pagsubok ay…

9|Page
Tayahin Pagyamanin- Pagsasanay 1
1. B 1. M
2. C 2. I
3. A 3. P
4. D 4. T
5. A 5. P
6. D 6. M
7. A 7. I
8. D 8. T
9. C 9. T
10. C 10. M

Balikan Suriin
Gawain 1 A.
1 . Tumpak ganern 1 . Cupid
2 . Ligwak ganern 2 . Psyche
3 . Ligwak ganern 3 . Cupid
4 . Tumpak ganern 4 . Venus
5 . Tumpak ganern 5 . Psyche

Susi sa Sagot-

Sanggunian
http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/05/cupid -at-psyche-
mitolohiyapanitikang.html

https://www.myph.com.ph/2011/09/kayarian-ng-salita.html#.Xrp9gGgzbIU

https://tl.wikipedia.org/wiki/MitolohiyaRead more on Brainly.ph –

https://brainly.ph/question/1501707#readmore

https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog -version-of-mythologies-mgamitolohiya-
kaligirang-pangkasaysayan-ng-mitolohiya_1150.html

https://tl.wikipedia.org/wiki/Mitolohiyang_Pilipino

https://www.google.com/search?q=concept+web&tbm=isch&chips=q:concept+web,g
_1:blank:ApNWhnzlg%3D&hl=en&ved=2ahUKEwja06Gf1NrpAhWlxIsBHQH3CVUQ
4lYoAHoECAEQFQ&biw=1349&bih=657#imgrc=OW07JZvX -MBgXM

10 | P a g e
11 | P a g e

You might also like